No, this is not another superhero story but instead the story of how I cast paints throughout my world. Tungkol ito sa kung paano ako naniwala na ang buhay ay parang isang coloring book. At sa coloring book na iyon, tayo mismo ang magbibigay dito ng kulay. Pero paano kung hindi ako artistic? At sa tuwing sinusubukan kong pinturahan ang boring kong buhay, palagi lamang nauuwi iyon sa wala? Mauubos na lang yata ang mga pangkulay ko ay wala pa ring mangyayari. Do I need to call a professional to help me color my world? Sino naman ang puwede?