Savage Sandiwa

By paraiso_neo

9.7K 658 34

(Completed) TCPAA - New Generation: In a world filled with deception and hidden truths, a story unfolds. One... More

Prologue
The Birth
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55 (Last Chapter)
Epilogue
Farewell
Special Chapter #1
Special Chapter #2
Special Chapter #3

Kabanata 12

167 11 3
By paraiso_neo

Bryce

Nagulat talaga ako ng makita ko yung reaksyon ni Sandiwa Kyline nung malaman niyang may dumukot kay Sandiwu Clyde halata mong pag-aalala sa mukha niya. At parang naiinis siya na walang ginawa yung mga dati niyang kaibigan.

Oo alam ko may nakapagkwento lang sakin ng tungkol sakanila, si Sandiwa Kyline daw ang lumayo sakanila eh pero di nila alam lahat ang rason, yun nga daw yung simula ng pagbabago ni Sandiwa Kyline.

"Oy, Bry? Bakit nga pala magkasama kayo ni Kyline?" biglang sulpot ni Sandiwa Allyson sa tabi ko, di kasi siya sumama sa paghahanap kay Sandiwu Clyde.

"Ah, aksidente lang kaming nagkita diyan sa Garden bakit? Bawal na ba siya makipag-usap?" kunot noo na sabi ko sakanya, dahil nagtataka ako sa tanong niya eh.

"First time kasi na may kinausap siya na tulad mo, no offense ah matagal na rin kasing walang kibo yan." paliwanag niya kaya napaisip ako dun, pero bakit ako kinakausap niya ako?

"Narinig ko nga yan sa mga mangilan-ngilang estudyante rito. Pero bakit ba ganun siya?" usisa ko dahilan para matigilan siya at mapatitig siya sakin.

"Bakit mo gusto mong malaman? Wag mo sabihing.." tanong at pagputol niya sa sinasabi niya at natulala pa siya. At nagtataka naman akong tiningnan siya.

"Huh?" naguguluhang saad ko sakanya.

Di niya ako sinagot pero kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, at tsaka walang pasabing tinalikuran ako at lumabas ng classroom. At tsaka ako naiwan na nagtataka sa inaasta niya at habang ang mga kaklase namin ay nagtatakang tiningnan lang ako, pero di ko pinansin yun. Dahil lumabas ako ng classroom at tsaka sinubukang hanapin si Sandiwa Allyson.

Pero bigo akong makita siya, hanggang sa may makabunggo akong isang babae.

"Aray!" sigaw nito, kaya dali-dali akong tinulungan siyang tumayo ng makatayo ako.

"Pasensya na po kayo may hinahanap lang po ako." paghingi ko ng pasensya sakanya ng tuluyan kong makita ang mukha niya. At doon ko lang napagtanto na siya si Reyna Cheena ang kapatid ni Sandiwa Stacey. Isa na siyang professor rito, habang pinapamahalaan ang Zaynadarks. Katuwang niya ang kapatid niya.

Wala siyang asawa sa pagkakaalam ko dahil di na niya binalak simula ng pumanaw si Zach na minamahal nito.

"J-justine?" di makapaniwalang saad niya ng makita ako. Akala mo ay may naalala siyang pamilyar na tao.

"Reyna Cheena? Hindi po ako si Justine, ako po si Brylle Santiago isang scholar rito sa Academy." nakakunot noo na saad ko sakanya. Kaya di siya makapaniwalang pinagmasdan ako.

"Ay pasensya ka na iho, kamukha mo kasi yung naging kaibigan namin na taga-mundo ng mga tao." paghingi niya ng pasensya ng mapansin niyang hindi nga ako yung tinutukoy niya kanina.

Magsasalita na sana ako ng biglang may sumulpot..

"Ate Cheena?" tawag ng isang babae mula sa malayo at tsaka ito lumapit samin at doon ko lang napagtanto kung sino siya.

Siya si Sandiwa Ysay ang inaantay na tagapagmana ng Amians, inihahanda pa kasi siya ng kanyang kuya na si Haring Jarret na nasa Britania kasama si Reyna Jenica.

Kaya napalingon si Reyna Cheena rito, at ngumiti rito.

"Oh, Sandiwa Ysay? Ano't napadpad ka rito?" salubong na tanong niya rito ng makalapit ito.

"Nabalitaan ko na nawawala ang isa sa mga Sandiwu ng Normsantandia. Mukhang may panganib na namang nakaamba sa Normsantandia." malungkot na saad nito kay Reyna Cheena.

At tsaka siya napabaling sakin.

"Sino siya Reyna Cheena?" nagtatakang tanong ni Sandiwa Ysay kay Reyna Cheena. Kaya napalingon sakin si Reyna Cheena at ngumiti sakin at tsaka ako pinakilala kay Sandiwa Ysay.

"Ah siya si Brylle Santiago isang scholar na estudyante rito. Iho! May klase ka pa ba? Baka ikaw ay mahuli na sa klase, sa susunod ay mag-iingat ka na lamang." sabi niya at tsaka ningitian ako ni Sandiwa Ysay at saka ako tumango para makaalis na rin, mukhang tutulong sila sa paghahanap kay Sandiwu Clyde.

Di na ako nagsalita at tsaka umalis na ng tuluyan, kasi mukhang may pag-uusapan silang mahalaga.

Kaya ako imbes na si Sandiwa Allyson ang hanapin ko ay si Sandiwa Kyline nalang ang hinanap ko dahil nag-aalala ako sa kalagayan niya.

At tsaka ko naalala ang madalas niyang pinupuntahan, sa garden.

At dahil alam ko na kaya kong maglaho ay sinubukan kong gamitin ito para mabilis akong makarating sa garden at di naman ako nabigo at nagawa ko ito.

At di nga ako nagkamali, nandoon siya at umiiyak.

"Clyde, nasaan ka na? Oo galit ako sayo, galit na galit ako kasi sinaktan mo ko. Niloko mo ko, pero di ko ginustong mawala ka sa gantong paraan! At oo heto ako at di ko mapapatawad sarili ko pag wala akong nagawa para maligtas ka at makabalik ka. Clyde pakiusap, bumalik ka na! Lumaban ka! Mahal pa rin kita, mahal na mahal pa rin kita. Oo sa loob ng ilang taon, ikaw pa rin talaga kaya pakiusap.." sandali siyang tumigil at nagulat ako ng binuka niya ang palad niya at may lumabas na kapangyarihan ito at tsaka niya pinaulan ng napakalakas. "..pakiusap bumalik ka na." mahinang bulong niya.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko, di ko alam kung anong gagawin ko. Dahil aminin ko man o hindi ay nasaktan ako sa mga narinig ko, pero anong karapatan ko para maramdaman yun?

Magkaibigan lang kami.

Wala akong karapatan kaya hangga't maaga pa ay di ko muna papansinin tong kung ano mang nararamdaman ko para sakanya.

Dahil sa sitwasyon niya ngayon, kaibigan ang kailangan niya.

Lalong lumakas ang ulan na wari mo'y sinasamahan siya sa nararamdaman niyang lungkot. At unti-unting nagdilim ang paligid.

"Clyde!" nanghihinang iyak niya pa habang nakatingin sa kalangitan.

Heto ba yung sinasabi nilang nakakatakot at Savage na Sandiwa Kyline, heto ba yun? Pero bakit ibang tao siya ngayon. Dahil sa nakikita ko ngayon ay ito ang Sandiwa Kyline na labis na nagmamahal kahit na nasaktan man siya nito.

Pinanood ko lang siyang tumatangis at di pinansin ang ulan na bumabagsak sa akin wala na kong pakialam kung nababasa na ako, ang mahalaga sakin ay makita siya. At kung may mangyari man ay ako naman itong aalalay sakanya at magliligtas katulad ng ginawa niya.

At nagulat nalang ako ng bumagsak siya at nawalan ng malay kaya mabilis akong nanakbo papunta sakanya at sinalo siya.

"Sandiwa Kyline." sigaw ko.

Allyson

Di ko alam kung anong gagawin ko? Dahil kahit di man aminin sakin ni Brylle ang lahat ay nararamdaman kong may special siyang pagtingin kay Kyline. Ramdam na ramdam ko yun, kaya pinili kong lumabas ng room at sumama nalang sa mga kaibigan ko na hanapin si Clyde.

"Wala pa rin ba kayong nakikita lead ng kumuha sakanya?" tanong ni Mia sa mga kasama namin.

"Sad to say wala pa Mia." sagot ni Jaryl kay Mia na sobra na ang pag-aalala mula pa kanina.

Kanina lamang ay dumating na ang mga magulang ni Clyde at ang ilang mga Tita at Tito namin para tumulong na rin. Dahil natatakot kami para kay Clyde, dahil di pa sapat ang lakas niya para labanan ang kung sino mang kumuha sakanya.

"Oy tulala ka diyan?" sulpot ni Cheska sa tabi ko kaya napalingon ako sakanya.

"Si Brylle kasi.." mahinang saad ko sakanya kaya napakunot siya noo.

"Tama ba narinig ko? Si Brylle na stupid at abnormal. Anong meron sakanya?" sabat ni Jennifer samin, di man halata ay nabwibwisit talaga siya kay Brylle at dahil yun nung first day nung accidentally silang magkita sa gate ng Academy.

Di ko na sila sinagot dahil di naman ako ang dapat nilang pagtuunan ng pansin dahil may mahalaga dapat kaming pinagtutuunan ng pansin at yun ay si Clyde.

"Tsaka na natin pag-usapan. Ang dapat nating pagtuunan ng pansin ay ang paghahanap kay Clyde." saad ko sakanila, kaya napatango sila.

Napatingin naman ako kay Francine na seryosong nakatingin sakin na siyang pinagtaka ko.

Bakit ganito makatingin ito?

"Alam kong may gusto ka kay Brylle? Stop dreaming, Ally. He's never been yours." sabi niya sakin gamit ang isip niya. Kaya natahimik ako.

At walang pasabing umalis at iniwan sila. Nagtaka pa nga sila at sinubukang tawagin ako pero di ko sila nilingon.

At doon ko naramdaman ang pagbabagsakan ng mga luha ko.

Dahil tumagos sa puso ko ang mga sinabi ni Francine.

At maya-maya pa ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. At tsaka ako napadpad sa bandang garden, at lalo pa kong nasaktan sa nakita ko.

Magkasama sila, nakatingin lang si Brylle kay Kyline na umiiyak. At alam kong dahil kay Clyde yun, at ang pinakamasakit sa lahat ay di man lang iniinda ni Brylle ang malakas na ulan na bumabagsak sa kanya.

At mas lalo pa kong nasaktan ng bumagsak si Kyline ay mabilis niya itong sinalo.

"Brylle, bakit siya?" mahinang bulong ko sapat na ako lang ang makarinig at tsaka nagbagsakan ang mga luha ko.



Continue Reading

You'll Also Like

27.3K 848 43
In this world you have to be brave enough to accept that not everybody who fights with you survives the battle. Because in the end, it takes more tha...
20.3K 572 44
When freedom soon leads you to the place where it will change your fate. A world where you see the beauty of gods creation and soon will be rule in t...
6.2K 193 50
(BOOK 2 OF LUCKY ONE) ONCE CALLED A LUCKY ONE ONCE SAVED THE ACADEMY IS THERE ANY CHANCE THAT BEING A LUCKY ONE AND SAVE ANOTHER VALUABLE THINGS CAN...
89.1K 1.7K 62
UNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all tho...