Hindi lahat ng pagkain ay hinahain. Ang iba ay may katumbas na halaga, halagang hindi mo makikita kung sa harap ka lang nakatingin. Imulat mo ang iyong mga mata, piliting suriin ang mga pangyayaring nagaganap sa bawat kanto ng kalyeng tinatahak mo. Maliliit na detalyeng hindi mo pinaguukulan ng panahong pansinin. Hindi lahat nang gumawa ng masama ay dapat mong husgahan. Ang iba ay may sapat na rason para magawa ang mga iyon, rasong dulot ng patikim ng buhay.