Kabanata 9

188 21 1
                                    

Brylle

Dahil parehas kaming gulat ay kusa na kong humiwalay sakanya. At agad na humingi ng paumanhin sa ginawa ko, dahil ramdam na ramdam ko ang hiya na bumabalot sa akin.

"Patawad sa aking nagawa, mahal na Sandiwa. Alis na po ako maraming salamat po ulit sa lahat." sabi ko at dagliang umalis at di inaantay ang sagot niya.

Habang naglalakad ako palayo sakanya ay ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Di ko maipaliwanag kung dahil nga ba sa kaba o dahil may mas matindi pang dahilan. Pero dahil hiyang-hiya na nga ako, mas minabuti kong iwaksi muna ito sa aking isip.

Dahil kailangan ko pag-isipan ang ipapaliwanag ko kay Ina at ano at inabot ako ng gabi sa paaralan.

Tiyak kong nag-aalala na iyon at galit na sa akin.

Ngunit habang nasa daan ay di ko maiwasang isipin yung natuklasan ko kanina na marunong ako maglaho. Gustuhin ko mang itanong kay Sandiwa Kyline ay nahihiya na ako dahil nga sa biglaang pagyakap ko sakanya. Di ko tuloy alam kung paano siya haharapin bukas sana lamang ay di kami magkausap o magkasama sa iisang grupo sa mga activity at groupings.

Dahil di ko alam ang iaakto ko pagnagkataon. Pero di naman ako pwedeng lumiban sa klase dahil patay ako kay Ina pagnagkataon.

Pagdating ko sa bahay ay bumungad ang napakadilim. At bahagya pa kong nagtaka ng di ko maabutan si Ina sa harap ng bahay. Kadalasan inaantay ako nun at sermon agad bungad sakin nun kaya nakakapanibago na wala siya ngayon.

Kahit nagtataka ay pumasok ako sa bahay at sinubukang hanapin si Ina at ganun nalang gulat ko ng makita ko si Ina sa ilalim na lamesa. Halata mo ang takot sakanyang mukha. Sumenyas siya sakin na wag maingay at dalian kong pumunta sa ilalim din ng lamesa. Kahit nagtataka ay lumusot ako at sinunod ang utos niya. At hinawakan niya ko..

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng yabag dahilan para takpan ni Ina ang bibig ko. Alam niya kasing magtatanong ako, huminto to sa mismong harap ng lamesa kaya ganun nalang ang naging takot ko rin.

"Serena alam kong narito ka lang wag mo na ko pagtaguan pa." malalim at nakakatakot na sabi nito at panay ang linga sa paligid. Na animo'y hinahanap si Serena.

Pero si Serena? Bakit niya dito hinahanap? Dalawa lang naman kami ni Ina dito at di namin Serena pangalan ni Ina.

"Sandiwa Serena, magpakita ka na. Kating-kati na ko patayin ka at ibalik kang bangkay sa iyong mga magulang mo at sa iyong kakambal.." nakakatakot na sabi nito at gumamit ng kapangyarihan at pinaulanan ng yelo ang buong bahay. "..bakit kaya di ka nila nahanap? Samantalang ako wala pang isang araw ay natagpuan na kita." dagdag pa nito at tsaka dahang-dahan yumuko at mukhang sisilip sa ilalim ng lamesa.

Kaya medyo naalarma ako. Akmang magpapanic ako ng biglang..

"Wag kang magpanic anak di niya tayo makikita.." bulong ni Ina sakin. At akmang magtatanong ako ng unahan niya ko. "..nababasa ko ang iyong isip anak, mamaya mo na itanong yan. Kumapit ka sa akin ng mahigpit at tatakas na tayo rito." saad ni Ina kaya napatango nalang ako dahil nakasilip na yung lalaki. Nakamask siya ng itim kaya di namin nakita mukha niya.

"Lumabas ka na Sandiwa, kailangan mo ng magbayad ng utang sa aking Ina kayo ng mga kaibigan niyong mamatay ng kapwa. Pero dahil ikaw tong malayo sakanila, kaya ikaw uunahin ko." malalim at nakangising saad nito at tsaka tumayo na.

At akmang tatanungin ko si Ina ng biglang wala na kami sa ilalim ng lamesa at bahay dahil nasa Garden na kami ng Academy.

Paano nangyari yun?

Nakita ko naman si Ina na nakamasid sa paligid at tila naluluha.

"Sa paglipas ng panahon tila ay  napakaganda pa rin ng Academy na ito. Kahit na nasira ng digmaan noon." mahinang bulong niya.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now