Kape

541 20 32
  • Dedicated kay my family
                                    

Inhale, exhale,

Inhale, exhale,

Inhale, exhale,

Kasabay nang malakas na paghinga mo ay ang pakikinig mo sa ugong na nagmumula sa aircon sa malaki mong kwarto. Hindi mo maipagkakaila na kumportableng-kumportable ka sa pagkakahiga mo sa may kalakihan mong kama, habang nakatingin ka sa may gawing kaliwa kung saan nakaukit ang iyong bintana para pagmasdan ang fireworks.

Manghang-mangha ka sa iba't-ibang kulay na pumapaskil sa itim na itim na kalangitan. Gabi na, nakakapanibago sa isip-isip mo. Kung ano ang kinatahimik diyan sa bahay mo ay siyang ingay naman ang nanggagaling sa labas. Hindi mo mapigilan ang paghikab, dahil na rin siguro sa nararamdaman mong pagkabored dahil sa paligid mo.

Ilang minuto na ang nakalipas pero para sa'yo ay napakabagal ng oras. Bumuntong-hininga ka sa tapat ng laptop mo, hindi ka nag-atubiling patayin na lamang ito. Inayos mo sa study table ang laptop mo at iilang nakakalat na papel, lapis at libro. Umayos ka ng upo at inunat ang nangawit mong likod at braso.

 Panandalian kang pumikit para maipahinga man lang ang mga mata mong pagod.

Sumulyap ka sa gawing kaliwa para masilip kung anong oras ang nakatala sa nag-iisang orasan sa iyong kwarto. Mukhang nabatid mong maari ka pang umalis para makalanghap ng hangin sa labas. Mabilis kang tumayo at nagtungo sa pinto, kinuha ang jacket na nakasabit sa likod no'n at mabilis itong sinuot. Pagtulak mo sa pinto ng iyong bahay ay agad bumungad sa'yo ang mga nakakaaliw na ilaw na nakasabit sa bawat puno.

"Puto, gusto niyo ba ng puto?" pag-aalok ng isang bata na nakapwesto sa may tapat ng kariton. Katabi niya ang isang pang dalagita na nag-aayos naman ng mga bilao. "Ate, baka gusto mo po ng puto? Masarap ito at malinaman. Hala na, bili ka na mura ko na lang bibigay sa'yo."

Napanguso ka tuloy at napahinto sa tapat ng samu't-samong mga puto. Nag-alinlangan ka kung bibili ka ba ng puto. Hindi mo ito gusto, pakiwari kasi ng dila mo ay walang lasa ang mga iyon. Pero kusang pumasok ang kamay mo sa loob ng bulsa ng jacket at kinapa ang iyong pitakang pabilog. Nagkibit-balikat at piniintindi mo sa'yong sarili na hayaan mo na lang dahil pasko naman.

"Magkano ba?"

"Anim, singkwenta na lang po! Hala na Ate. Para makauwi na rin kami," paglalambing pa sa'yo ng batang ngayon mo lang nakita. Kinuha mo ang isang papel na may pagkapula sa iyong wallet at iniabot ito sa maliit na kamay ng babaeng nagtitinda ng puto.

"Salamat, Ate!" Niyuko pa ang ulo niya sa harap mo bilang pagpapasalamat sa'yong ginawa.

Tumango ka lang ng dalawang beses para tumugon pagkatapos ay kinuha mo ang supot na naglalaman ng mga makukulay na puto. Ihahakbang mo na sana ang iyong kaliwang paa, nang biglang may sumulpot sa'yong harap.

"Merry Christmas, ate," iyon ang nakasulat sa malaking papel na hawak niya. Binigyan ka rin niya ng  isang napakalawak na ngiti ng dalagitang parang kabute na biglang napunta sa harap mo.

Bigla niyang kinuha ang kamay mong nakapasok sa bulsa ng iyong jacket. Hinawakan niya ang palad mo at may inilagay na kapirasong papel sa ibabaw nito. Kusang gumuhit ang iilang linya sa iyong noo, senyales nang nilalamon ka nang pagtataka sa ginagawa niya.

"Ano 'to?" malamig mong sabi.

Yumuko muna siya at sinulat ang isasagot sa tanong mo, doon mo napansin na hindi pala siya binayayaang makapagsalita. Noong matapos siyang magsulat ay tinapat niyang muli sayong ang papel na kanina pa niya hawak. "Surprise po! Maraming salamat po ulit! Ingat po."

Saka mabilis na tumakbo ang dalagita sa gilid ng kariton. Mabilis niyang pinahawakan ang laylayan ng duster niya sa batang nagtitinda kanina. Pero bago humakbang pasulong ay lumingon muna siya sa'yo at kumaway na parang nangagandidato. Tinuon mo ang iyong tingin sa papel na pulang binigay sayo ng dalagita kanina. Bahagya itong nakatupi kaya naman binuksan mo nang marahan iyon. May kung anong gaan ang naramdaman mo pagkatapos mong basahin ang lahat ng salitang sinulat ng bata.

Patikim ng BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon