GABI NG LAGIM, "Ang Binhi" Trailer "Hoy! Umalis ka nga rito! Isa kang malas, wala ng libre ngayon. Alis!!" Ganun na lamang ang responde nito sa matandang nanghihingi ng pagkain. "Ale parang awa mo na. Ilang araw ng w-walang laman a-ang tiyan ko. K-kumakalam na a-ang aking. . .", bigla na lamang naputol ang sasabihin ng matanda nang buhusan siya ni Aling Mora ng isang baldeng punung-puno ng kaning baboy. "Pinepeste mo ang mga paninda ko. 'Yan ang nababagay sa'yo!!", pabulyaw na sagot ni Aling Mora.