Chapter 1

8 1 0
                                    

Frella's POV

"Tama na!……please" nanghihinang sabi ko

Heto na ngaba ang ikinakatakot ko, ang malaman niya ang tunay kong estado sa buhay.

Masakit dahil kung kelan minahal ko na siya ng husto ay saka pa nagka ganito

Hindi ko din ma pigilan na sisihin ang sarili ko dahil kung hindi sana ako naglihim ay paniguradong hindi ito aabot sa ganito.

"A-aah"  isang sapak ulit ang natanggap ko galing sa kanya.

"Why did'nt you tell me? Namamaos at naluluha naring sabi niya. Nanlilisik parin ang mga mata kaya nananatili parin ang takot sa dibdib ko.

"All this time--"

*PAAAAKKK*

Pinalo ako sa pwet!

"FRELLA MARIE NUESCA BUMANGON KA NA'T TANGHALI NA!" singhal ng napaka bungangera kong best friend.

"Heto na gising na" walang ganang sagot ko. Bumangon ako ng wala sa sarili.

Simula nang mangyari iyon ay hindi na nawala sa'king isip. Araw araw, gabi gabi, at maging sa aking pagtulog ay binabangungaot ako.

"Aber ano nanaman yang drama na yan? kung ako sayo'y maghandahanda nako dahil paparating na sina tita!"  Singhal ulit niya dahilan para bumalik ako sa reyalidad.

Hindi ko na kailangang sabihin ang pangalan ko dahil nasabi na niya kanina. Siya naman si Almira Jhanelle Orina, best friend ko. Simula high school siya na ang kasama ko sa bahay. Pareho kasing nasa probinsya ang mga magulang namin at kailangan namin tustusan ang pangaraw araw na gastusin namin. Working student kami. At dahil sa kaartehan ko, nawalan kami ng trabaho. Isang buwan na kaming hindi pumapasok. Ano pa bang aasahan mo?

3rd year college na kami sa pasukan. Engineering ang kinukuha ko at siya naman ay Accountancy. We're both 19 years old.

"Okay Almira, talk to the hand" yan nanaman  yang hobbie niyang kausapin ang sarili psh.

"Sige, papasok na ko sa kwarto"

Ilang minuto lang ang nakalipas ay may tumunog ng sasakyan sa labas.

"FRELAAAAAAAAA! ANDYAN NA SI PAPA BREEEENNNNNTTTTT!"

"Sandali! Sandali!"

Ngayon kasi ang punta namin sa restaurant na pagaaplyan namin. Sasamahan kami nina tita Katherine, tiro Aris at kuya Brent. Magkapatid sina mama at tito kaya mag pinsan kami ni kuya Brent.

"Srsly Frella?" maarteng sabi ni kuya Brent habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ko.

"Hayaan niyo na ko, waitress lang naman eh"

"Wow Frella namn ehh! saan kaba pupunta, sa restaurant o mamamalimus sa kalye?!" Kunot noong sabi ni Mira

Sapilitan akong pinabalik ni Mira sa kwarto upang ayusan. 

"Oh ayan nagmukha ka ng tao"
Biro nito ngunit agad ding nagbaba ng tingin matapos niyang makitang seryoso ako

"Let's go" sabi ni tita nung nakita na niya kaming bumaba ng hagdan

Mabilis lang ang naging byahe namin dahil malapit lang naman ang restaurant na pupuntahan namin.

Nakabusangot na pumasok si Mira. Bitin daw ung byahe palibhasa'y katabi niya si kuya Brent psh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wait For Me, And I'll Promise To Come BackWhere stories live. Discover now