Kabanata 13

164 12 2
                                    

Brylle

Agad kong dinala si Sandiwa Ky sa clinic basang-basa siya at mukhang inaapoy ng lagnat dahil sa sobrang init ng katawan niya.

Basa din ako pero di ko iniinda yun. Maya-maya pa dumating si Nurse Romina na matagal ng nurse sa Academy na di man lang tumatanda sabagay ganto talaga sa mga matataas na norms at dugong bughaw. Oo dugong bughaw si Nurse Romina, kaya ni kailanman siya tumanda. Kabilang siya sa lahi ng Amians, mas pinili niyang maging Nurse habangbuhay para sa mga estudyante sa Academy na ito.

"Mr. Santiago? What happened to Sandiwa Kyline bakit wala siyang malay?" nag-aalalang tanong na salubong niya sa pagpasok niya ng clinic at lumapit kay Sandiwa Kyline para icheck ito.

"Bigla nalang po siyang bumagsak, buti nga po naroon ako at nasalo siya. Umiiyak po kasi siya, at nagpaulan at tsaka siya tuluyang nawalan ng malay." sagot ko kay Nurse Romina dahilan para mapalingon siya sa akin.

"Umiiyak? Bakit naman umiiyak ang Sandiwa at nagpaulan? Kaya pala iba ang pakiramdam namin sa ulan kanina." nagtataka at nagugulat na saad niya sakin habang panay ang check sa kalagayan ni Sandiwa Kyline.

"Sa nakita ko po sakanya kanina mukha pong apektado siya sa nangyari kay Clyde." sagot ko kay Nurse Romina.

"Hmm..di na rin ako magtataka kasi kahit naman gaganyan-ganyan tong batang ito ay alam kong pag mahal niya ang isang tao di niya kayang kalimutan. Bigla ko tuloy naalala nanay niya sakanya.." nakangiting saad niya at tumayo upang kumuha ng planggana at towel na saktong nasa isang kabinet lang na malapit sa kinahihigaan ni Sandiwa Kyline. Wala pa rin siyang malay mukhang naubos siya.

"Si Reyna Criszette po ba ang tinutukoy niyo?" nakakunot noo na tanong ko sakanya.

"Oo iho! Dahil naalala ko noon na matagal bago nagkatuluyan si Reyna Criszette at Haring Keiron, nagkagustuhan kasi sila sa gitna ng digmaan, di nila alam kung paano ipaglalaban yung feelings nila sa isa't-isa. Kaya ayun nagkasukuan until Criszette died pero one day nagulat kami lahat na she is still alive despite of what happened on her sa digmaan. Pero sa pagbabalik niya may boyfriend siya at di niya kilala lahat. Wala siyang maalala.." kwento niya sakin at tsaka lumapit kay Sandiwa Kyline dala ang planggana at tuwalya na nilagyan niya ng tubig at tsaka piniga. At tsaka siya umupo sa gilid ng kama ni Sandiwa Kyline at pinigain muli ang tuwalya sa tubig at tsaka pinunasan ang buong katawan ni si Sandiwa Kyline. Btw napalitan na siya ng damit ginamitan ng spell ni Nurse Romina kanina "..sobrang devastated si Haring Keiron nun, di siya makapaniwala na buhay si Criszette. Pero sa ibang katauhan at pangalan nga lamang. Dahil walang naalala si Criszette. Miski nga mga magulang niya ay nakalimutan niya, kaya ayun nagpakilala silang magulang kay Criszette at tinawag nilang "Jewel" para makalimutan ang masalimuot na naganap kay Criszette ng dahil siya ang tagapagligtas ang magbabalik ng kapayapaan sa Normsantandia, nagawa niya yun kahit na kapalit nito ang pagmamahal niya kay Keiron. Pero nung maging Jewel siya dumating ang mga bagong kalaban, kaya ayun nakidigma na naman sila at hinanap ang nawawalang Reyna at Hari ng Ovianad. Di naging madali pinagdaanan nila, hanggang sa natupad ang propesiya na magdadalang-sandiwa si Reyna Criszette ng isang napakagandang babae na papangalanan nilang Kyline. Kaya lahat kami di makapaniwala na magkakatuluyan pa rin sila sa kabila ng napakaraming napagdaanan nila." kwento niya pa at tsaka tumayo na dahil tapos na ang pagpupunas niya kay Kyline. Ipinatong niya ang tuwalya sa noon ni Kyline para mapababa ang temperatura ni Sandiwa Kyline.

"At masasabi kong silang mag-ina ay isang lalaki lang ang kayang mahalin, at yung lalaking iyon ang nakikita nilang makakasama habangbuhay.." nakangiting dagdag pa niya. "..Mr. Santiago pabantayan muna si Sandiwa Kyline, pupunta lang ako sa kaharian ng Ainabridge  para ibalita ang naganap sa Sandiwa." pagpaalam niya.

"Sige po ingat po kayo." nakangiting sagot ko sakanya at tsaka siya naglaho na parang bula.

Ng maiwan ako ay di ko maiwasang pagmasdan si Sandiwa Kyline na mahimbing na nagpapahinga.

Makalipas ang ilang oras ay nagising ako, oo nagising ako dahil nakatulog ako ng di ko namamalayan dahil sa boses na naririnig ko. At halos mataranta ako ng makitang nanginginig si Sandiwa Kyline at may sinisigaw.

"Clyde! Clyde!" paulit-ulit na binabanggit niya.

Kaya sinubukan ko siyang gisingin pero di siya magising. Kaya nataranta na talaga ko ng sobra.

"Gumising ka Sandiwa Kyline, binabangungot ka please. Wake up!" sigaw ko pero wala pa ring nangyayari, paulit-ulit niya pa rin binabanggit ang pangalan ni Clyde hanggang sa..

"Kylineee." biglang sulpot ni Reyna Criszette kasama si Haring Keiron, Dating Reyna Jasmine at Reyna Jenica,Sandiwu Jaryl at Nurse Romina. Agad na lumapit si Reyna Criszette kay Sandiwa Kyline at ginising ito.

"Binabangungot si Fria, kailangan natin tong agapan." nag-aalalang saad ng Reyna Jasmine at lumapit na din kay Sandiwa Kyline.

Nakita ko namang napatingin sakin si Sandiwu Jaryl kaya napaiwas ako ng tingin dahil kitang-kita sa mga mata niya ang pagtataka sa nagaganap. At ang tanong kung bakit kasama ko si Sandiwa Kyline, alam ko namang malaking issue to sa paaralan eh. Ewan ko ba sakanila bakit ginagawa nilang big deal lahat.

Eh wala naman akong pake.

"Kyline please wake up! Anak!! Stop calling Clyde's name." sigaw ni Reyna Criszette kay Sandiwa Kyline na patuloy pa rin sa panginginig, ginamitan na nila ng kung ano-anong spell pero di pa rin nila mapagising si Sandiwa Kyline hanggang sa nakialam na si Nurse Romina.

"Kung papayagan niyo po, pwede po bang lumayo po muna kayo. Susubukan ko pong gisingin siya gamit ang kapangyarihan ko manggamot, maaaring natrap siya sa bangungot na yun." suhestiyon ni Nurse Romina. At walang pasabing pumayag ang pamilya ni Sandiwa Kyline. Kaya naglayuan kami, oo kasama ko kahit na si Nurse Romina at Sandiwu Jaryl palang ang nakakaalam at nakakapansin ng presensya ko.

Nagbigkas ng spell si Nurse Romina dahilan para magliwanag ang paligid at napatakip ako ng mata ko.

At sa pagwala ng liwanag ay lahat kami ay napanganga sa nakita namin.

"May pakpak na si Fria." mahina at masayang saad ng Dating Reyna Jasmine sa mga kasama.

Natulala nalang ako dahil sa ganda ng pakpak niya, wala pa rin siyang malay kaya di niya pa nakikita ang pagbabagong naganap sakanya. At hindi lang pakpak ang nagbago kundi pati ang buhok niya, kumulot ito na siyang bumagay sakanya.

Napakaganda niya.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now