Ilang taon na mula noong huling makita ni Aztriz ang babaeng gusto niya noon sa kolehiyo pero agad pa rin niya itong nakilala noong minsang makita niya ito. Siya lang naman nag-iisang babaeng pinaglaan niya ng oras pero binasted pa rin siya. Kaya ngayong nalaman niyang kasalukuyang gipit ang sitwasyon nito ay agad niyang kinuha ang pagkakataong ito upang maangkin ang dalaga. Anong gagawin mo kung ang natatanging paraan na lamang upang mapa-opera ang iyong ama at maisalba ang inyong kompanya ay ang mag paalipin sa kaniya. Mag papaalipin ka ba o hindi? Lalo pa't hindi ka lang niya basta basta magiging isang ordinaryong alipin. Anong bago? √Kaunting pagbabago sa plot. √Edited Chapters √Pinagsama ko na rin dito ang Book I at Book II na ginawa ko noon at ginawa kong isang libro na lang.