"If I have found you first, I would've been your man and stayed by your side forever. Hinding hindi ako aaalis dahil alam kong nasa tabi ko na ang pinakakailangan ko sa buhay ko." Lahat na yata ng mahihiling ni Nheslaine sa isang boyfriend ay nasa kay Calix na. Bukod sa guwapo ito, mayaman, understanding at magaling na photographer ay binibigyan siya nito ng kalayaang magawa ang mga bagay na gusto nila sa buhay. Okay lang dito kahit ano pa man ang maisipan niyang gawin at siya rin naman ay okay din sa kanya kapag madalas itong wala dahil kailangan sa trabaho nito bilang wildlife photographer ang madalas na pagta-travel. Walang hassle ang relasyon nila at parehas nilang nagugustuhan iyon. Until Calix proposed to her. Akala niya ay magiging katulad siya ng ibang ababe na abot hanggang langit ang kasayahan pag nae-engaged. Pero bakit ganoon? Bakit parang pakiramdam niya ay bibitayin siya sa araw na iyon? She doesn't think that it's the right time. Pero dahil mahal niya ito ay pumayag pa rin siya. Hanggang sa pumasok sa eksena si Colt. Pakiramdam niya ay lumalabas ang sungay niya kapag nakikita niya ito dahil bukod sa napakaarogante nito sa kanya ay pa-yummy pa ito. Well, yummy naman talaga ito... kaya lang masungit. Pero nang nagkaroon siya nang pagkakataong makilala ito ay natuklasan niyang okay naman pala ito. He wasn't so bad after all. At habang nakikilala niya ito ay lalo niyang nakikita rito ang mga bagay na noon pa man ay hinahanap niya na kay Calix. Ito ang pumupuno sa mga kakulangan na alam niyang mayroon sa relasyon ni Calix. Kaya hindi na rin nakapagtatakang habang tumatagal ay nahuhulog ang loob niya rito. Pero hindi ganoon kadali ang istorya. Minsan, kung sino pa ang dalawang taong nagmamahalan ay siya pang hindi magkakatuluyan. Ano ang kanyang pipiliin? Ang tama o ang dapat? **** TO BE PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES