Chapter 40

357 15 46
                                    

This will be the last chapter before the epilogue. 

I stood there, at a loss for words as he kneeled in one knee, finally asking me to marry him. 

This time, for real.

"I promise that I will be your family, Trey. I was never one to dream about having one, big, happy family but when I found you, I just know that I want to build one with you. A family that only knows how to love... and to stay,"

He tried his hardest to contain his tears but he failed. Umiiyak siya ngayon sa harapan ko. Sa iyak na iyon ay nakita ko ang lahat ng taon na pagsasama namin. Ang lahat ng saya at hirap na dinanas namin na magkasama. Sa wakas, ay nandito na kami sa punto na 'to.

"Wala akong ibang makita sa hinaharap ko kung hindi ang maikasal ako sa'yo. Hindi na ako makapaghintay na alagaan ka sa araw-araw, na maging kaantabay mo sa lahat ng mangyayari sa buhay... I want to spend the rest of my life not with just anyone, but only you."

"So please, be my wife. I will love you everyday-"

Pinutol ko siya sa pagsasalita nang hilain ko siya patayo at halikan sa labi. 

"Syempre! Yes! I will be your wife, Manzanares."

Nagpunas na siya ng luha at suminghap. "Thank you," sabi niya kaya parang tanga akong umiiyak pero tinatawanan siya. Unti-unti niyang isinusuot sa akin ang singsing. 

"Kaya pala kabadong kabado ka kanina, ha? Naisip mo ba na tatanggi ako?"

"I would have made you say yes still... and even then, I am already married to you."

Inangat niya ang kamay ko at tinitigan ang singsing na inilagay niya roon. Dinampian niya ito ng halik habang nakapikit ang mga mata. Parang kumikinang ang mahaba niyang pilikmata dahil sa pagkakabasa nito sa luha. 

Mahal na mahal ko siya, at kung hindi siya ang makakasama ko hanggang sa pagtanda... hindi ako papayag. Walang iba. Wala sino man ang gugustuhin kong bigyan ng matamis na 'Oo'.

"Are you sure about this?" tanong ni Jiro. Pinipirmahan ko na ang kontrata sa paglilipat ng titulo doon sa bibili ng bahay. 

Nakapagdesisyon ako na ibebenta ko na ang bahay na kinalakihan ko. Hindi naging madali na pakawalan ito pero sa tingin ko ay nararapat lang... Ang ganda ng bahay, pero hangga't nasa akin ito ay hindi ako makapagpapatuloy. 

Kaya ayaw ko itong sayangin. Gusto kong bigyan ng pagkakataon ang ibang pamilya na bumuo ng magagandang memorya sa bahay na 'yon. Habang kami ni Jiro ay gagawa rin ng sarili naming mga alaala. 

Sumulyap ako sa bahay na lulan ang libo-libong mga alaala na hindi ko kailanman makalilimutan. Tinulungan ako ng mga ito na maging kung ano man ko ngayon. 

Matatag, ganyan ko ilalarawan ang sarili ko.

Pagtalikod ko roon, iyon ang hudyat ng pagsisimula kong muli. Pero hindi na mag-isa. 

"Ang bagal mo, Kenjiro!" asar kong tawag sa kasama ko. Naghihintay na si Mama panigurado! Na-delay na nga ang flight dahil sa bagyo sa Pilipinas, ang bagal pa maglakad nitong si Jiro. Humihikab pa dahil bagong gising. 

"Alright, alright. Heto na nga," 

"Your long legs are useless if you're not going to use them properly!" Hinihila ko kasi siya at talagang parang ang bigat bigat ng katawan niya dahil nagpapatianod lang siya sa hila ko. Major jetlag, but his mom is waiting!

Maski ako ay mabigat ang katawan, idagdag pa ang dami ng layer ng suot namin dahil sa sobrang lamig. Mas marami ang akin dahil mahina ako sa lamig.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now