Chapter 34

196 12 13
                                    

Nagkamali lang ako ng dinig, 'di ba?

"A-ano po?"

"I do not know what you want with him but my father, Amiel Salonga, died last year, March."

Her father! "Oh, thank God." sambit ko, labis ang ginhawa na hindi ang Amiel ko 'yon.

Agad akong napatakip sa bibig ko nang matanto ang kung ano ang sinabi ko. Hindi ko sinasadya! "I mean, I'm sorry for your loss."

Halatang nairita ang babae sa amin kaya pinagsaraduhan kami ng pintuan. 

"Bunganga mo," pang-aasar ni Elron sa akin nang bumalik na kami sa kotse. 

"Hindi ko sinasadya!"

Nagkibit-balikat siya. "You seem okay... they're not here, you know."

Tumango na lang ako para ipaalam na ayos lang ako. Kahit pa may kirot at bigat sa dibdib ko ay mas masaya ako sa katotohanan na buhay pa si Amiel, hindi tulad ng narinig ko kanina. I am just relieved that my baby's okay. 

Hindi na rin naman ako umaasa na magiging madali ang paghahanap sa kanila. Mahirap hanapin ang mga tao na pilit kang tinataguan.

Bago kami tumulak pa-Pampanga ay nagpahatid muna ako sa condo. Lumipat na rin ako sa isang mas malaking condo unit. Noong kasing natanggal ako sa trabaho ay napilitan akong lumayas roon sa unit na binigay sa akin at sa maliit na apartment nanirahan. Nagtiis at pinaghirapan hanggang marating kung nasaan ako ngayon.

Ngayon, sobra pa sa sobra ang mayroon ako. Gustong gusto ko nang ibahagi kina Amiel. Hindi ito pwedeng sa akin lang, kasi ginawa ko ang lahat ng ito para sa kaniya. 

Dahil kung ako lang naman ay ayos na ako sa kahit ano. 

"Nag-impake ka na ba?"

"Uh, hindi pa." nahihiya kong sabi. Tumawa lang naman siya, "You're too busy."

Dumiretso ako sa kwarto ko at humugot ng maleta sa cabinet ko. Nakasunod pala si Elron sa akin. "Ako na ang mag-aayos ng gamit mo. Go wash up."

Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Alam mo ba ang mga dadalhin ko? Even the, you know?" I was talking about undergarments. 

Tumango siya. "Yes, just tell me where they are."

Dahil nagpresinta naman siya at kailangan ko talaga ng tulong ay hinayaan ko na siya roon para makaligo na ako. Sa ilalim ng mainit na tubig na lumalabas mula sa shower ay doon ko inilabas ang frustration na nararamdaman ko sa hindi pagkahanap kina Amiel ngayon.

Ang kulit kasi, ilang beses pinaalalahanan na huwag aasa pero ayun at naniwala ako na sila na talaga iyon. Akala ko'y sa pagtatapos ng araw na 'to, may mauuwian at matatawag na ulit ako na pamilya. Handa akong kalimutan ang nangyari dati basta ba bumalik lang sila.

Kinusot ko ang balat ko hanggang sa sobrang mamula ang mga ito. Nangingilabot pa rin ako at tila nararamdaman ko pa rin ang mga hawak ni Cielo sa akin ilang taon na ang nakakalipas. Umaasa ako na sa bawat pagligo ko ay mabubura na rin ang multo ng kamay niyang dumampi sa katawan ko. 

Nang maging kontento ako roon ay tsaka pa lang ako lumabas ng shower nagdamit na. Simpleng sweater lang ang suot ko, leggings, at rubber shoes. Sa tingin ko'y bukas na lang namin kikitain si Ryone dahil masyado nang gabi. 

"Wake up. Elron."

Naabutan ko kasi siyang nakatulog sa may dulo ng kama ko, naririnig ko pa nga ang mahihina niyang hilik. Hindi ko na napigilang mapangiti sa itsura niya ngayon. 

Ano kaya ang pakiramdam na ito ang inuuwian ko sa araw-araw?

Hahawiin ko sana ang buhok niyang natatakpan ang mga mata niya pero agad akong lumayo mula sa pagkakadungaw sa kaniya nang iminulat niya ang mata niya. 

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now