(Dulang May Isang Yugto) Sina Alfred, Jojo, Nick at Rudy ay mga gurong nagtuturo sa ibang bansa Sila ay matuturing na magkakasanggang-dikit...parang magkakapatid ang kanilang turingan. Upang i-celebrate ang kanyang kaarawan ay naghanda ng maraming pagkain at inumin si Alfred at inimbita ang tatlo. At katulad ng dati ay nagkaroon nanaman sila ng mahabang kuwentuhan. Madalas na kung ano-ano ang kanilang pinagusuapan... politika, trabaho, babae, mga isyu sa Pilipinas, at kung ano-ano pa. Sa gabing iyon ang naging sentro ng kanilang kuwetuhan ay ang pinasok ni Alfred na isang relasyon. Nagbigay ng iba't ibang opinyon at payo kay Alfred ang kanyang mga kaybigan. At sa gabing iyon ay kaylangang gumawa ng desisyon si Alfred tungkol sa naturang relasyon.