Ang sarap sa feeling nung may nagmamahal sayo. Yung may taong nandyan para sayo, nag-aalaga, nag-aaruga, at nagpapahalaga sayo. Ang sarap sa pakiramdam, ang special, kakaiba, ang sarap magpalunod, ang saya, pero mahirap pakawalan, mahirap pag nawala. Pero sana ganun din ang perception nya, dahil mahirap malunod sa akala mong makakaya mong languyin. Mahirap malunod sa akala mong 'yun na, sya na.