Bato-Bato Pik! (One Shot)

194 14 8
                                    

"Oyoy! Mga Classmates laro tayo Bato-Bato Pik!!"
masiglang sabi ni Cholo, kaklase ko na walang magawa dahil obviously wala kameng teacher ngayon.

Ayan tuloy mga bumalik sa pagka-bata at maglalaro ng Bato-Bato Pik.

Psh!

Eh kung nag-aaral na lang kaya sila at nang may mapala pa!

"Ganito ang rules ng laro, bawat magkalaban eh gagawa muna ng isang dare na kelangan isulat sa papel, yung matatalo siyang gagawa nung dare na sinulat nung nanalo! Race to 5 ang labanan. Lahat kasali dito ah walang KJ!!"
Paglalahad ni Cholo

Aba't talagang may so-called 'Rule' pa ang game nila ha?

'Di ba pedeng pitikan na lang?
Dume-dare pang nalalaman??

At wala daw dapat KJ ah??

Eh sa AYOKO! Magagawa ba nila?
Tch.

Di bale kung kasali si "Crush" at pipilitin niya kong sumali. Ahihihi.

"Oy Mikel sali ka?"

AYYYIIIEEE!! Speaking of Crush!

Here he comes!!

"Ano namang laro pare??"
Tanong ni Mikel Baby! Hahah

"Pa-Pogian at Pa-"

"Oh sige sali ako! Pa-pogian lang pala eh siguradong wala na kayong panama saken!"

Eh??

Yabang din puko ng isang 'to!!

Nakarinig lang ng pa-pogian sali agad??

Edi siya na ngang nanalo sa Mr. Pogi nung pyesta!

Oh well, pogi naman talaga siya at MATALINO pa!

Kaya no wonder na nanalo siya.

Hinayaan ko na lang sila tutal wala din naman akong balak sumali, nag-soundtrip na lang ako dahil mukhang di rin naman ako makakapag-aral, sa iingay ba naman ng mga 'to.

"Joke lang pare! Bato-Bato Pik lang to."

"Kahit ano pa yan sali na 'ko! Boring din naman walang teacher eh."

"Girls vs. Boys 'to ah, tapos nga pala ang mangyayare ay change the loser ha? Oh game na! Mga girls, mga boys pila- pila din pag may time!"

Nakita kong nagsipilahan naman na yung mga boys.

Pati girls rin nagsipila na at mukhang mga excited pa.

Ano pa nga bang aasahan??

Siyempre naman andiyan yung crush ng bayan eh, KASALI!

Edi yan, time na nilang MAGPAPANSIN!

'Di naman nila ko kagaya na ganun ka-desperada para lang mapansin niya. Ayos na saken na nakikita siya, tsaka wala na din naman akong mapapala!

Balita ko kasi may napupusuan na daw siya at malamang hindi ako yun kase naman 'di ba hindi naman ako pinapansin ng lalaking yan, takot ata saken eh?!

Pero balita ko kaklase daw namen 'yon eh, HAHA! Dami kong alam.

Nag-umpisa na yung laro nila, habang nanonood lang ako. Hindi na 'ko pinilit ni Cholo na sumali.

Takot na lang niyan saken, baka pag-push-up-in ko pa siya bukas eh. Haha! Eh kasi ako ang Bat. Com. (Battalion Commander) ng C.A.T dito samen so malamang 'di ba alam niyo na?

Sa una, talo ang mga boys. Tatlong boys na ang natatalo nung unang girl pero nung pang-apat na ayun napatalsik na si girl 1 kaya naman nag-diwang ang mga boys, hanggang sa natalo na ulit si pang-apat na boy tapos pumalit naman na si Mikel na nasa pang-lima na nakapila, ayun kinilig si ateng na kalaban niya kaya naman natalo siya.

Bato-Bato Pik (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon