BL novel ©YourUnderratedWriter STUCK IN THE MIDDLE [COMPLETED] Will there be a happy ending? Kagagaling lang noon sa break-up ni Ryle Hernandez. Napagdesisyunan niyang pumunta sa bar para uminom at makalimot sa idinulot na sakit ng pagmamahal. Harap-harapan kasi siyang niloko ng girlfriend kaya sobra siyang nasaktan. Sumumpa siya sa sarili niya na hindi na iibig pang muli pero parang hindi yata mangyayari iyon. Sa pag-inom niyang nang gabing iyon ay labis siyang tinamaan ng espiritu ng alak at ang mismong may-ari ng bar ang tumulong sa kaniya. Nang makilala niya ang lalaking iyon na nagngangalang Austin Del Valle ay nagkaroon siya ng agam-agam sa sarili niyang pagkatao. Hindi katagalan ay umamin din ito na nararamdaman sa kaniya. Ngunit mas lalong naging komplikado ang buhay niya ng sumingit sa eksena ang kaniyang kababata na si Clint Asuncion, dahil umamin din ito ng lihim na pagtingin sa kaniya. Sino ang pipiliin niya? Sino ang mananaig sa dalawa? Sino ang itinitibook ng puso niya ngayong naiipit siya sa gitna ng dalawang makikisig at ubod ng guwapong mga lalaki.