Hayaan ninyong dalhin ko kayo sa sining ng makabuluhang tugmaan. Mga tulang pupukaw sa iyong pusong sinubok ng mga hamon ng buhay. Mga aral na kung hindi man bumago sa iyong pananaw subalit mag-iiwan ng kakintalan at maaaring akitin ka sa katotohanan. Ito man ay mistulang sirang plakang paulit-ulit na nagpapaala, sana'y maibigan ninyo sapagkat ang layunin nito ay gisingin ang para bagang natutulog ninyong diwa. Ang kamalayan sa mga bagay-bagay na makapagpapalaya sa iyong maling paghuhusga at pagtitimbang sa mga ito. Pinagtagpi-tagping mga kwento ng pag-ibig na mayroong kaugnayan sa buhay.