Ikaw Ang Pangarap (Completed...

By Gidgetwitty

1.3M 9.9K 3.8K

"Ikaw ang pangarap ko, Celine! Ang babaeng nagpatibok sa pihikan kong puso." Paanong paniniwalaan ni Celine... More

Chapter 1 (First Meeting)
Chapter 2 (Love is in the air)
Chapter 3 (Asaran ang peg)
Chapter 4 (It might be you)
Chapter 5 (Suyuan)
Chapter 6 (Revelation)
Chapter 7 (Always)
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13 List of readers with comments
Chapter 14
Chapter 14 List of readers with comments
Chapter 15
Chapter 15 Lists of Readers with Comments
Chapter 16
Chapter 16 Readers with comments
Chapter 17
Chapter 17 (Readers with comments)
Chapter 18
Chapter 18 (Readers with Comments)
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Message for my readers
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40 (Life after 2 Years)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 (The Final Chapter and Epilogue)
Attention to all readers:

Chapter 35

19.9K 204 105
By Gidgetwitty

Chapter 35

    "Wow, ang ganda naman ng mga babies ninyo, SIr, Ma'am!" gigil na gigil na bulalas ni Inday, isa sa mga kasambahay nila sa mga sanggol na karga ng mga yayas.

    "Siyempre naman, saan pa magmamana ang mga iyan. Ang ganda kaya ni Ma'am Celine at pogi si Sir," sabi naman ni Poleng.

    "Totoo ka diyan!" sang-ayon ni Inday.

  Kararating lang sa mansyon nila Liam, Celine kasama ang mag-asawang Romulo at Carmela pati ang dalawang yaya na mag-aalaga sa kambal. Nadischarged sa ospital si Celine pagkaraan ng limang araw na pamamalagi sa ospital pagkatapos manganak.

   "Hon, ready na ba ang mga cribs sa bedroom natin?" tanong ni Celine.

  "Oo honey. May ipapakita kami sa iyo, hon. Sana magustuhan mo, regalo nila Mama at Papa sa atin," excited na sabi ni Liam.

   "Ano iyon?"

   "Basta," ngumiti si Liam sa asawa. "Hon, let me carry you upstairs para hindi ka na mahirapan umakyat, okay?"

    "Huwag na, Liam. Kaya ko namang umakyat," tanggi niya.

    "Let him carry you, hija," nakangiting sabad ni Carmela.

    "Oo nga, hija. Bumawi ka diyan sa anak ko," tudyo naman ni Romulo.

    Walang pag-aatubili na pinangko ni Liam ang asawa ng marahan.

    "Liam! Ang bigat ko na!"

  "Huwag kang mag-alala, honey. Kayang-kaya kita. Anong silbi ng ginagawa kong pagwowork-out sa gym natin," nakangisi nitong sabi.

     Napangiti na lang ang mga magulang ni Liam sa dalawa.

    Nagulat si Celine nang ibinaba siya ni Liam sa tapat ng pintuang katabi ng bedroom nila.

     "Lilipat na ba tayo ng bedroom?" nagtataka niyang tanong.

     "No, pero ito iyong surprise nila Papa at Mama sa iyo," misteryosong  sabi ni Liam. Tumingin ito sa mga magulang na sumunod sa kanila sa itaas.

     Dahan-dahang binuksan ni Liam ang pinto. Bumungad kay Celine ang napakagandang nursery na nakita niya sa buong buhay niya.

(Please look at the photo on your right).

    "Oh my, ang ganda!" bulalas niya.

    "Nagustuhan mo ba, hija?" tanong ni Don Romulo sa manugang.

    "Opo, Pa" Gustong maiyak ni Celine ng oras na iyon. Thank you God for giving me a very loving husband  and in-laws.  

   "Alam mo bang tinapos iyan ng interior design company that my parents hired in just four days," nagmamalaking sabi ni Liam.

      "Ha? Ganoon kabilis?" nagulat na wika ni Celine.

    "I guess as long as they get paid three times higher than the asking price, they would agree to anything," natatawang sabi ni Liam.

  "Thank you po, Papa, Ma. Napaganda po ng surprise ninyo," nanggigilid ang luhang baling ni Celine sa mag-asawa.  

  "We just want you to be happy, Celine," malumanay na wika ni Carmela.

     ""Hon, halika na sa kuwarto natin para makapagpahinga ka na," yaya ni Liam sa asawa.

    "Oo nga, hija. Kami na ang bahala muna sa mga apo namin. Kailangan mong magpahinga muna," sabad ni Romulo. 

     "Darling, akala ko ba mayka-meeting ka sa opisina ngayon," tanong ni Carmela sa asawa.

  "I cancelled the meeting. DIto muna ako sa bahay. Hindi yata ako papayag na lahat kayo makakasama ang mga apo ko tapos ako nasa opisina," mariing tanggi ni Romulo.

   "Tama ba ang naririnig ko, Pa? Sa pagkakaalam ko po ayaw na ayaw ninyong umaabsent sa mga meetings," tudyo ni Liam sa ama.

     "Aba noon iyon noong wala pa ang mga magaganda kong apo."

    "Hon, tara na para makahiga ka na sa kama," masuyo nitong giniya ang asawa papunta sa kuwarto nila. 

     "Honey, paano ang mga babies natin?" nag-aalalang tanong ni Celine.

     "Sina Mama at iyong dalawang yaya na muna ang bahala sa kanila, hon."

     "Huwag kang mag-alala, hija. Ako na at itong mga yaya ang bahala sa mga kambal ninyo."

      "Huwag ninyong kakalimutan, andito rin ang lolo," sabad ni Romulo sa usapan.

      "Ma, iyon pong mga bote ng breast milk ko po ay nasa bag na pink."

     "Daphne, make sure na mailagay agad sa ref para hindi masira," bilin ng donya sa yaya.

      "Opo, Ma'am."

    "Okay na kami dito, hija. Sige na, pumasok na kayo sa bedroom ninyo."

       "Ready, honey?" tanong ni Liam sa asawang hindi mapakali sa pag-aalala sa mga kambal nila.

       Tumango na lang si Celine.

         Please play the music.

        Nagising si Celine sa mga iyak ng mga anak. Galing sa kabilang kuwarto ang mga iyak ng babies ko. Nagmamadaling bumangon si Celine para magtungo sa nursery. Naabutan niyang hawak ni Liam ang dalawang sanggol, isa sa bawat braso nito. Samantalang nakatayo sa isang tabi ang mga yaya.

      "Shhh, tahan na mga sweethearts ko. Ito na ang daddy, shhh," alo ni Liam sa kambal na lalong pa yatang lumakas ang mga iyak.

      "Hon, anong problema? Baka gutom sila?" Lumapit si Celine sa asawang natataranta na sa iyak ng mga sanggol.

      "Hon, katatapos lang nilang dumede. Pinalitan na rin ng mga yaya ang diapers nila."

    "Akin na ang isa," sabi ni Celine. Kinuha nito si Alexa sa asawa. Naiwan si Kimmy sa ama.

      "Shhh, tahan na baby," malambing na sabi ni Celine.

    Wala pang isang minuto ay sabay ng tumahan ang dalawang sanggol.

   "Imagine that! Na-miss lang pala ninyo ang mommy ninyo," nakangiting sabi ni Liam hawak na sanggol.

       "Hon, nakatulog ka ba ng maayos?" masuyong tanong ni Liam.

      "Oo naman, ang haba kaya ng tulog ko," nakangiting sagot ni Celine.

      "Daphne, Perla kumain na muna kayo. Kami na muna ni Sir ninyo ang bahala sa mga bata," utos niya sa mga yaya na nag-aantay lang sa isang tabi.

       "Sige po, Ma'am," magalang na paalam ng mga ito.

       Naupo si Celine sa puting upuan malapit sa higanting giraffe na stuff toy karga si Alexa.       

    "Hon, ako na yata ang pinakamasayang lalake sa buong mundo ngayon. I have a beautiful wife that I'm so in love with and two adorable precious twins that are so priceless. Thank you so much, honey!" Napansin ni Celine na medyo gumaralgal ang tono ng boses ng asawa.

      "Liam, ako nga ang dapat magpasalamat at nandiyan ka lang parati para sa akin at sa mga anak natin. Salamat din sa pagmamahal na parati mong ipinararamdam sa akin. I love you too, honey."

     "Hon, please remember that you and the twins are my priorities and will always be my priorities in life."

    "Ganoon din ako, hon. Kayo ng mga anak ko ang pinakaimportante sa buhay ko," sabi niya.

    "Honey wait,  I think I smell something stinky," inamoy amoy nito ang paligid.

    "Baka tumae si Kimmy, paki-check mo ang diaper, honey."

   Maingat na binuksan ni Liam ang lampin ng anak. "Kimmy, pahihirapan mo ba ang daddy? Hindi pa sanay ang daddy mo sa pagpalit ng diaper, maawa ka naman. Sana maantay mo ang yaya mo." Napangiwi ito bigla ng mabuksan ang lampin. 

    "Oh, baby!" bulalas nito.

   Natawa si Celine sa reaction ng asawa sa maduming lampin ng anak.

   "Hon! May pupu si Kimmy! Anong gagawin ko?"

   "Di palitan mo. Alangan namang titigan mo na lang," natatawang tudyo ni Celine.

    Dinala ni Liam ang anak sa changing table. "Baby Kim, pasensya ka na sa daddy ha, ngayon lang ako magpapalit ng diaper sa buong buhay ko." Bulong nito sa sanggol.

    "Hon, make sure na punasan mo ng wipes pababa ha para hindi magka-infection si Kimmy," bilin niya sa natatarantang asawa.

    "Yes, hon," sabi nito habang abala sa paglilinis sa anak.

     Sa tagal yata ng paglilinis at pagpapalit ng diaper ni Liam ay nainis na si Kimmy, bigla itong bumunghalit ng iyak. Lalong nataranta si Liam sa pag-iyak ng bata.

      "Shhh, baby tahan na. Sorry sa daddy, medyo mabagal pa. Don't worry magiging expert din tayo diyan," alo nito sa anak.

       Lihim na napangiti si Celine sa narinig. Saan pa ako makakakita ng gaya mo, Liam. Hulog ka ng langit sa akin.

       Pagkaraan ng isang oras ay bumalik na ang mga yaya ng kambal.

      "Honey, let's go. Tayo naman ang kumain." Inalalayan nitong tumayo si Celine.

       

      "Good evening, Ma, Pa!" bati ni Celine at Liam sa mga magulang na nakaupo na sa dining table.

      "Good evening!" ganting bati ng dalawang matanda.

      "Did you sleep well, Celine?" tanong ni Carmela.

      "Opo, Ma. Thank you po."

      "Ano nga pala ang plano ninyo sa Pasko, dalawang linggo na lang," tanong ng donya.

       "Gusto po naming imbitahin ang nanay at Kuya ni Celine pati na rin si Isabel na dito magpasko," sabi ni Liam.

       "Aba mas marami mas masaya. Mas mainam siguro kung dito na sila mag-Christmas eve hanggang buong araw ng pasko tutal ang dami namang guest rooms sa taas," mungkahi ni Don Romulo.

       "Oo nga. Before I forget, si Ethan at ang Tito Gregorio at Tita Dalia mo pala ay dito rin magpapasko at bagong taon, siyempre kasama si Lola Rosa," sabi ni Carmela.

     "Talaga po! Wow, that's good news! Siguradong napakasaya ng pasko natin," sabi ni Liam.

     "Gusto raw kasi nilang makita rin ang mga kambal, kaya ayon excited ng umuwi lahat."

      "Hon, siguro maganda kung sa new year sa bahay naman nila nanay tayo mag-celebrate," sabi ni Celine sa asawa.

      "Sige, para maiba naman. Masaya din ang mga kabitbahay ninyo doon," nakangiting pagpayag ni Liam.

        "Ma, Pa pwede po ba kayong sumama sa bahay nila nanay pati na po ang pamilya nila Tita Dalia?" nahihiyang tanong baling ni Celine sa mga in-laws.

        "Sure, hija kung okay lang ba sa balae namin," wika ni Carmela.

       "Naku, sigaado pong matutuwa sila nanay at Kuya Jake. Masarap pong magluto ang nanay ng mga kakanin."

      "Aba baka hindi na ako makalakad niyan," natatawang biro ng donya.

        Naputol lang ang usapan nila nang narinig nila ang malakas na iyak galing sa nursery.

        Akmang tatayo si Celine para puntahan ang mga anak nang pinigil siya ni Liam. "Honey, tapusin mo na ang dinner mo, ako na ang papanik sa taas."

     "Pero hon baka kung ano na ang nangyari sa mga kambal natin," nag-aalalang sabi ni Celine.

       "I'm sure, naglalambing na naman ang mga babies natin. I'll be right back, hon." Nagmamadaling inakyat ni Liam ang hagdanan para makarating agad sa nursery.

         Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik din ito.

         "Kumusta ang mga bata?" tanong kaagad ni Celine sa asawa.

    "Okay na, honey. Naglalambing lang ang mga princesa ko," nakangiting sabi ni Liam.

     Bago pumasok ng bedroom si Liam at Celine ay dumaan muna sila sa nursery. 

      "Hon, mauna ka ng matulog. Magpapadede muna ako sa mga babies natin," sabi niya kay Liam.

      "Samahan na kita, hon."

      "Huwag na, kailangan ko ring mag-pump after para hindi masayang ang natitirang gatas."

       "Amazing talaga honey, parang hindi nauubos ang gatas mo."

       "Ganyan yata talaga, siguro alam ng Diyos na malakas kumain ang mga anak mo," napangiti si Celine.

        "Anong lasa ng breast milk, hon?" pilyo itong tumitig sa kanya.

        "Malay ko, hindi ko naman tinitikman iyon," inarapan niya ito.

    "Hon, baka naman pwedeng ako na lang ang tumikim niyan mamaya," bulong nito. Malagkit ang tinging ipinukol nito sa kanya.

         "Tse, ikaw talaga. Makikihati ka pa sa mga anak mo!"

         "Tikim lang naman, honey." Sabay kindat sa kanya.

        "Ewan sa iyo, Liam. Huwag ka ngang maingay at baka marinig tayo ng mga yaya," saway niya dito.

          Napangiti na lang si Liam.

       Nagising ng madaling araw si Celine na basa ang t-shirt na pantulog niya dahil sa dami ng gatas ng tumutulo mula sa dibdib niya.   

    Dahan-dahang niyang inalis ang braso ni Liam na nakayakap sa beywang niya para hindi ito magising. 

     "Hon, saan ka pupunta?" antok na tanong ni Liam nang maramdaman nito na ang pagbangon niya.

     "Kailangang makapag-breastpump agad para hindi masayang ang gatas ko, hon. Pupunta muna ako sa nursery."

       "Ako na ang kukuha ng breast pump mo sa nursery para hindi ka na mahirapang tumayo."

        "Thanks, honey."

      "Ang lagay, thank you lang? Pwede bang makahingi na rin ng gatas? Iyong straight from the source," pilyo nitong sabi.

       Binato ni Celine ang asawa ng maliit na unan. "Ikaw talaga puro ka kalokohan!"

       "You can't blame me for trying, hon," sabi nito saka tuluyan ng lumabas para kunin ang breast pump.

         

         "Sir, may bisita po kayo," sabi ni Poleng sa amo na kasalukuyang kumakain ng umagahan kasama ang mga magulang.

         "Sino raw?" nagtatakang tanong ni Liam.

         "Si Sir Ryan at Sir Isaac po."

        Napaismid si Dona Carmela nang marinig ang pangalan ng barkada ni Liam. 

        "Papuntahin mo na dito sa dining para makakain sila," utos ni Liam.

        "Opo Sir."

        "Liam, tulog pa ba si Celine?" tanong ng ina ni Liam.

        "Yes, Ma. Napuyat kasi sa mga bata kagabi."

        "Hayaan mo na lang matulog muna. Pero siguraduhin mong kakain iyon pagkagising, hijo."

      "Siyempre naman, Ma. Kaya nga po ako nag-leave sa office ng dalawang linggo para mabantayan ko ang mag-ina ko."

        "Speaking of office, I need to go now at may mga meetings pa ako na mamaya," sabad ni Romulo sa mag-ina.

         "Pareng Liam!" maingay na bati ni Ryan at Isaac nang makapasok ang mga ito ng dining area.

          "Kumusta na kayong dalawa? May atraso pa kayo sa akin," sabi ni Liam.

        "Hello, Tita Mel and Tito Roms! Good morning!" baling ng mga nito sa magulang ni Liam na pareho ng nakatayo sa may lamesa.

           "Good morning!" tahimik na bati ni Carmela.

        "Good morning! Kumain na kayo dito ng breakfast. Sige at may pasok pa ako sa office." sabi naman ni Romulo.

          "Anong hangin ang nagpadpad sa inyo dito?" tahimik na tanong ni Liam nang makaalis na ang mga magulang.

         "Mukhang hindi ka yata masaya na dumalaw kami, Pareng Liam. Nabalitaan kasi namin na nanganak na ang misis mo kaya naisip namin ni Ryan na dumalaw," nakangising sagot ni Isaac.

         "Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa ninyong dalawa sa akin noon. Ipinahamak ninyo ako sa babaeng iyon," matigas na sabi ni Liam.

         "Pare naman, we did you a favor. Masarap ba?" buska ni Ryan.

       "Loko-loko ka talaga, Ryan. Tumahimik ka nga baka may makarinig sa inyo lalo akong mapahamak," iritadong sabi ni Liam. Napasuklay ito sa buhok.

     "Wow ang sarap ng breakfast natin?" nakangiting wika ni Isaac.

     "Maupo na kayo para makakain," anyaya ni Liam sa dalawa.

    "Nasaan ang misteryosang misis mo, Pare? Hindi pa namin nakikilala hanggang ngayon."

        "Nasa itaas pa," maiksi niyang sagot.

        "SIr, ipapanik ko lang po itong juice na hinihingi ni Ma'am Celine," paalam ni Amy, ang bago nilang cook.

         "Ako na ang magdadala niyan.  Isunod mo na lang ng breakfast ng Ma'am Celine mo," utos niya sa babae.

      "Bahala na muna kayong kumain diyan. Ipapanik ko lang sandali ito sa asawa ko."

         "No problem. Kami na ang bahalang umubos dito," biro ni Ryan.

       "Kung kulang pa, kumuha na lang kayo sa kitchen. Otherwise, hintayin ninyo si Amy. Magdadala lang iyon ng breakfast sa taas."

          "Okay na kami dito, Liam," sabi naman ni Isaac.

        

     "Ryan, ang tapang ng timpla ng kape na ito kulang sa gatas," reklamo ni Isaac sa kaibigan.

           "Oo nga, teka ako na ang kukuha sa ref ng gatas," sabi ni Ryan sabay tumayo para magtungo sa kusina.

           "Pakilagyan na rin itong kape ko," inabot nito ang tasa kay Ryan.

          Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik si Ryan dala ang dalawang tasa ng kape.

           "O ayan, siguradong hindi na matapang iyan. Dinamihan ko na ang gatas," nagmamalaking sabi ni Ryan.

             "Pare, anong brand ng gatas ito bakit iba ang lasa?" nakakunot ang noong tanong ni Isaac.

              "Malay ko, nakalagay lang sa bote."

              "O ano nabusog ba kayo?" tanong ni Liam ng makabalik galing sa taas.

               "Ang sarap nga ng kain namin ni Ryan."

             Naputol ang usapan nila nang marinig nila ang natatarantang boses ni Inday.  

              "Nasaan na iyong bote ng gatas dito, Amy?" tanong ni Inday.

              "Aba nandiyan lang iyon kanina sa ref ah."

             "Eh bakit wala na dito. Naku, patay gutom na iyong mga bata sa itaas. Sabi ni Ma'am Celine, gamitin muna iyong natitirang breast milk sa bote kasi naliligo pa siya."

              Sa narinig kay Inday ay biglang nagkatinginan si Ryan at Isaac sabay napatingin sa hawak nilang tasa ng kape.

          "Okay lang kayong dalawa? Bakit parang maduduwal kayo diyan?" nagtatakang tanong ni Liam sa mga kabarkada.

    "Pare, excuse me. Pupunta lang ako sa banyo sandali," nagmamadaling tumayo si Ryan kasunod si Isaac para magtungo sa banyo.

           Nagtatakang napatingin na lang si Liam sa dalawa.

********Ano po ang masasabi ninyo sa chapter na ito? Pasensiya na po at matagal bago po ako nakapag-update. Masyadong busy, alam na po ninyo magpapasko na. :)

          Pwede po bang ang iregalo ninyo sa akin ngayong pasko ay  mga comments ninyo dito sa chapter na ito. Sana ay sipagin kayong mag-comment kahit ngayon lang para lalo akong sipagin mag-update at maipakita ninyo ang suporta sa istorya ko :)

         @Gidgetwitty (If you want to follow me on Twitter and Instagram)

Gidget Corpuz (Facebook)

http://www.facebook.com/groups/gidgetwitty/  (Please join our open reading group Kim Xi FanFic Stories by Gidgetwitty)

www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty. (Please like our fan page also. Thanks.)           

                   

                  

           

     

        

          

Continue Reading

You'll Also Like

12.3K 703 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
873K 11.2K 64
(Rated SPG) How to stop loving her? How to stop yourself loving someone you can't have? How to stop loving someone who don't deserve you? How to p...
6.2K 282 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
7.4K 425 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...