They say that when two souls meet, it's either nakatadhana sila para sa isa't isa, o pinagtagpo lang talaga. No one could say that two persons are really meant to be together. It's still up to them if they will take each other in the Journey to Forever. Simple lang ang buhay para sa isang Ares Caesar Vergara. Simple lang, kasi nasa kaniya na ang lahat. Itsura, yaman, talento, maayos at masayang pamilya, kasikatan, at barkada, pati nga kayabangan nasa kaniya na. Lagi siyang pinagkakaguluhan ng nakararami. Ang tingin sa kaniya ay sobrang perpekto. Ito ang dahilan kung bakit napaka yabang niya. Para sa kaniya, ang lahat ng tao ay madadaan niya sa itsura, yaman, at kapangyarihan, dahil nasanay naman siya sa ganon. Lahat ay takot na banggain siya, dahil alam nilang isa siya sa pinaka makapangyarihang tao sa Atieca University o mas kilala bilang AU. Dahil sa kayabangan,makakatagpo niya ang babaeng magiging katapat niya. Isang babaeng kakaiba sa lahat ng babaeng una niyang nakilala, isang babae na magpapabago ng mundo niya, isang babae na hindi tulad ng inaakala niya, isang babae na kauna-unahang maglalakas loob na patulan siya, at isang babae na hindi niya inaakalang gugustuhin niya. She's the girl who will prove him that you should love someone not because of their face or appearance, but because of their personality and soul. "Bakit ka magmamahal ng isang taong iiwanan ka din sa huli?" A Journey to Forever a novel by Hailey_Dc Genre: Teen fiction, Romance, Random, Action.