CHAPTER 1: "REAL ACADEMY "

61 4 0
                                        

"Hindi ka na nagtanda Arah! Ano nanaman itong pinasok mong gulo bata ka!" sigaw ng magaling kong tatay.

"Diba last warning ka na?! Napaka barumbada mo! Lagi mo ako binibigyan ng problema! Paano kung sa kangkungan ka pulitin ha? Nakailang kick-out kana sa mga eskwelahan!" Pag-aalburoto ng tatay ko habang nakalisik ang mga mata niyang nakatingin, pero nanatili pa rin akong tahimik. Pssh! Hindi na siya nasanay buti nga sa babaeng iyon pasa at galos lang natamo niya.

"Arah makinig ka, Huli na ito! Parang awa mo na anak, gusto lang kitang bigyan ng magandang kinabukasan. Pag hindi mo pa tinigilan yang pakikipag-away mo, mapipilitan akong ipatapon ka sa ibang bansa. May isa akong salita, Arah." Kalmado niyang sinabi sa akin iyan kagabi. Juicecolored ayoko pang mamatay sa puder ng banal kong Tita.

Okay sana iyong lugar kaso bawal ako don baka di nako sikatan ng araw sa kadahilanang... Walang wifi, may curfew, tapos kailangan pang gumising ng maaga araw-araw. Hindi pa naman ako morning person at ito pa ang malala kailangan tuwing umaga manampalataya.

"Mam Arah? Pinapatawag na po kayo ni Sir, aalis na po." Sabi sa akin ni Mang Berto, isa sa butler ng magaling kong tatay.

"Pakisabi sandali lang ha?"

"Opo, Ma'am."

Haay! Sana ang papasukin kong school ngayon ay makagraduate nako ng Highschool. Juiceko pang-limang lipat ko na ito ngayong taon sa loob lamang ng dalawang buwan. Paano ba naman kasi?! Ang daming insecure sakin! Porke't ba iniwan sila ng boypren nilang mukang kalyo sakin isisisi? Kaimbyerna girl ha.

Throwback

Kalmado lang akong nakaupo malapit sa bintana ng may biglang kumausap sakin

"Hey bitch, ikaw ba si Arahbelle?" Oh problema nitong babae na to? Bitch pa talaga.

"Hello slut? Yes I am Arahbelle" Sarcastic kong sinabe at ginawaran ko pa ng matamis kong ngiti.

Nakita kong nanlaki ang kayang mata sa sinambit ko, Oh girl you look like a tarshier.

"What?! Sino ka para sabihan akong slut ha? Ikaw pa nga yung mas slut sating dalawa, inagawa mo sakin boyfriend ko malandi ka!" Ugh sino ba boyfriend nito, nakakarindi naman boses nito.

Kalmahan mo lang Arah hingang malalim

"Di mo ba ako narinig? Bat' mo inagaw boyfriend ko!" Papalapit na sya sakin at akmang sasampalin ako.

"Yun' lang kaya mo slut?" Nakailag ako agad sa madumi niyang kamay, at mas mabilis pa sa pag iwan sayo ng ex mong nasampal ko ang mala porselana kong kamay sa dugyot niyang mukha.

Real AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora