[BR 7]

969 68 40
                                    

Touchy subjects ahead.

---

S I A
Before Rosa 7

○○○

Ang pinaka-unang file sa folder na sinend ni Raffy ay tungkol sa legal implications ng abortion. Basically, it's illegal to practice it in the Philippines. Nakasaad ito sa Penal Code. Tumataas ang mga balahibo ko kapag nakikita ang penalties. Most are prisión correccional meaning, kulong.

The next ones are health risks. Halata mo talagang ayaw sa pinaplano ko. Tinatakot ata ako.

Napainom ako ng tubig saka sumandal sa upuan. Tinitigan ko ang bintana ng kuwarto. Madilim na sa labas pero hindi parin tahimik ang paligid. Maya't maya akong nakakarinig ng sirena papunta sa magkabilang direksyon.

"Baliw," bulong ko habang iniisip si Raffy. Napakarami ng sinend niyang reference para basahin ko lahat. Galit na galit ata ang bakla.

Umiiling kong binalik ang tingin sa laptop. Hindi ko na binasa ang mga susunod na file. In-scroll ko nalang hanggang sa pinakadulo. Ang last file ay isang article mula sa ibang bansa. It's based on a collection of researches about women who underwent abortion. I clicked it in curiosity.

Ni-run down ng article ang mga rason kung bakit kinoconsider ng babae ang ganitong practice. Unang una ang partner -- kung sino ito at anong role nito sa buhay ng babae. Was she raped or was it consensual?

Then, the health of both the fetus and the mother. Posibleng maysakit ang nanay o ang bata na kapag ipinagpatuloy ang pagbubuntis, maaaring lumala.

Kasama rin sa lista ang readiness ng babae at capacity to care for the child -- physically, mentally and financially.  S'yempre, hindi mawawala ang level of support from family. Pati na ang mga paniniwala ng babae, especially sa moral, emotional and religious aspects. Iba-ibang view, iba-ibang response.

Malungkot akong napangiti habang iniisip parin si Raffy. I appreciate how he stayed neutral in giving information kahit alam kong gustong gusto na niya akong sungalngalin. Hindi ko naman siya masisisi kung gagawin niya 'yun. I respect his position.

Pero iba ang pananaw niya sa pananaw ko. Hindi kami pareho.

Sinara ko na ang laptop saka humiga sa kama. I put a hand over my stomach. Then, I closed my eyes to try and sleep.

○●○

Today, my morning sickness is worse than usual. Hindi ako nakapasok nang umaga at tanghali na ako nakarating sa university. Since wala namang makakain sa apartment, minabuti ko nang sa canteen maglunch.

Pagkatapos magbayad ay naghanap ako ng bakanteng table. Pero mukhang blockbuster ang canteen, lahat ng mesa, may nakaupo. I would have to share with some students.

Papunta sana ako sa isang table sa dulo kungsaan may babaeng kumakain mag-isa nang marinig ko ang usapan ng magkakaibigang babae sa isa pang table. Pasulyap-sulyap ang mga ito sa babaeng pupuntahan ko. Hindi ko na sana sila papansinin pero malakas talaga ang kanilang pagbubulungan. Tingin ko nga'y pinaparinig pa nila sa babae sa dulo.

"Akala ko pa naman, mabait. Malandi rin pala," ani ng isa.

Kumunot akong noo ko habang mabagal na umiikot sa table nila para puntahan ang dulo.

"Hindi naman 'yan umiimik eh. May tinatagong kati pala," dagdag ng katabing babae.

Napintig ang tainga ko't natigilan ako. Sinisiguro ko lang kung tama ang naririnig ko.

Before RosaWhere stories live. Discover now