Sapul nang ma-brokenhearted sa una at pinakaseryoso niyang nobyo, yearly ay naging panata na ni LJ ang magsagawa ng fundraising event tuwing kaarawan niya upang tumulong sa mga kapuspalad. And on her thirtieth birthday ay hindi niya inaasahang dadalo ang kilala at sikat na pintor na si Teagan James Cordova. Na sa buong pagkamangha ng lahat ay nag-bid ng one million pesos just to have a date with her, and he won. For the sake of her precious charity, nakipag-date siya rito. They dined, danced and had wine. The next morning she woke up in bed, naked. Her arms and legs intimately tangled with Teagan Jame's torso. Wala siyang matandaan sa mga nangyari. Ngunit kung pagbabasehan ang pananakit ng ilang parte ng katawan niya sa mga intimate area, masasabi niyang posibleng may namagitan sa kanila sa buong magdamag. Babalewalain na lamang sana niya iyon. Hindi naman siya babaing sinauna para maging sentimental sa mga ganoong bagay. She's a modern woman and not-too-innocent anymore to make a big deal out of it. Those were the thoughts racing inside her head when her bedroom door opened. Mula roon ay iniluwa ang kanyang abuelo at mga magulang. Na ora mismo ay nag-demand na pakasalan siya ni TJ kung gusto pa nitong makaalis doon nang buhay.
3 parts