"Sa kanyang taglay na kagandahan, lakas ng katauhan, may paninindigan at sariling prinsipyo ay talagang kahanga-hanga ngunit kung ito naman ay basagulera, matigas ang ulo, pasaway ay mapapa iling ka na lang talaga sa babaeng ito. Siya si Arahbelle ang babaeng may sariling batas, pilosopo, may matalim na dila at hindi alam ang salitang magpa kumbaba, may kabastusan ang bibig sa nakakatanda, hindi mo nanaising pag aksayahan siya ng oras ngunit sadyang mapang laro ang tadhana. Upang siya ay mapatino ng kanyang ama ay kinailangan niya ito ipadala sa paaralang hindi mo kailan man maiisip na ito'y nag e-exist, sa kadahilanang kahit saan niya pag aralin ang kanyang anak ay lagi naman itong na drodrop, imbes na nag aaral ay laging nasa guidance, kung kumilos animoy hindi babae, ngunit sa kanyang bagong paaralan ay mapapalawak nito ang kanyang pag-iisip, matututo siyang makisalamuha sa tao, matututo siyang magkaroon ng pakealam sa bagay-bagay, malalaman niyo dito ang malaking sikreto ng kanyang buhay, makakakilala ng mga taong di niya aakalain mapapamahal sa kanya, ubod man ng misteryo ang paaralang ito ay hindi sukat akalain na magiging malaking parte ito sa kanyang buhay, mas naging matibay ang kanyang loob, mas naging palaban, at nag bago ang ikot ng kanyang mundo simula ng itapak niya ang kanyang mga yapak sa loob ng paaralang 'Real Academy' ang hindi ordinaryong paaralan ay natuklasan niya ang kanyang bagong katauhan"
4 parts