Kabanata 3

253 23 1
                                    

Kyline

Papunta na sana ako sa tambayan ko, yung Hideout nila Ina. Ako lang napunta don, dahil akin yun, pinipilit nga nila Ina na hayaan ko raw yung mga kaibigan ko?

Kaibigan?

Di ko sila kaibigan from the day na trinaydor nila ako.

Di ako ganto kasama.

Di ako ganto noon, but they changed me. In just one snap, binago nila ako.

I'll become the best version of myself, when the day. I choose to stay away from them, they don't deserve to be my friends. And most of all, Clyde.

This is all because of you!!

Psh! Bakit ba inaalala ko yun. It's been  2 years nung mangyari yun, at naiinis at nagagalit pa din ako tuwing naalala ko yun.

At kamalas-malasang iniisip ko palang sila ay nasa harap ko na sila. Masaya naman sila ng wala ako, at wala naman akong pake dun..

Natigilan sila at walang kahit sinong  umimik na nilagpasan ako. Halos dalawang taon na kaming ganto, alam nila Ina to, pero di nila alam ang rason kung bakit nagkakaganto ako?

Dahil di ako nagkwento sakanila, dahil di naman dapat ikwento yun.

Kaya ang buong akala nila ay dahil lang sa namana kong ugali sakanila. But they all wrong..

Di ko na sila pinag-aksayahan ng panahon na lingunin, at tinuon nalang ang pansin kay Krystal. At nilaro siya habang naglalakad.

Di pa man ako nakakalayo ng may tumawag sakin..

"Kyline." rinig kong tawag ni Jaryl. Paano ko nalaman, kilala ko boses ng pinsan ko eh.

Pero dahil may alam siya sa pangyayari yung 2 years ago, damay siya sa treatment ko na ganito.

Di sana ako lilingon pero naramdaman kong mukhang importante..

Nilingon ko siya at di man lang ako nag-aksaya bumitaw ng salita. Dahil ayokong nakikipag-usap sa kahit isa sakanila.

I really hate them..

"Sabi ni Ina, na kailangan daw nating pumunta sa piging mamaya. Kaarawan raw kasi si Lola Jasmine." paliwanag niya ng mapagtanto niyang wala akong balak magsalita.

Tumango lang ako at di na sila nilingon pa.

Gustuhin ko man din pumunta, pero si Lola kasi ang pinag-uusapan dito. Di man halata pero malapit ako kay Lola, siya lang kasi nakakaintindi sakin mula pagkabata ko.

At siya lang din may alam na nangyari two years ago..

Kaya wag na natin pag-usapan yun. Dahil matagal ko ng kinalimutan yun, at kahit nakalimutan ko na yun ay di pa rin magbabago ang sitwasyon ngayon. Di ko na sila kaibigan at di ko na sila kailangan!!

Pagdating ko sa Hideout ay agad akong pumasok roon. Pagpasok ko ay isang litrato ang nilipad papunta sakin, kaya dinampot ko ito.

At halos mapakunot ang noo ko ng makita ko ang nilalaman ito.

"Bakit nandito pa to?" mahinang bulong ko sa sarili, nilapag ko si Krystal at hinayaang maggala sa loob ng hideout.  "Nasunog ko na to ah, bakit meron pa rin dito nito?" sabi ko sa sarili habang paupo sa mahabang upuan sa sala.

Pinakatitigan ko ito at di ko maiwasang aalalahanin ang kwento sa likod ng picture na ito.

Flashback 3 years ago..

"Oy Clyde, sinosolo mo na naman si Kyline naku ka ah." biglang sulpot ni Mia sa harap namin.

Magpinsan kasi si Clyde at Mia dahil magkapatid si Tita Catana at Tita Coleen..

"Oy anong sinosolo, nag-uusap lang kami ah." depensa ni Clyde. Pero binigyan siya ng nanunuksong tingin ng magaling niyang pinsan.

"Wag kang maissue, Mia. Di niya ko sinosolo, kasama kaya namin si Krystal.." sabi ko sakanya sabay angat kay Krystal na hawak-hawak ko. "..at tsaka walang masama kung hihiwalay kami sa inyo dahil kailangan namin ng alone time na kaming dalawa." malamig na dagdag ko pa.

Kaya wala na siyang nagawa at napataas nalang ng kamay, senyales na sumusuko na siya.

"Ky naman, sineryoso masyado. Oh siya balik na ko dun, baka namimiss na nila ako." tatawa-tawang sabi ni Mia at nilayasan kami.

Manang-mana talaga kay Tita Catana di na rin ako magtataka nanay niya yun eh, parehas silang maingay.

Ngina.

"Oy di na naman maipinta yang mukha mo." bulong ni Clyde sakin at siniksik ang sarili sa akin.

Napakaclingy parang si Ama kay Ina, na para ding si Tito Miguel. Oh sige na, oo na halos lahat sila namana ugali ng mga magulang nila, kaya ang sasakit nila sa ulo.

"Napakaingay kasi ng pinsan mo." seryosong sabi ko sakanya.

Kaya natawa naman siya ng bahagya.

"Aba tinatawanan mo ko." naasar na singhal ko sakanya.

"Di ah, natawa lang ako sa kakyutan mo magsungit." nakangiting sabi niya sa akin. At tsaka may kung anong kinuha sa bulsa niya.

At ng ilabas niya kung ano ito ay doon ko lang napagtanto na dslr camera ito.

"Meron ka pala nan? Saan mo nakuha yan?" kunot noo na tanong ko sakanya.

Wala naman kasing ganto sa Normsantandia, tanging sa mundo lang ng mga tao meron nan eh.

"It was a birthday gift from Tita Jinri, naalala niya raw na birthday ko na eh saktong pauwi siya dito sa Normsantandia kaya binili niya raw para sakin ito." paliwanag niya sa akin, kaya napatango ako.

Inabot niya sa akin ito kaya pinagmasdan ko ito.

At talagang nagandahan ako sa Dlsr Camera. At matapos ko itong titigan binalik ko na ito sakanya.

Napakunot naman ang noo ko ng itapat niya ito samin.

"Smile naman diyan." siko niya sakin kaya napangiti nalang ako.

Nakailang take pa kami hanggang sa nagsulputan na ang iba naming mga kasama..

Pero isang litrato ang tumatak sakin at yun at yung litrato kung saan nakangiti siyang nakatingin sakin, at parang pinapahiwatig niya na siya na ang pinakamswerteng lalaki dahil napasakanya ako.

"Mahal na Mahal kita, Ky." bulong niya sa akin, sa kalagitnaan ng picture taking namin.

"Mahal na Mahal din kita, Clyde." bulong ko sakanya pabalik.

End of Flashback.

Di ko namalayang pumapatak na pala mga luha ko kaya daglian ko itong pinunasan.

Di na dapat ako umiiyak dahil tapos na yun, wala na silang parte sa buhay ko.

He choose to made a mistake, then magdusa siya. Hindi na sapat ang sorry niya sa lahat ng ginawa niya sa akin. Kahit ilang beses pa siyang humingi ng patawad sa harap ko, hinding-hindi ko na siya mapapatawad.

Kaya di ko masisi si Krystal na nagdala ng takot sakanya sa mga pusa, oo si Krystal ang may gawa kaya natatakot siya sa mga pusa.

Tumayo ako at pinunasan mga luha ko, at tsaka nagpasyang umakyat sa taas. Inilapag ko sa lamesa ang litrato namin ni Clyde at tsaka tuluyang tumayo at umakyat sa taas para matulog..

Savage SandiwaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang