Si Sofia ay isang spoiled brat sa mata ng karamihan. City girl, mabarkada at kung kagandahan ang pag-uusapan siya ang nangunguna. Isang kontrobersiya ang kanyang kinasangkutan dahilan upang ipadala siya ng ina sa lugar na ni minsan ay hindi niya napuntahan. Sa pagtapak niya sa Hacienda Zarragoza, unti-unting mauungkat ang mga lihim ng kanyang pagkatao. Kasabay nun ay ang pagdating ng isang estrangherong magbabago ng kanyang mala-perpektong mundo. Handa ba siyang harapin ang mga lihim ng nakaraan? Kaya ba niyang ayunan ang mundong taliwas sa kanyang nakasanayan? AllRightsReserved2019 Copyright (c)🌺PressyFebruary