"All 4" sigaw nung kaklase kong naging referee na sa laban naming dalawa Mukhang walang gustong magpatalo ah? Pano ba naman kasi pag natalo ka gagawin mo yung dare na sinulat ng bawat isa. Eh sino nga ba naman ang gustong magmukhang timang 'di ba?? Halos lahat ng mga kaklase ko ay nakapalibot na sa aming dalawa. Inaabangan kung para kanino ba ang huling puntos, Sa akin nga ba o sa kaniya?