sana ang love parang computer. pwede kang mag input ng mga bagay na gusto mo. pwede kang mag output ng lahat ng nasa isip at mga ninanais mo. pwede mong i manipulate ang taong mahal mo para mahalin ka tulad ng pagmamahal mo sa kanya. pwede mong i save 'yung mga bagay na nagpapasaya sayo. pwede mo ring i delete 'yung mga bagay na nakakasakit sayo.higit sa lahat, pwede mong ulit- ulitin ang mga bagay na gustong gusto mo. sana 'yung love ko parang ganito. pwede kong i redo 'yung mga magagandang pangyayari saking buhay kasama siya, lahat ng mga ginawa namin nung kami pa. sana pwede kong i redo ang buhay ko para mabura ko ang mga pagkakamali ko. sana bigyan ako ng isa pang chance ng taong 'yun. isa lang naman ang tanong ko, 'Ana can i redo loving you?'