Mayroong kasaysayan ng isang babaeng anghel na sumuway sa batas. Babaeng anghel. Si Ahuva. Ahava (הֲבָה) sa hebreo na nangangahulugang pag-ibig. Sa isang salita ng kaniyang bibig Ishshah (אִשָּׁה) siya ay nagiging anyong tao, kakilala at kahalubilo ng tao. Ang kwentong ipaglilingkod ko sa iyo ay isang kasaysayan ng pagibig. Ang pagibig ay matiyaga at mabait. Ang pagibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri o nagmamataas. Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama. Hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng bagay. Ito ay naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagbabata sa lahat ng bagay. Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas. 1 Corinto 13:4-8