Promises Etched in Poetry (Ar...

By aLeiatasyo

14.9K 762 1.6K

Being madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up every... More

Promises Etched in Poetry
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Unang Tula
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Ikalawang Tula
Chapter 21
Chapter 22
Ikatlong Tula
Chapter 23
Chapter 24
Ikaapat na Tula
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Ikalimang Tula
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Huling Tula
from aLeiatasyo

Chapter 33

189 13 24
By aLeiatasyo

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko kung hindi pa ako tinulungang punasan iyon. Tinanggap ko ang panyo na iniabot sa akin. "Thanks,"

Pinisil ni Elron ang balikat ko, "Umiiyak ka nanaman." Sa lahat ng tao, siya siguro ang saksi sa dami ng mga araw na umiiyak lang ako, hindi na bago sa kaniya 'to. Sa bagay. Hindi naman ako umiiyak sa harap ng iba.

And they call me strong.

"May naalala lang." sabi ko. May naalala ako na hindi naman na dapat. Ilang taon na ba ang lumilipas? Apat? Lima? Ang tagal na. Matagal na ring dapat nabaon sa limot ang mga ito.

Leche. Nasira pa tuloy ang make up na inilagay sa akin ng stylist, gusto ko na ngang punasan, eh. Mas gusto kong natural lang pero kailangan daw. Sa bagay, baka pagkatapos ng event na ito ay magmukha na akong bruha.

"Don't zone out in front of your fans, Astraea. And of course, no crying." natatawang sabi ni Elron. Hindi ko na kailangan pang sabihin kung ano ang iniisip ko kanina. Alam niya na agad.

"Of course, not!"

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob ng ampitheater ay nagsigawan na ang mga taong nasa mga upuan na. Pataas ang lugar na ito kaya nakatingala ako sa kanila para kumaway. 

"Hello!" nakangiting bati ko na para bang hindi ako umiiyak kani-kanina lang. 

May mga banner pa silang dala para sa akin. Napangiti ako dahil may mga pamilyar na mukha dito. Yung iba naman ay nakuha ko nang nakilala dahil parati silang nasa mga event ko na ganito.

Umakyat na ako sa stage kung nasaan ang mahabang lamesa. Nagsimula na ang book signing, at humalakhak ako nang makita kung sino ang unang-una sa umaakyat palapit sa akin.

"I told you I'd give you a front row seat on my first book signing. Pero hindi ito ang una, kaya may utang ka sa akin!" sabi ko habang nagpipirma ng libro.

"Aba! Kasalanan ko ba na buntis ako nung una?!"

"Eh di sana ni-reschedule niyo muna ni Nigel!" biro ko sa kaibigan.

Umirap siya, kung hindi lang alam ng security na VIP siya dito ay baka inilayo na sa akin. "No, Trey. You reschedule for me! Tsaka, inaanak mo naman si Rygelle!"

"Whatever, Selene Ryone."

"Don't whatever me--!"

"Next!" sabi ko dahil umpisa pa lang ay nastress na ako sa best friend ko. Dapat pala ay huli na lang siya. Nakalimutan kong magtataray iyon.

Ilan pa ang mga natapos at hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa paulit-ulit na compliments nila sa mga libro ko. "Miss Lekha," tawag sa akin ng isa sa pangalan na gusto kong tawagin nila ako.

"Yes?" tiningala ko siya na nakangiti, pero napawi iyon nang nakita kong lumuluha siya. "Oh, what's wrong?" concerned kong tanong, kinuha ang kamay niya.

She's so cute! Siguro ay around fifteen years old? Pulang pula ang ilong niya dahil sa pag-iyak, pero pilit niyang pinupunasan. "E-eh, kasi ate..."

Hinintay ko ang sasabihin niya dahil humihikbi siya. "Ikaw po yung... inspiration ko sa pagsusulat. You made me want to become a writer, too."

Natigil ako sa sinabi niya. Sinabi ko kay Elron na hindi ako iiyak pero pwede bang kahit isang beses lang? "Talaga ba?" tanong ko habang namumuo na ang mga luha ko. Ilang beses na akong nasabihan ng ganito pero hindi harap-harapan na ganito. Tapos iyak pa siya nang iyak.

Hinaplos ko ang kamay niya na nakapatong sa lamesa. Pinapaalis na sana siya ng staff para ang susunod naman pero pinigilan ko sila. 

Tumango siya, humihikbi pa rin kahit na tapos na siyang umiyak. "Opo, opo... I was dearly loved by my aunt too, kahit na iniwan ako ng parents ko... minahal rin ako ni Tita. Napanood ko po yung interview niyo last year na ganun din po pala kayo... ta's ayun na."

Ngumiti ako. 

Lahat ng mga tao dito, ang alam nilang kuwento ng buhay ko, iniwan ako ng mga magulang ko, tapos kinupkop ako ni Tita na inalagaan at minahal ako ng sobra.

Kasinungalingan, alam ko... pero kahit dito man lang, sa isip man lang nila, ay napangalagaan ako. Gusto kong malaman ng mundo na minahal ako ng pamilya ko. 

Hindi nila alam na limang taon ko na silang hindi nakikita. Na iniwan nila ako. Hindi ako pinili ng mga tao na kahit anong sitwasyon ay pipiliin ko. 

"Ipagpatuloy mo lang, ha?" huling sabi ko sa kaniya bago siya tuluyang umalis sa harapan ko.

Ang halos sa mga sumunod sa kaniya ay mga kabado halos lahat. Kung hindi nananahimik sa sobrang kaba ay dinadaan sa tili. "Tungkol saan po yung libro na ito, Ate?"

"A soul, who lost its mate?" hindi ko siguradong sabi.

"Totoo po ba yung timestamps? 'Yung iba po, nine years ago pa? O sa timeline na po talaga ng book iyon?" kuryoso niyang pahabol na tanong. Hindi ko na nasagot dahil agad siyang napalitan ng susunod. 

Sumasakit na ang pisngi ko kakangiti sa mga kinukuhang litrato bawat isa, pero totoo ang saya na nararamdaman ko. Sino ba ang mag-iisip na aabot ako sa ganito? Na magiging ganito ako katagumpay bilang manunulat?

Noong natanggal ako sa kompanya, gumawa ako ng sarili ko. Ang daming nagmamahal sa akin kahit marami pa akong hindi nakikilala sa kanila. Kung hindi ako umalis sa Pampanga, my comfort zone, mangyayari ba ito?

I now just realized that I cannot reconcile my home and my success... but someday, maybe, I can.

Habang pinipirmahan ko ang huling libro para sa araw na ito at inabot ko na sa nagpapapirma, nakilala ko ang kamay na iyon. "Thank you," sabi nito sa baritonong boses.

Natulala ako nang ilang segundo sa pagkukumbinsi sa sarili ko na guniguni ko lang iyon.

"Jiro." bigla kong sabi at tiningala ang taong iyon, pero naglalakad na siya papalayo.

Si Jiro. Kahit nakatalikod siya ay hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang kilala ko siya at ilang taon ko siyang hinahanap-hanap para hindi ko makilala ang boses at katawan niya.

Tumayo ako kahit hindi pa tapos ang event, kahit hindi pa ako nakapagpapasalamat sa lahat ng dumalo para lang habulin si Kenjiro. Gusto ko siyang makita. Ayaw kong makalimutan ang itsura niya. 

"Trey, saan ka pupunta?" rinig kong tawag ni Elron sa akin pero tumatakbo na ako para mahabol ang matangkad na lalaki. 

"Jiro! Jiro!" I called him. 

Natigilan ako sa paghahabol sa kaniya nang may maalala. Iyong huling gabi na magkasama kami, hinabol ko rin siya ng ganito. At kung gaano ako kaawa-awa sa sitwasyon na iyon.

Tumigil ako sa pagtakbo at tumigil siya sa paglalakad. Wala akong ibang hiling kung hindi lingunin niya akong muli. Tumingin ka sa akin, Jiro... kasi hinahanap-hanap pa rin kita hanggang ngayon.

Walang nagbago. Simula dati, wala akong ibang hiling kung hindi ang lingunin mo. 

You did it back then, and I'm asking you to do it again now.

Humihingal akong umiiyak, pinanonood ang likuran niya. Pero pagkatapos ng ilang segundong pananatili niya roon ay hindi siya tumalikod para harapin ako. Lumiko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"I miss you," mahina kong sabi kahit wala na siya. 

Ganoon pa rin ba? Sinubukan niyang pumunta rito tapos nagbago ang isip nang makita niya pa rin si Tita Ameliora sa mukha ko? Does he hate me, us, that much?

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko sa paghihintay na bumalik siya. Nakarinig ako ng mabibilis na yapak mula sa likod kaya nilingon ko 'yon. "Trey! What's happening?"

"Nandito siya, Elron!" 

Kahit hindi ko pa sabihin kung sino ay alam niya agad kung sino ang tinutukoy ko. 

"I know,"

"Alam mo? Nakita mo siya?"

"Nagpatulong siya sa akin."

"You knew? Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" frustrated kong sabi. Ang ekspresyon niya ay kapareho ng sa akin. 

"Kasi alam kong iiyak ka. Trey, you've been doing so well. You are slowly moving on, Trey..."

"A-alam mong hindi ako kailanman naging maayos noong nawala siya, Ron!"

"You're wrong. Kinukumbinsi mo lang ang sarili mo na hindi mo kayang maging maayos nang nandyan siya pero you've been doing so well... You've been doing so well with me, Trey."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Nararamdaman ko naman, pero sa dami ng pagkakataon na sinubukan niyang aminin sa akin ito ay ganoon rin kadami ang pag-iwas ko roon.

Sobrang daling tanggihan ng ibang mga sumusubok na manligaw sa akin, pero pagdating kay Elron ay hindi ko magawa. Wala akong puso na kakayanin ang tanggihan siya at saktan siya.

"I was so scared that you'll fall in love with him again, Trey. Pagkatapos ng lahat... baka sa kaniya ka nanaman tumakbo, tapos masasaktan ka ulit."

"No, Elron... 'Wag. Please." pagmamakaawa ko.

"Hindi ako makasisigurado na wala nang ibang makakapanakit sa'yo. Walang kasiguraduhan na hindi ka niya sasaktan ulit, Trey... I assure you, kapag sa akin hindi mo na kailangang maranasan iyon."

"Alam mo naman na mahal ko pa rin si Jiro... kahit hindi siya dumating dito ngayon. Kahit na hindi na siya bumalik, kahit hindi ko na siya makita ulit, siya pa rin." Sa lahat ng tao'y siya ang pinaka-nakakaalam ng katotohanan na 'to.

Iyong pagmamahal ko kay Jiro, hindi basta nawawala sa paalam. Hindi sapat ang ilang taon para mabura. Walang luha ay makapapawi sa katotohanan na si Jiro lang. 

Na si Kenjiro Louis lang palagi.

"Try me, Trey..."

"I don't want to. I can live a thousand lifetimes and not once will I deserve the love you give me because I cannot give it back."

Ang inaasahan kong galit mula sa kaniya ay hindi dumating. Pagkatapos ng ilang taon na pagkakaibigan namin, pati sa mga oras na lugmok ako at hindi niya ako iniwanan ay sapat na para isumbat sa akin pero hindi niya ginawa.

Sa halip, ngumiti siya kahit malungkot iyon at hindi umabot sa mga mata niya. 

"I know," he sighed.

"Sinubukan ko lang. Baka sakali."

"Ayaw kong mawala ka sa akin... You are dear to me." sabi ko. 

"You won't lose me. I mean it. Hindi ako aalis. I'll always be your friend," 

Tumawa siya at dinugtungan, "We literally own a company together!"

Lumukso ako para mayakap siya sa leeg. "Thank you, thank you... sa lahat, Elron."

"I got you."

"So ano? Tuloy ka na bang uuwi rito ngayon?" malakas ang boses ni Ryone sa telepono. nasa opisina ako ngayon at nag-overtime

Napahawak ako sa tainga ko at inilayo ko iyon sa akin. "Oo nga,"

"Sinong kasama mo?"

"Si Elron, mamayang gabi ang byahe namin. Kakakita mo lang sa akin nung book signing, miss mo na ako agad."

"Naku talaga! Baka mamaya ay kasal na pala kayo nyan! I will never, ever forgive you for not making me your maid of honor!"

"No, syempre hindi. Kaibigan lang talaga."

"Ay sus! Isusumbong kita kay Rygelle at ang ninang niya ay hindi pa makapagmove-on!"

"He's here." 

Hindi siya agad nakasagot kaya ilang segundong katahimikan ang nangyari sa tawag namin. 

"Kenjiro, he's back home." pagkaklaro ko.

"I know who! Hindi ako tanga!"

Humagikgik ako, "Hindi ka sumagot, e."

"I'm just worried about you." sumeryoso ang tono niya sa pagkasabi noon.

"Don't be."

"Treya-!"

"I'll see you tonight, or tomorrow. I miss you too, Ry."

Pagkatapos na pagkatapos ng tawag namin ni Ryone ay may pumasok sa opisina ko, na kanina ko pa hinihintay. 

"Good evening, Miss Salonga." bati nito.

"Kumusta po?" agaran kong tanong dahil hindi ako mapakali. 

Umupo muna ang naka-suit na lalaki at ibinaba ang briefcase niya sa may coffee table ng malaki kong opisina. Umupo kami sa magkaharap na couch. Naglapag ng inumin ang sekretarya ko sa harap namin.

"I have a lead," panimula niya kaya napasinghap ako.

"... but there's only a fifty percent possibility that they are actually there." sabi niya pero hindi ako napanghinaan ng loob roon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang lead na tinutukoy niya.

Ito ang private investigator na ni-hire ko para hanapin sina Amiel. May maibubugha na ako. May lakas na ako ng loob para kuhanin sila ni Lola. Kaya ko nang ibigay ang lahat ng kailangan nila at kahit hindi kailangan ay ibibigay ko. 

Pagkatapos ng matagal na hanapan ay ito ang unang pagkakataon na may nahanap siyang kahit kaunting posibilidad. 

"Again, don't get your hopes up. We are not sure." paalala niya sa akin habang inaabot ang isang folder na puno ng papeles.

Amiel Salonga. Lives in Antipolo, lumipat roon limang taon na ang nakalipas.

Nanginginig ang mga kamay ko at nagbabadya ang mga luha ko sa pagkapit ko sa papel na para bang dito nakasalalay ang buhay ko. Inilahad ko ang kamay ko sa imbestigador at tinanggap niya ito. "Maraming salamat po."

"It's my job."

Agad kong pinuntahan si Elron sa opisina niya sa ibabang floor ng sa akin. Minadali ko siya na tapusin ang ginagawa niya pero nang sinabi kong ang dahilan ay pinili niyang iwan na lang ang mga iyon at huwag tapusin. 

Dali-dali kaming sumakay sa SUV niya at sinundan kung saan kami dinala ng GPS nito.

"How sure are we?" tanong niya habang nagmamaneho.

"Fifty percent lang daw."

"Okay. We can work with that, right?" Lumingon siya sa akin at nginitian ako, na parang sinasabi niyang magiging maayos rin ang lahat. 

Nakarating kami sa isang ekslusibong village na puro naglalakihang mga bahay ang naroon. Mas lalong lumakas ang kutob ko na narito nga sila. Baka totoo.

Tumigil kami sa tapat ng isang modernong disenyo na bahay at unang lumabas ng sasakyan si Elron. Nakatitig lang ako roon habang pilit na pinapakalma ang sarili.

Binuksan ni Elron ang pinto ko, "Ready when you are,"

"I'm ready."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago bumaba roon. Ako na rin ang nagpatunog sa doorbell. Isang babaeng nasa late 30s and pinagbuksan kami ng gate. 

"Yes? How may I help you?"

Naghintayan kaming tatlo na may magsalita pero hindi ko kaya. Narealize iyon ni Elron at siya na ang nagtanong para sa akin, "Dito po ba nakatira si Amiel Salonga?"

"Oo, bakit?" 

Napahawak ako sa dibdib ko sa sagot na iyon, at tila labis na ang pagtataka ng babae. 

Asang-asa akong nagtanong, "N-nandito po b-ba siya ngayon?"

Kumunot ang noo niya.

"Isang taon na siyang patay, iha..."

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
195K 4.6K 33
Raviel Louigie Franco, nag iisang anak at tagapagmana ng kanilang kompanya at lahat ng kanilang ari-arian. Pero makukuha niya lamang ito kung matutup...
10.2K 400 48
Art Series #1: Pleasuring Stain Zonnique knows how to value smallest thing in life, even the ones that people considered as useless things. Broken v...
18.5K 1.7K 50
Safira Victoria Alegre can be mistaken for an arctic ice sculpture, standing tall and looking down on everyone with its icy cold eyes. She knew bette...