Before Rosa

By hyperever

40.2K 3K 1.3K

Best friends Raffy and Sia had a drunken intercourse. This resulted to an unplanned gift of new life -- Rosa... More

Rosa
Before Rosa
[BR 1]
[BR 2]
[BR 3]
[BR 4]
[BR 5]
[BR 6]
[BR 7]
[BR 8]
[BR 9]
[BR 10]
[BR 11]
[BR 12]
[BR 13]
[BR 14]
[BR 15]
[BR 16]
[BR 17]
[BR 18]
[BR 19]
[BR 20]
[BR 21]
[BR 22]
[BR 23]
[BR 24]
[BR 25]
[BR 26]
[BR 26.5] - an extra scene
[BR 27]
not an update. it's just me rambling.
[BR 28]
[BR 29]
[BR 30]
[BR 31]
[BR 33]
[BR 34]
[BR 35]
[BR 36]
[BR 37]
[BR 38]
[BR 39]
[BR 40]
Epilogue
[BR 29.5] - some extra scenes

[BR 32]

752 68 17
By hyperever

R A F F Y
Before Rosa 32

○○○

Christmas Eve, December 24th.

Bilang tradisyon tuwing pasko, naghahanda ang pamilya namin ng maagang Noche Buena para sa mga street children at kanilang mga pamilya. Nanay takes that time to know some of the parents, choose the worthy ones to add to her crew of servers at the restaurant. Bawat pasko, may dumaragdag sa pamilya namin dito sa Rosalie's. And every year, I'm still looking forward to it.

Now, as the social butterfly that I am, I roamed around the restau to entertain our guests. Nakatambay ako sa may pila ng ice cream nang lapitan ako ni Sia.

"Raf," she called.

Umayos ako ng tayo at tiningnan siya. She wore her hair in a ponytail today, giving me a clear view of her heart-shaped face. She's smiling -- a big leap from her unreadable expression last night when she came back from talking to her father. I'm still bothered about that but I set it aside for now. I'm just glad to see Sia smile.

Sa katutulala ko, hindi ko na nasundan ang sinabi niya.

I blinked when she gave me an expectant look. "Ha?" tanong ko.

Pinanliitan niya 'ko ng kaniyang mga mata. "Hindi ka nanaman nakikinig," she said.

"Na-mesmerize kasi ako sa 'yo, Mami," admit ko sabay gesture sa mukha niya. "Sa bawat araw na dumaraan, lalo kang gumaganda."

Sia, the ever so appreciative love of my life, showed her affection by scowling and slapping my arm.

"Ow," daing ko. Pero napangiti rin ako nang makita ang pamumula ng kaniyang mga pisngi.

"Makinig ka kasi," aniya.

I chuckled. "Sabihin mo munang kinilig ka," tukso ko.

Sia glared at me.

"Dali na," pilit ko.

"Hindi ako kinilig," pagmamatigas niya. "Now, makinig ka na, please?"

Sumimangot ako sabay halukipkip. "Ayoko nga. Inaaway mo 'ko."

"Inaaway--?"

"Hinampas mo kaya 'ko," reklamo ko.

Sia rolled her eyes. "At kaya kitang sampalin ulit kung hindi ka makikinig."

Nanlaki ang mga mata ko. "Domestic violence," akusa ko. Sakto, dumaan si Jhe sa tabi namin. Hinila ko ang kapatid ko at pinagitna sa 'min ni Sia. I said, "Kausapin mo lawyer ko."

"K-kuya?" Mukhang hindi alam ni Jhe kung anong nangyayari kaya gulat na nagpabalik-balik sa 'min ni Sia ang kaniyang tingin. "Ano--"

"Kakasuhan natin ng domestic violence si Sia, Jhe," sabi ko.

Sia just rolled her eyes and crossed her elbows against her chest. "Hindi pa tayo kasal, Raffy. Walang 'domestic' sa 'ting dalawa."

"The law includes intimate partners, right?" I looked at Jhe for answer. Hindi siya makatingin sa 'kin, o kay Sia.

Sia interjected. "Raffy, we are not intimate."

I cocked a brow towards her direction. "Are we not?"

Sia avoided eye contact, a light pink tint spreading across her cheeks.

Jhe cleared his throat. "Uh, Kuya--"

"Jhe, look at her. She's guilty."

"Of what nga?" Sia asked, her forehead creased but she couldn't meet my eyes, still.

"Domestic violence nga!"

"You can't," ani Jhe. "Hindi included ang mga lalaki sa description."

"What?" I asked, shocked. Nabitawan ko siya dahil doon. "Akala ko 'partners'?"

Jhe shook his head. "Sa ibang bansa. But in the Philippines, it's only 'violence against women and children'."

"But--" I pointed at Sia, then to myself, and back. "Hinahampas niya 'ko."

Jhe gave me a thin smile. "Sorry kuya."

"Anong 'sorry'? You'll do something about this, Jhe. Magsenador ka para mabigyan mo 'ko ng hustisya!"

"Raffy," ani Sia. She gave me a look.

My jaw dropped. "Bakit? Mali ako?"

Jhe shook his head. "Hindi. Pero sa ngayon, wala akong magagawa kuya. That's the law, for now. Ipagdasal natin na may magbago."

My eyes lit up with the old activist light I had way back in college. "No. We do something about it while praying. Dapat magkasama 'yun."

"Soon. Pero sa ngayon," mabagal na sabi ni Sia, "prayers muna. Saka na tayo magwewelga, sa tamang oras, okay? Noche Buena muna."

Naka-ismid akong tumango. "Oo nga pala. Sige, sige. Sorry."

Jhe looked at me, questioning. "Pwede na 'kong umalis?"

"Oo. Salamat."

He nodded. Sia and I watched him go.

"Tingin ko'y galit talaga siya sa 'kin, eh," ani Sia.

Nilingon ko siya't binigyan ng tingin. "Bakit nanaman?"

"I can just feel it."

I sighed. "I don't think your feelings are right but all feelings are valid, so."

"You're contradicting yourself," she pointed out. Umirap na lang ako bilang sagot.

"Anyway," aniya, "kaya ako lumapit kasi may ipapakuha ako sa'yo sa apartment."

"Ang haba ng chika natin, 'yan lang pala ang dahilan ng paglapit mo."

Sia rolled her eyes. "Ikaw kasi, ang dami mong daldal."

I pouted. "Sabihin mo na lang kung anong ipapakuha mo. Tapos kiss mo 'ko para kunin ko."

Sinabi nga ni Sia kung ano ang ipapakuha niya. Pero nang hingin ko na ang kiss, kamay niya ang nakuha ng labi ko.

"Aray, ha. Sige tuloy, hindi na 'ko aalis."

Sia was about respond when Nanay butted in. "Aalis kayo?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi ako aalis hangga't hindi ako hinahal--" Naputol ang sinasabi ko nang takpan ni Sia ang aking bibig. Siya na lang ang sumagot sa tanong.

"Si Raffy lang po. May pinapakuha lang ako sa apartment."

Dahan-dahang tumango si Nanay. I can see her smiling in amusement. "Tamang tama, 'Nak," aniya. "May mga kulang sa kusina. Ibili mo na rin kami. Kunin ko lang kay Trina 'yung lista."

I tried answering but was muffled by Sia's hand. She answered for me, instead. "Sige po."

Nang mawala si Nanay sa 'ming paningin, binitawan na ni Sia ang bibig ko.

"Ang asim ng kamay mo, Mami," reklamo ko sabay punas ng aking bibig sa 'king braso. Sia only rolled her eyes in response.

"Kunin ko muna 'yung wallet at susi ko sa taas," paalam ko sa kaniya since mukhang wala na 'kong choice. "Kunin mo na lang 'yung listahan ni Nanay, ha? Babalik ako."

"Sandali," aniya bago ako makatakbo. "Pwedeng pakuha rin nung purse ko sa taas? Sa kuwarto?"

"Okay."

Sia smiled. "Than--"

"Kung," putol ko sa sinasabi niya, "ikikiss mo 'ko."

I watched Sia roll her eyes heavenward. "Tumigil ka na nga." She pushed me looked around. Wala namang nakatingin sa 'min. Pero sabi niya pa rin, "Ang landi landi mo!"

Sumimangot ako. Umayos ako ng tayo para hindi na niya 'ko matulak.

Sia stopped pushing. "Sige na. Pag-iisipan ko," amend niya.

"Okay. Pag-isipan mo nang mabuti ha."

"Oo na."

With a last smile, I jogged my way to the stairs. Pagdating sa second floor, sa kuwarto ni Jhe ako dumiretso. Katabi ko siyang matulog ngayon dahil si Sia ang gumagamit ng dati kong kuwarto.

Pagkatapos kong makuha ang susi at wallet ko, pumunta na 'ko sa 'king kuwarto para kunin ang purse ni Sia. Tumambad sa 'kin ang mga damit na nagkalat sa higaan. Parang may umungkat ng lahat ng gamit mula sa maleta ni Sia.

For a second, I was worried that someone barged in and searched the room. But I remembered the reason why Sia wanted me to go to our apartment. Hindi niya mahanap ang pula niyang sapatos na kapares ng damit na isusuot niya mamaya sa Misa de Gallo. Panigurado, siya ang may kagagawan ng kalat na 'to.

Nilinga ko na lang ang aking tingin para sa light blue purse na sinasabi niya. Nakita ko 'yun sa ibabaw ng study table, katabi ang isang box na pula.

"Alesia," basa ko sa salitang nakaburda sa panyong nasa ibabaw ng box. Nakita kong dala 'to ni Sia kagabi pagkatapos niyang kausapin ang Papa niya. I wondered how their conversation went. Hindi na 'ko magugulat kung hindi naging maganda 'yun. Sa mukha ba naman ni Sia kagabi. Parang makapapatay siya ng tao.

"Pero ang taray, ha, may pa-advanced Christmas gift si Mayor. Ano kaya 'to?"

I traced the name with my finger. Doon ko napansin. "Bakit letter C ang 'Alecia'? Hindi ba't dapat S? As in, 'Alesia'? Kasi 'Sia'?"

Saglit na sumakit ang ulo ko kaiisip. In the end, dalawa lang ang naisip kong dahilan. Una, hindi marunong mag-spell ang Papa niya. O kaya, pangalawa, may kakambal si Sia na hindi ko alam.

Natawa na lang ako sa 'king sarili. "Prime time bida pa more," bulong ko sabay kuha ng purse ni Mami. Bumaba na lang ako sa first floor para ibigay 'yun sa kaniya.

○●○

Nang marating ko ang apartment namin, dumiretso ako sa kuwarto ni Sia sa itaas para kunin ang sapatos niya. Madali ko lang nakuha 'yun pagkat bago at naka-box pa. Gaya ng sabi ni Sia, nasa ilalim lang iyon ng kama niya.

Afterwards, I went to my room. Nandito na rin lang naman ako, kukuha na rin ako ng sarili kong sapatos. Pagtitiisan ko na lang sana 'yung nadala ko pero kung magpapaka-bongga si Mami n'yo, magpapatalo ba 'ko?

Binuksan ko ang aparador sa kuwarto at lumuhod. Hinanap ko sa kailalilaliman ang box ng sapatos na ginagamit ko lang tuwing special occasions. Regalo pa 'yun ni Nanay noong nakapasa ako sa Psychologist board exam kaya alagang-alaga ko.

I reached as far as I could and found a box big enough to fit a pair of shoes. Hinila ko 'to palabas pero nagtaka ako nang pakiramdam ko'y medyo mabigat 'to kumpara sa normal na sapatos. Isa pa, nakabalot 'to ng plastic. These observations made me more determined to see what the box looks like.

Nang mailabas ko, na-realize kong hindi ito isang shoe box. It's about the same size but what's written outside wasn't a shoe brand. Instead, it was a shipping company's logo.

Napamura ako nang ma-realize kung sino ang nagpadala sa 'kin ng package na iti.

Dino.

It's been months since I received it. And, God bless me, I completely forgot about it.

I was overcome by a mixture of emotions. Una, minura ko ang sarili ko sa inis dahil ang gaga ko. Paano ko nalimutan 'to? Tapos, pangalawa, napahawak ako sa 'king bibig nang maalala kung bakit nawala 'to sa isip ko. I was preoccupied by Sia and her pregnancy. Wala akong pinagsisisihan doon pero...

Pangatlo, natulala ako. Numbness enveloped me as contrasting feelings threw granades against each other.

I picked on the plastic wrap that I tore bago kami pumunta sa Cierra Estrella. I remember what's inside -- the journals I sent Dino way back in August. Now, it's December. Kung ano mang dahilan kung bakit binalik 'to sa 'kin ni Dino, gusto ko pa bang alamin?

I didn't get to answer that question. Tumunog ang phone ko mula sa 'king bulsa at tumambad ang caller ID ni Sia nang tingnan ko 'to. I took the call.

"See?" I tried not to sound tensed. Nagpasalamat ako nang mukhang hindi naman nahalata ni Sia.

"Pabalik ka na ba?" tanong niya.

"Ah," I stood up, forgeting the box in my hand. The journals spilled out in three loud thuds. Napamura ako. Then, remembering that Sia was on the other line, I apologized.

"Okay ka lang ba?" tanong niya. Narinig ko ang boses ni Nanay sa background niya. Sia replied an "Opo", but I didn't get what they were talking about. Nakatulala lang ako sa mga journal na nahulog, a mint green envelope in sticking out of one.

"Raffy," Sia called in my ear.

I snapped out of my trance. "Ha? Ah, hindi pa. Wait lang."

"Nabili mo na ang mga pinapabili ni Tita Sally?"

"Uh-huh. Ah... nasa bahay ako. Kinuha ko 'yung..."

"Nakuha mo na ang sapatos ko?"

Tumango ako. "Oo..."

"So, pabalik ka na?"

I hesitated. "Ah... ano. May-- May hinahanap pa 'ko. Pabalik na rin ako. Sandali lang."

Sia was silent for a while. Hindi ko sigurado kung napick-up niya ang pagdadalawang-isip ko pero nag-"okay" rin siya maya-maya. "Ingat ka."

"I will."

Natahimik siyang muli. I wasn't exactly excited to end the call but I wondered why she hasn't ended it. Rinig ko pa ang ingay sa background niya, ang mga batang nagtatawanan at nagsisigawan, ang mga magulang na nagkukuwentuhan, pati ang Christmas songs na buong araw nang tumutugtog.

"Ah, See?"

"I love you," she said, a bit louder than how she used to say it. Though this time, I wasn't able to tell her, "I know." I just tood there, a lump on my throat forming.

Before I can say anything, maybe to assure her that I heard, Sia ended the call.

Napaupo na lang ako sa kama. Pakiramdam ko'y naubusan na 'ko ng lakas para sa araw na 'to. And yet, it's only starting.

○●○

I tried to act normal when I came back to Rosalie's. Hindi naman mahirap gawin 'yun since may sari-sarili namang mundo ang mga taong nasa party. The only people I had to be careful with are Sia, Nanay, and Jhe, the three most important people in my life who knew me best and can see through me like glass. I tried to be as cheerful as I was this morning whenever they're around.

Alas sais natapos ang party. Habang naglilinis ang iba sa first floor, nasa taas kami ni Sia, sa sala ng second floor. Passed out ang Mami ninyo sa braso ko, bahagya pang humihilik sa pagod.

"Ang ganda ninyong tingnan."

Gulat na napatingin ako sa harap namin. Hindi ko napansin, naroon na pala si Nanay, may dalang baso ng tubig galing sa kusina.

"'Nay," bati ko. Gumalaw si Sia sa braso ko kaya hinawakan ko ang mukha niya. I guided her back to my shoulder.

"Kumusta, anak?" tanong niya sabay upo sa isahang silya ng sala set. "Kumusta kayo?"

"We're--" Tiningnan ko si Sia.

Honestly, if Nanay asked me that question this morning, I would've said, in all excitement, that I'm ready to marry this woman any day now. But now, Dino's note got into the way, like a wall blocking my view of the future.

Nanay must've picked up on my hesitation. She sighed and said, "Hindi naman kita kinukulit ngayon. Nagtatanong lang ako, Rafael."

I gave her a thin smile. "Alam ko po, 'Nay. Ano lang... may--"

Natigilan ako nang hawakan ni Nanay ang kamay ko. She gave me a warm smile that I didn't think I deserved at that moment. "Masaya lang ako para sa inyo. Pagpasensyahan mo na ang Nanay mo nitong mga nakaraan. Ang hangad ko lang naman ay kasiyahan mo, 'Nak. Ayokong may pagsisihan ka sa huli."

I nodded. Nanay reached out and tapped my cheek. Then, she said, "Dalhin mo na si Sia sa kuwarto nang makatulog nang maayos. Nagsisimula pa lang ang gabi natin."

"Opo."

"Sige."

Pinanuod kong umalis si Nanay. Nang mawala siya, bumalik kay Sia ang aking tingin.

"Whatever happens, Mami, mahal na mahal pa rin kita," bulong ko sa kaniya sabay halik sa tuktok ng kaniyang ulo. "I'll figure it out."

○●○

Hindi ko namalayan na nakatulog rin pala ako sa tabi ni Sia. We woke up at eight in the evening. Aligaga na ang mga tao sa paghahanda para sa Noche Buena. Nagsisiliguan na rin ang mga sisimba sa Misa de Gallo.

"Maligo ka na," ani Sia sa 'kin. Nakahawak siya sa kaniyang noo, pipikit-pikit pa sa antok.

I rubbed my own eyes. "Ikaw?" tanong ko. "Mas matagal ka kayang maligo. Ikaw na muna."

"Iinom lang ako ng tubig." Sia tried standing, but with the huge bump in her tummy, she bounced back. "Raffy," she called.

Inaantok akong napangiti. I stood up and helped her up. Habang papunta si Sia sa kusina, dumiretso muna 'ko sa kuwarto ni Jerald para ihanda ang isusuot ko.

Around 11:30 natapos ang misa. Nakahanda na ang hapag pagbalik namin sa Rosalie's. Everbody's getting ready for the countdown.

"Anong oras na?" tanong ko sa ibabaw ng usapan at Christmas songs na tumutunog sa speakers.

"11:59, kuya," ani ng isang server namin.

I grinned, looking around for Sia. I spotted her and took her hand as they started counting.

Kinunotan niya 'ko ng noo. "Bakit mo 'ko hinahanap eh Pasko, hindi naman New Year?"

"It's our first year together. I wanna hold your hand."

Sasagot sana si Sia pero biglang tumunog ang phone niya. Nabasa ko ang caller ID ni Sana, ang kapatid niya. "I'll be back," she said, letting go of my hand.

"Wait," sabi ko sabay huli ulit ng kamay niya. Everybody shouted, "Merry Christmas!" and I took that time to kiss her forehead.

"Merry Christmas," bulong ko.

Sia smiled a little. "Merry Christmas."

Then, I watched her run off, answering Sana's call.

"Kuya. Kain." May platong nag-land sa kamay ko. Sia disappeared around the corner and I had no choice but to do as I was told.

"Pahingi nga ako ng isa pa," sabi ko sa 'king katabi. "Kukunan ko na rin si Sia.

Hindi nagtagal ay nakabalik na rin si Sia sa tabi ko. However, I cannot read her facial expression. Kanina lang nakangiti siya, ngayon, hindi ko na alam.

"Mami," tawag ko.

Sia regarded me.

"Pagkain? Kinuhanan na kita."

"Raffy," she said in a small voice. I had to lean in to hear her over the chitchat of the people in the restau.

"Yes?"

"Kailangan nating umuwi sa Cierra Estrella."

I blinked. "Kailan? At bakit?"

"ASAP. May nangyari kay Papa."

To be continued...

note --
Hi! Maagang Christmas gift na 'to. I don't wanna ruin your Christmases so, sa New Year na 'ko magpapasabog.

I hope you have a Merry Christmas despite the situation. Everything will be okay. Let's just pray for things to get better. Stay safe!

See you sa next update! 💜
-A.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
20.6K 1K 36
Earl Ramses Adriatico is being bugged by his parents to be in a relationship. Walang kaso sa parents niya if he's a gay, the thing for them is that...
230K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
6.1K 239 23
Paano kung isang araw ay magigising ka na lamang at mamamalayang ikaw ay matanda na? Na mula sa edad na 17 ay biglaan kang tatanda ng lagpas 20 taon...