Lahat naman ng tao ay nangangarap gumanda, hindi ba? 'Yong tipong mala-artista na lilingunin ka ng bawat tao na madaranaan mo. 'Yong tipong chill na chill ka lang sa pamimili ng isusuot mo dahil lahat naman ng isuot mong damit ay kasya sa'yo at babagay sa'yo kasi sexy ka. 'Yong tipong mala-Liza Soberano o Pia Wurtzbach na ang ganda mo, as in pang-international! 'Di ba lahat naman ng tao ay nangarap ng ganito? Hindi ba? Well, hindi pala lahat. Dahil si Maice, nakuha na niya ang lahat ng ito nang hindi niya man lang pinaghihirapan o pinagpapaguran. Bakit niya pa kailangang pangarapin ang lahat ng ito?