[BR 29]

814 78 38
                                    

S I A
Before Rosa 29

○○○

Raffy said that I'm rational. Madalas raw ay pinapagana ko ang logic ko. Pinag-iisipan ko raw muna bago ako magdesisyon. May pros and cons, may mga rason kung bakit oo at kung bakit hindi.

Pero iniwan ata ako ng logic ko nang ma-in love ako sa kaniya.

No. Actually, I did think about it.

Minsan ko ring inisip kung tama bang maramdaman ko kay Raffy 'tong mga feelings na 'to. Pero sa tuwing sinasagot ko ang sarili ko ng "hindi", may ginagawa si Raffy para um-oo ako.

Kagaya ngayon.

Bago ang date, kinakabahan ako. Hindi ako sigurado kung tama ba ang pagpayag ko sa lakad namin. Kung tama bang paasahin ko ang sarili ko sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Kung tama bang sumugal ako gayong malaki ang chance na matalo ako.

Pero... sa bawat hakbang ko papalayo, hihilahin ako ni Raffy dalawang hakbang pabalik.

Nang ma-realize kong hopeless case na ang paglayo ko, nagkusa na akong maglakad papalapit. I asked him out, for a second date.

It took me a lot of courage to do it. Seriously. Kahit pa mukhang chill na chill ako, sa totoo lang ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko. My nerves are vibrating against my skin, and I didn't even drink coffee. Halos hindi ko na nga siya narinig nang sabihin niyang, "Oo naman."

But I saw the small smile settling on his lips. I saw the fondness in his eyes.

Masisisi n'yo ba ako kung sumabog ang puso ko right then and there? Masisisi n'yo ba ako kung sabihin kong I've fallen deeply in love with my best friend, and I am hoping, praying, that he felt the same? Kasi wala nang atrasan 'tong nararamdaman ko. I'm all in.

And on our next date, I'm gonna tell him how I feel. Kailangan ko lang alamin kung pa'no.

○●○

"Tinamaan ka na, 'noh?" tanong ni Kevin habang nagkakabit siya ng decoration sa shelf ng sala. Sinamaan ko siya ng tingin kahit na nakatalikod siya sa 'kin.

Narito kami apartment ko, iyong dati naming apartment ni Monic. Like I told Raffy, I cleaned it. Pero hindi ko sinabi sa kaniyang tinuloy ko. Si Kevin ang hinigit ko para tulungan ako.

"Saan naman galing 'yang conclusion na 'yan?" sagot ko sa tanong ni Kevin.

He shrugged. "There are things that you would do for just about anyone, See. Pero may mga bagay rin na para lang sa mga taong mahal mo. Putting so much effort on a simple date, that's one."

Sinimangutan ko siya. "Kung makapagsalita ka naman, parang ang dami mo nang pinagdaanan sa pag-ibig."

Hindi sumagot si Kevin. Nang lingunin ko siya para i-abot ang curtain rod na nalagyan ko na ng kurtina ay nakita ko ang meaningful look sa kaniyang mukha.

I rolled my eyes. "Oo na, sorry na. I take it back. Marami ka na nga palang pinagdaanan."

Kevin gave me a sheepish smile. Lumapit siya sa 'kin at kinuha ang inaabot ko. And on his way to the window, he said, "Life's a bitch to me, frenny."

Natawa ako. "Pinapatatag ka lang n'yan. Look how far you've come."

"Yeah. But we're not talking about me. Ikaw ang hot topic, mamang." Bumaba siya sa monoblock na inapakan niya para maikabit ang kurtina. Tapos, lumingon siya sa 'kin at binigyan ako ng makahulugang tingin. "Napana na ba ni Kupido?"

Before RosaWhere stories live. Discover now