Nang mamatay ang boyfriend ni Jupiter Beauty Cardinal ay mas ginusto niyang mag focus sa business niya habang patuloy na minamahal ang kanyang pumanaw na kasintahan. Lumipas ang dalawang taon ay nahikayat siya ng pamilya ng lalaki na magbakasyon at doon niya napag desisyonan na i-let go na ang namayapang kasintahan. Makikilala niya si William Aiden Carter na lalaking magkakaroon ng malaking parte sa bagong buhay na pinili niya. Mananatili kaya siya sa tabi ni William kung ang sekreto netong itinatago ay may kinalaman sa kanyang namayapang nobyo? O lalayo siya dahil sa konsensyang nabuo sa isip niya? LOVE ALERT SERIES#2