Si Frella Marie Nuesca ay isang mahirap lang na babae. Iniwan siya ng boyfriend nito dahil sa estado nito sa buhay. Hanggang sa nagtrabaho siyat nag aral ng husto upang makapagtapos ng pag aaral. Ito ang naisip niyang ganti para sa taong nag iwan sa kanya. Sa kanyang pag aaral, nakilala niyang ang dalawang taong nakatulong ng lubos sa kanya. Iiwanan niya ang dating nakagawian at maguumpisa ng panibagong buhay. At sa pagbabagong iyon ay nakilala niya ang taong kinamumuhian niya ng lubos dahil sa taglay nitong kayabangan, kapreskuhan at lakas ng kumpiyansa sa sarili. Mahulog kaya ang loob ni Frella sa taong lubos niyang kinamumuhian na halod isumpa na niya?