Passionate Obssession [R-18 S...

Par rosequeen21_

803K 18.8K 1.1K

WARNING! Rated SPG! This book contains mature themes, strong languages, and scenes which are not suitable for... Plus

⚠️Author's Note⚠️
💞PROLOGUE💞
☢️CHAPTER 1☢️
☢️CHAPTER 2☢️
☢️CHAPTER 3☢️
☢️CHAPTER 4☢️
☢️CHAPTER 5☢️
☢️CHAPTER 6☢️
☢️CHAPTER 7☢️
☢️ CHAPTER 8☢️
☢️ CHAPTER 9☢️
☢️ CHAPTER 10☢️
☢️ CHAPTER 11☢️
☢️ CHAPTER 12☢️
☢️ CHAPTER 13☢️
☢️ CHAPTER 14☢️
☢️ CHAPTER 15☢️
☢️ CHAPTER 16☢️
☢️ CHAPTER 17☢️
☢️ CHAPTER 18☢️
☢️ CHAPTER 19☢️
☢️ CHAPTER 20☢️
☢️ CHAPTER 21☢️
☢️ CHAPTER 22☢️
☢️ CHAPTER 23☢️
☢️ CHAPTER 24☢️
☢️ CHAPTER 25☢️
☢️ CHAPTER 26☢️
☢️ CHAPTER 27☢️
☢️ CHAPTER 28☢️
☢️ CHAPTER 29☢️
☢️ CHAPTER 30☢️
☢️ CHAPTER 31☢️
☢️ CHAPTER 32☢️
☢️CHAPTER 33☢️
☢️ CHAPTER 34☢️
☢️ CHAPTER 35☢️
☢️ CHAPTER 37☢️
☢️ CHAPTER 38☢️
☢️ CHAPTER 39☢️
☢️ CHAPTER 40☢️
☢️ CHAPTER 41☢️
☢️ CHAPTER 42☢️
☢️ CHAPTER 43☢️
☢️ CHAPTER 44☢️
☢️ CHAPTER 45☢️
☢️ CHAPTER 46☢️
☢️ CHAPTER 47☢️
☢️ CHAPTER 48☢️
☢️ CHAPTER 49☢️
☢️ CHAPTER 50☢️
☢️ CHAPTER 51☢️
☢️ CHAPTER 52☢️
☢️ CHAPTER 53☢️
💞Epilogue💞
Author's Note

☢️ CHAPTER 36☢️

9.2K 284 18
Par rosequeen21_

“Twilight?”nagtatakang tanong agad ni Alee pagkasagot niya sa tawag ko pagkatapos ng ilang ring. “Anong oras ba? Ba’t ka napatawag?” halatang nagising ko siya and I feel sorry about it but I have no choice at the moment.

“Alee, pasundo ako.”

“Ha?! Pinagsasabi mo?” Her voice is wide awake now. “May nangyari ba? Asan ka ba ngayon? Diba nasa bahay ka ni Krypton? Ano bang—”

“Please, puntahan mo na ako.” Pigil-iyak kong sabi sa kanya.

“I’m coming, Twiilight. Hintayin  mo ako.”

True to her words, dumating agad siya pagkalipas ng ilang minuto. Dinig ko ang busina ng sasakyan niya sa labas ng gate kaya lumabas na ako ng bahay. Pero bago ako lumabas, iniwan ko ang phone ko sa kwarto.

Dali-dali akong naglakad patungo sa gate at nag-iisip ng kung anong sasabihin na palusot kay Manong Guard para pagbuksan ako ng gate at hayaang makaalis.

At the same time, I feel pathetic that I cannot even go out on my own when I want to because of Krypton’s strict security orders. Kinakabahan ako habang palapit sa guardhouse na katabi ng malaking gate pero laking gulat ko nang walang taong sumalubong sa akin para pahintuin ako. Doon ko napansin na nakabukas ng kaunti ang gate at hindi nakasara ng maayos. Wala din katao-tao sa guardhouse.

Oh, thank God! Napabulalas ako at saglit akong nakahinga ng maluwag. Whatever is the reason for this negligence, I’m so thankful at the moment.

Agad kong lumabas at pumasok agad sa kotse ni Alee.

“Alee, tara na! Pakibilisan please!” kinakabahang utos ko sa kanya sa takot na baka biglang sumulpot si Manong Guard at makita niya kami. Paniguradong makakarating agad ito kay Krypton kung mahuli kami ni Manong Guard at ayokong mangyari iyon. I want to get away from him and I don’t have the courage to face him after what I saw and heard.

“Okay ka lang, Twilight?” tanong ni Alee makalipas ang ilang sandali at medyo nakalayo na kami sa bahay ni Krypton.

Tumango ako at huminga ng malalim para kumalma. Umayos ako ng upo at pinaharap ang dala kong bag para mayakap ito.

“Twilight, ano bang nangyayari? Bakit may dala kang bag? At bakit ganitong oras—” napatigil siya nang humikbi ako.

Dali-dali niyang inihinto ang kotse sa gilid at humarap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para mas makita niya ako ng maiigi.

Pinailaw niya ang ilaw sa loob ng kotse at wala na akong nagawa nang makita niya ang basa at magang mga mata ko.

“What the hell, Twilight?! Anong ginawa sayo ni Krypton?! I swear, if that asshole made you cry like this—”

“Kasalanan ko, Alee.” Malungkot na saad ko. Totoo naman, kung hindi ko lang tinago sa kanya ang tungkol sa amin ni Ericsson, baka hindi nagkaganito.

“Ano?” naguguluhang tanong ni Alee.

Bago pa ako magpaliwanag, inunahan ako ng iyak at hindi ko maituloy ang sasabihin ko. The guilt, the overwhelming hurt, and the regret is too much that my tears are falling again uncontrollably.

Tinanggal ni Alee ang seatbelt niya at niyakap ako ng mahigpit. “Andito lang ako, Twilight.” Bulong niya sa akin habang hinahagod ang likod ko.

Ilang minuto akong umiyak sa balikat niya at nang nakatahan na ako, sinimulan kong ikwento sa kanya ang nangyari.

“Ano?! Ikinasal kayo ni Ericsson?! Totoo ba ‘to? Like, what the heck?! Paano nangyari ‘yun? Ba’t hindi ko alam?” nagsisimula pa lang akong magkwento pero gulat na gulat na si Alee sa naririnig niya  “At may marriage certificate pa talaga?”

I let out a defeated sigh and nod. “Hindi ko rin alam kung paano kami nagkaroon ng certificate. At nakakapagtaka dahil may mga lagda ang papel.”

Napatapik ng noo si Alee. “Deym! Baka naman peke iyon, Twilight. Atsaka pwedeng-pwedeng magaya ang lagda.”

Malungkot ko siyang tinignan. “Nakalagay pangalan mo sa witness at may lagda ka doon.”

Halos lumuwa ang mata ni Alee sa sinabi ko. “Oh shoot! No way! Wala akong pinipirmahan na ganon. Sinasabi ko sayo Twilight, peke yang certificate na ‘yan dahil wala akong matandaang nilagdaan kong ganyan. May kopya ka? Patingin nga.”

Dismayado akong umiling dahil naiwan sa bahay ni Krypton ang papel. Sana nga, peke talaga yun dahil hanggang ngayon, hindi ko tanggap na kinasal ako kay Ericsson.

Pinagpatuloy ko ang pagkwento sa nangyari at malutong na napamura si Alee nang marinig niya ang nakita ko sa bar.

“Ang gago naman!” marahas siyang napabuga ng hangin at hindi makapaniwalang tinignan ako. “Really? Nagawa ni Krypton iyon? I mean, oo may kasalanan ka dahil itinago mo sa kanya pero hindi sapat iyon na dahilan para maghanap siya ng comfort sa iba. Bakit kailangan pa niyang sabihin sa iba ang kinakaharap niyong problema ngayon?”

Napapikit ako. “Yan din ang tanong ko Alee. Dapat kaming dalawa ang nag-uusap tungkol doon at hinahanapan namin ng paraan pero nagalit siya agad at umalis na hindi man lang ako hinayaang magpaliwanag. Pero kung sana mas maaga kong sinabi sa kanya—”

“Bakit kasi hindi mo agad sinabi sa kanya noong nalaman mo?”

“Natakot ako, Alee.”

Kumunot ang noo niya.

“Natakot ako sa magiging reaksyon niya at baka iwan niya ako. Natakot ako na baka hindi na niya ako tatanggapin.  .  . And a part of me wanted to settle it quietly without him knowing. Balak kong ayusin ang  lahat at ipawalang-bisa muna ang kasal bago ko sabihin sa kanya.”

Hinawakan ni Alee ang kamay ko. “Twilight, stop trying to do everything by yourself. Alalahanin mo, isa sa mga dahilan kung bakit hindi nag-work out ang first relationship mo ay dahil hindi mo binigyan ng pagkakataon ang ex mo na alagaan ka at gawin ang mga bagay-bagay para sayo. I know, you’re a strong independent woman but it won’t hurt to be dependent on your partner too.”

“Pero ayokong maging pabigat.” depensa ko.

“No, dear. Hindi pagiging pabigat iyon. I meant being dependent on each other in the sense that you work together. Magpartner kayo kaya dapat kayong dalawa mismo ang haharap sa anumang pagsubok na darating habang nasa isang relasyon kayo. Being dependent on each other is also a sign of your trust. Hindi ako manghuhula pero hindi mo ba naisip kung bakit ganon ang galit ni Krypton nang malaman niyang itinago mo sa kanya?”

Hindi ako sigurado kaya napailing ako.

“He thinks you don’t trust him enough kaya hindi mo nasabi sa kanya. Nasasaktan siya dahil para sa kanya, wala kang tiwala sa kanya kaya hindi mo siya binigyan ng pagkakataon na tulungan ka.”

I started to protest. “Hindi naman sa ganon. May tiwala ako sa kanya at sa kakayahan niya pero ayokong madamay siya sa gulo ko.”

“Twilight, dear, damay na siya simula nang naging kayo. You already are each other’s pillar and shoulder to lean on. I’m not an expert but that’s how relationships work out. Hindi ka na mag-isa, may karamay ka na sa lahat ng bagay. Kung ano man ang problemang kinakaharap mo, hayaan mong tulungan ka niya dahil yun ang isang paraan ng pagpapakita niya that he cares for you and your welfares."

Natahimik na ako dahil tama si Alee. She may be bitter all the time but at times like this, she knows what to say.

“Thank you, Alee.” I sniffed and smiled at her. “salamat sa pakikinig at sa mga advices mo. As usual, you always say the right things.”

Nginitian niya ako pabalik. “Anytime, Twilight. Pero gago pa rin si Krypton mo.”  Bumalik ang galit niyang boses. “Huwag na huwag siyang magpapakita sa akin, baka masapak ko siya ng wala sa oras. How dare he make you cry! At may kasama pa talagang babae ang gago! Gusto mo bang puntahan na natin siya ngayon din? I can kick him in the ass for you.”

Natawa ako at kahit papaano, gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko.

"May saltik din itong si Krypton eh." Patuloy na pag-rant ni Alee. "Bakit pinili niyang umalis at makipag-usap sa ibang babae? Oo sana kung mama niya 'yun, maiintindihan ko pa. Pero ang gago lang kung nag-open up siya sa ibang babae at iniwan ka mag-isa sa bahay."

Napabuntung-hininga na lang ako. Masakit talaga sa akin na naghintay ako buong gabi sa pagbalik niya at sinisi ang sarili samantalang siya, nakipag-inuman sa ibang babae at sinadyang hindi sagutin ang mga tawag ko.

Pinaandar na ni Alee ang kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho habang walang hanggang nagmumungkahi ng iilang paraan para makapaghiganti daw ako kay Krypton.

Dumaan kami sa drive-thru ng Mcdo bago tuluyang umuwi sa apartment ni Alee. Hindi ako pwedeng umuwi sa apartment ko dahil paniguradong hahanapin ako ni krypton doon. Gusto ko munang mapag-isa at ayoko muna siyang harapin hanggang sa mapag-isip-isip ako kung anong gagawin ko. Kailangan ko pang asikasuhin ang pagpapawalang-bisa sa kasal namin ni Ericsson.

Nang makarating kami sa apartment ni Alee, kumain muna kami bago natulog na magkatabi sa malaking kama. Nakatulog agad ako pagkahiga ko dahil na rin sa pagod at sa hapdi ng mata ko dulot ng ilang beses na pag-iyak ngayong gabi.

Pakiramdam ko ilang minuto pa lang akong napapikit nang marinig ko ang malakas na ringtone ni Alee. Napadilat ako at dinig ko ang inis na pagbangon ni Alee para sagutin ang tawag. Dumako ang tingin ko sa orasan sa bedside table at napansing 10 AM na pala.

“Oh, shit, Twilight!” bulalas ni Alee kaya napaupo ako at napatingin sa kanya. “Bakit tumatawag si Tita sa akin?”

Pinakita niya ang phone niya at kita ko ang pangalan ni Mama sa screen.

Kahit na kinakabahan ako, tumango ako kay Alee para sagutin niya ang tawag at pinindot ang loudspeaker.

“Hello po, Tita.”

“Alee? Kasama mo ba si Twilight?” tanong agad ni Mama.

“Uh, yes po Tita. Andito po siya sa apartment.”

“Can I speak with her, please?”

“Okay po, Tita.”

Tahimik na iniabot ni Alee ang phone sa akin at wala na akong nagawa kundi tanggapin ito. Huminga ako ng malalim bago nagsalita, “Ma?”

“Twilight, okay ka lang ba?”

“Uhm, okay naman po. Ba’t po kayo napatawag?”

“Tumawag si Krypton kanina, tinatanong kung nasaan ka. Wala ka daw sa bahay niyo nang umuwi siya. Anong nangyari, anak? Nag-away ba kayo?”

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko inasahan na tatawagan niya sina Mama. Sinadya kong iwan ang phone ko sa bahay ni Krypton dahil alam kong pwede niya akong ma-track gamit ito.

“Uhm.  .  . may misunderstanding lang po kami.” tipid kong sagot.

“Oh, do you want to talk about it?”

Umiling ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita. “Tsaka ko na po ikwento sayo, Ma.” I don’t want to refresh my mind again of what happened last night.

“Misunderstandings do happen, anak. Pero huwag niyong patagalin ‘yan at ayusin niyo agad. I could tell he was so worried when he called. And don’t forget, andito lang kami. We’re always ready to hear you out.”

“Thanks, Ma. I’ll keep that in mind.” Nakahinga ako ng maluwag sa nararamdaman kong suporta niya

“One more thing, Twilight.” Pahabol na sabi ni Mama. “Do you personally know Marvin Villanueva?”

Kumunot ang noo ko at kasabay nun ay tumunog ang doorbell kaya tumayo si Alee at umalis para tignan kung sino ang nasa labas.

“Marvin Villanueva? Diba siya po ang nakasulat na solemnizing officer sa marriage certificate?” Naaalala ko ang pangalan na iyon.

“Oo, siya nga. Kilala mo ba siya?”

“Hindi po. Wala po akong kilalang Marvin Villanueva.” I feel odd about the name but I couldn’t exactly pinpoint why. Nakakapagtaka na mismong nag-solemnize sa kasal ko ay hindi ko kilala o matandaan. Madaming Villanueva sa mundo—

“F*ck! Just let me in, damn it!”

Nagulat ako sa biglaang sigaw mula sa labas. Bumilis agad ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang pagtaas ng balahibo sa buong katawan ko. I know that voice very well.

“Ma, tawagan kita mamaya. Bye!” dali-dali kong pinatay ang tawag at umalis sa higaan. Lumabas ako ng kwarto at lumapit sa main door kung saan nakatayo si Alee sa likod ng pintuan.

Hindi tuluyang nakabukas ang pintuan dahil may metal chain na nakasabit at nakaharang ang buong katawan ni Alee kaya natatakpan ako.

“I know she’s in there! Let me in and I’ll take her home.” kumpirmadong boses ni Krypton ang nagsalita at kinabahan ako.

“How sure are you that she’s here and she wants to go home with you?” matapang na tanong ni Alee.

“She’s not at home, she’s not in her apartment nor at her parents’, so where else could she be? I’ll take her home with me no matter what, whether she likes it or not and you can’t stop me.”

---






Annyeonghaseyo, dearest readers😁
Salamat po sa patuloy na pagbabasa🥰😁
Vote and comment down po😁
Stay safe and God bless po sa ating lahat. ❤️

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

24.2K 834 15
BOOK 1 of BEAST TRILOGY
617K 15.3K 35
"Kitty please get out of the way. Or else-" "Or else what?" I was confident in myself. "Fine. You asked for it." With that he picked me up bridal sty...
37.6K 1K 30
SEDUCING MS. INNOCENT BOOK 2. Kaitlyn and Derrick, have been living as a married couple for years. They faced many challenges, and they're always rea...
129K 5.4K 44
"He can die 'cause we haven't had sex?" I say as the weight of what she's just told me hits me like a ton of bricks. "The longer the Alpha stays in t...