Kabanata 8

190 22 1
                                    

Brylle

Nagising ako sa isang silid na di pamilyar sakin hanggang sa maalala kong napagdiskitahan ako ng mga estudyante sa Academy. Kasi nga raw scholar lang ako at bago lang sa Academy, tumakbo nalang ako kahit hinang-hina dahil sa mga sugat na natamo ko.

At ang huli kong naalala ay kaharap ko si..

"Oh, iho gising ka na pala?" biglang pasok ng isang babae na nakasuot ng parang uniform na damit pero ibang klase ito.

Lumapit siya sakin habang bitbit ang isang tray at tsaka nilapag sa side table sa tabi ng kama.

"Nasaan po ako?" nagtatakang tanong ko sakanya.

"Nasa Kaharian po kayo ng Ainabridge.." sagot niya na siyang kinagulat ko at tsaka inabot sakin ang isang tasa, at sinenyas na inumin ko ito. "..inumin mo yan iho, para mabilis gumaling ang iyong mga sugat." dagdag niya pa.

Kahit na gulat pa ko at di makapaniwala na nasa kaharian ako ng Ainabridge ay inabot ko pa rin ang tasa, para na rin mabilis gumaling ang sugat ko at para di na rin makita ni Ina. Dahil tiyak kong magagalit at mag-aalala yun.

"Pero paano pong narito ako?" tanong ko pa sakanya. Kasalukuyan na siyang naglilinis ng silid.

Kaya napalingon siya sakin.

"Dinala ka rito iho ng Sandiwa Kyline at agad ka naman ipinaasikaso samin ng mahal na Reyna at Hari dahil nga malala ang mga sugat na iyong natamo.." paliwanag niya dahilan para matahimik ako.

Si Sandiwa Kyline nagdala sakin rito, pero paano nangyari iyon?

"..ang alam ko ay babalik siya mamaya para icheck ka. Siya na raw maghahatid sayo pauwi kaya magpahinga ka muna diyan, at ako ay aalis na." sabi niya at tsaka tuluyang nagpaalam at umalis.

Kaya napatango ako.

Ng maiwan ako ay nandito pa rin ang gulat saking sarili, di ko inaasahang makakapasok ako sa gantong klaseng lugar. Buong buhay ko ay sa gubat na ko nakatira, malayong-malayo sa kabihasnan.

Ayaw rin kasi ni Ina magkwento ng tungkol sa mg kaharian, dahil wala raw sapat na rason para malaman ko ito ang mga ito. Pero alam kong may tinatago sakin si Ina, di ko lang talaga mahulaan dahil lagi siyang iwas sa tuwing magtatanong ako ukol dito.

Pinagmasdan ko ang buong paligid, napakalaki nito at nakakamangha ang pader nito dahil kumikinang ito.

Tunay ngang napakaganda ng Kaharian ng Ainabridge tulad ng sinasabi ng mga kaklase noon sa dati kong paaralan.

Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang..

"Gising ka na pala, mabuti naman kung ganun." biglang sulpot ng kung sino kaya napatingin ako sakanya nasa bandang pinto siya at seryosong-seryoso na nakatingin sakin. Yung gantong itsura raw ang kinatatakutan ng lahat sa Academy yung sobrang nakakatakot niya tumingin at panitig.

Pero bakit ako, di man lang ako nakakaramdam ng takot sa tuwing nakikita ko siya.

Kinakabahan lang pero takot wala eh.

Lumapit siya sakin at walang pasabing chineck mga sugat ko na ngayon ay wala na. Mukhang umeepekto na yung pinainom sakin ng babae kanina.

"Magaling ka na pala, hmmm mabuti pa at maghanda ka na ihahatid na kita sa inyo." saad niya at sabay bitaw sa braso ko.

"Kahit sa Academy mo nalang ako ihatid, kaya ko na umuwi di ba nga sabi mo magaling na ko.." nakangiting saad ko sakanya at nakita ko namang napairap siya.

"Siguraduhin mo lang dahil ako mismo lulumpo sayo." matigas na banta niya kaya medyo nakaramdam ako ng kaba na agad ding napalitan ng pagpipigil ng tawa ko.

Grabe talaga tong babaeng to, nakakatakot.

"Nababasa ko iniisip mo kaya tigilan mo na yang mga iniisip mo. Tumayo ka na diyan at ihahatid na kita." nakacross-arm at nakataas na kilay na saad niya dahilan para magulat ako at medyo makaramdam ng hiya.

Kaya dali-dali akong tumayo.

"Mahal na Sandiwa Kyline salamat nga pala sa pagpapagaling sakin. Tatanawin ko itong malaking utang na loob hanggang sa aking kamatayan." nakangiting pagpapasalamat ko sakanya pero iniirapan niya lang ako.

"Ang OA mo ah, di naman ako yung nagpagaling sayo kundi yung gamot mismo at mga babaylan. Kaya tigilan mo ko diyan sa linyahan mo, dahil tatamaan ka na sakin." naiiritang saad niya dahilan para medyo makaramdam ako ng hiya. Mukhang eto na yung sinasabi nilang Savage Sandiwa.

Di na ko umimik pa hanggang sa..

"Sandiwa Ky, narito ka na pala." biglang sulpot ng isang lalaki, sino naman ito.

"Ay hindi! Ama, larawan lamang ito o di kaya naman ay drawing lamang tsk." umiirap sa ere na sabi ni Sandiwa Kyline sa tinawag niyang Ama. So ibig sabihin siya yung Hari.

Napailing lang ang Ama niya at tsaka napatingin sakin.

"Oh iho, nagising ka na pala. Kamusta na ang iyong pakiramdam?" sabi ng Hari at tsaka lumapit sakin.

Kaya medyo nagulat ako at agad rin namang nakabawi.

"Ayos na naman po. Maraming salamat nga po pala sa pagpapatuloy rito sa akin. Isang malaking karangalan ang makatungtong rito." nakangiting saad ko sa Hari, at ngumiti din siya na kinagulat ko. Dahil ayon sa kwento-kwento ay cold raw ang Hari ng Ainabridge pero mukhang nagbago rin ito sa paglipas ng panahon.

"Wala iyon, Iho. Ano nga pala ang iyong ngalan?" nakangiting saad at tanong niya sakin.

"Ako po pala si Brylle Santiago." pagpapakilala ko sakanya. Ngumiti lamang siya at akmang magsasalita na ng sumabat si Sandiwa Kyline.

"Di pa ba kayo tapos? Magdidilim na kaya baka hinahanap ka ng magulang mo." sabat niya kaya napailing nalang ang hari sa anak na wari mo'y sanay na sa ugali ng anak.

Kaya medyo natauhan rin ako. Baka nag-aalala na nga yun si Ina sakin.

"Sige na Brylle, umuwi ka na hanggang sa muli." nakangiting saad sakin ng Hari at sasagot palang ako ng hawakan ako ni Sandiwa Kyline at tsaka kami naglaho na parang bula. Parang ito yung natuklasan ko kaya bigla akong napunta sa harap ni Sandiwa Kyline pero bakit meron din ako nito? Piling norms lang ang meron nito.

At sa pagmulat ng mata namin ay nasa Garden na kami ng Academy. Narito na kami.

At dahil sa sobrang tuwa ay nayakap ko si Sandiwa Kyline ng di sinasadya. Parehas kaming natahimik at gulat.

Parang sandaling huminto ang mundo at parehas kaming di alam ang sunod na gagawin.

Ano ba tong ginawa ko?

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now