Prequela

By fackenbtch

457 35 24

The Prequel Hangarin ni Kalesi Mambituin ang palayain ang nabihag na Inang Bayan. Ngunit upang maisagawa iyon... More

Paalala
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV (Ikalawang Parte)

XV

22 0 6
By fackenbtch

"Bilisan niyo! Doon sa likod! Ilagay niyo sa likod! Hoy, ikaw?! Ano'ng ginagawa mo? Kumilos ka d'yan!"

"Indio! Bilis! Parating na ang heneral!"

"Heneral!" 

Sumaludo ang mga sundalong sakop ng kinikilalang binatang heneral nang masilayan ito, ang iba'y ipinilit pang paluhurin ang mga Indiong trabahador at nagbulag-bulagan lamang ang heneral na tuloy-tuloy lang ang lakad patungo sa binibini nito. 

"Handa ka na?" lumawak ang sakop ng labi nito nang harapin ang binibining nakatanaw lamang sa mga kapwa Pilipino nitong kargador na pinahihirapan ng mga guardia civil.

Nagkakagulo ang lahat dahil sa araw na ito ang paglisan ng heneral ng Hukbong Sandatahan pa-Maynila kasama ng nag-iisa nitong kasangga.

Isinukli naman ni Kalesi ang parehas na ngiting ibinigay sa kaniya ng kasintahan nito. 

Inabot nito ang kamay ng binibini saka marahan na dinampi ang labi sa likod ng palad nito saka ngumiti na siya namang sinuklian ng dalagang nahihiya pa.

"Nararamdaman kong kinakabahan ka sa likod ng ngiti mo. Huwag kang mag-alala. Wala kang maiiwan dito. Hindi pa rin titigil ang mga tauhan ko sa paghahanap sa iyong ama at isusunod natin siya sa Maynila." pagsisiguro nito sa binibini na ikinangiti na lamang nito. 

Saglit na nanatili ang ngitian ng dalawa bago bumigay ang binibini saka napahigikhik na lamang. "'Wag mo 'kong tingnan ng ganiyan. Nakakahiya." hiyang ngiti na lamang nito habang nagtatago sa likod ng pamaypay na hawak. Samantalang hindi naman nawala ang malambing na ngiti't tingin ng binatang heneral sa kasintahan.

"Salamat ulit," banggit nito na ikinalingon muli sa kaniya ng dalaga. "Sa pagpayag na sumama sa akin pa-Maynila. Sisiguraduhin kong hindi tayo magugulo pa ng ninuman hangga't nasa pangangalaga kita." Huling paniniguro nito, tinutukoy ang nangyari noong isang gabi, matapos sumang-ayon ang Binibining Kalesi na sumama pa-Maynila.

"Kalesi," pilit na humahabol sa hakbang ni Kalesi ang bunsong Anastasia. 

"Kalesi, sandali!" pinilit nitong paharapin sa kaniya ang dalaga nang maabutan ito. Hindi nagbago ang ekspresyon ng dalaga, animo'y hindi niya pinagsisisihan ang ginawa nitong bulgarang desisyon.

"Batid mo ba ang sinasabi mo kanina?" hindi makapaniwalang tanong ng binata sa binibini.

Sa halip na sumagot ay nagpumiglas ito ngunit tumigil rin nang mapagtantong hindi siya bibitawan ng binata. "Oo." nanatili ang kaniyang determinadong tingin. "Narinig ko ang sarili ko kung kaya't malinaw sa akin ang pinasok ko."

"Pinasok mo?" kunot-noo nito. "MO? Ano'ng nangyari sa samahan? Kapag sumama ka sa kaniya, maaaring hindi ka na makabalik pa muli dito, alam mo ba iyon? Sino'ng nakakaalam ng maaring mangyari habang nasa Maynila ka? Walang anumang koneksyon sa amin, akin." naging mahina't malambot ang tono ng pananalita nito, maging ang tingin niya sa binibini.

"Pwede ba? Kaya ko ang sarili ko. Saka ligtas ako hangga't nasa ilalim ako ng pangangalaga ni Marcelino." siguradong bulalas nito sa harap ng binata. 

"Mas ligtas ka sa pangangalaga namin!" mabilis na hirit ni Kiandro na ikinakunot lamang ng noo ni Kalesi. 

"Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan? Pagkatiwalaan niyo 'ko." 

"Tingin mo ba, hindi kita pinagkakatiwalaan? 'Yung asungot na iyon ang hindi ko pinagkakatiwalaan! Mahal ka niya, Kalesi. Tunay. At alam mo ba kung ano'ng nagagawa ng taong nagmamahal? Lalo na ang kapatid ko, nakita mo na ba siyang lumaban para sa bagay na gusto niya? Gagawin niya ang lahat, Kalesi. Paano kung nabigo't na mabuking ka sa kalagitnaan ng pananatili sa poder niya?" bahagyang lumakas ang boses ng binata ngunit nag-iingat pa ring hindi maririnig ng mga tao sa baba. 

Samantalang napaiwas na lamang ng tingin si Kalesi. Nakikita niya ang puntong ibinigay ng binata ngunit: 'Ayoko. Hindi— Pero— Hindi. Hindi. Ayoko. 'Wag mong aaminin.' pakikipagtalo nito sa sariling isip.

"Paano ang plano? Ang samahan?" Sa dinagdag pa ni Kiandro, tila ba mayroong nabunsod na kung anuman sa looban ng dalaga, hindi na niya napigilan pang sumagot sa binata. 

"Ano naman?" Wala pa rin itong bahid ng pagsisisi na makikita sa tono nito. Isang malamig na tingin ang kaniyang ibinigay sa ginoong minsan nitong binigyan ng napakatamis nitong ngiti. 

"Iyon na lang ba ang ginagampanan ko? Paano... paano ako?" Sa huling pangungusap ng dalaga, bumagsak ang balikat ng binata. Naitanong niya ang sarili: 'Mayroon bang lihim na intensyon si Kalesi? Kung kaya niya nagawa ang desisyong sumama pa-Maynila?' 

"Kalesi? Milandrino!" sigaw ni Marcelino ang umalingawngaw sa pasilyo ng mansyon. Mabilis na lumapit sa kanila ang binatang heneral, pinakawalan si Kalesi mula sa kapit ni Milandrino saka inilipat sa likod nito bilang proteksyon. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Milandrino? Isa nang kapusukan ang pagiging mag-isa ninyong dalawa, nagawa mo pang hawakan si Kalesi? Hindi ka ba nag-iisip?"

Mabilis ang pangyayari, hindi na nakapagbigay ng reaksyon pa si Kiandro 'pagkat hindi pa nito napoproseso ang tingin na binigay ng dalaga sa kaniya sa kauna-unahang pagkakataon. Isang desperadong tingin mula sa isang binibining iniibig.

"Binibining Kalesi?" 

Bumalik sa ulirat si Kalesi matapos manumbalik sa nangyari noong gabing iyon kung saan magmula'y hindi na nagkaroon pa ng bagong usapan sa pagitan nila ng bunsong Anastasia. Ngayon ay lilisan na siya patungo sa hindi pamilyar na sambayanan dahil lang sa alibugha nitong pagdedesisyon.

"Kalesi?" Dumako ang tingin nito kay Marcelino. Nagkita ito ng ngiti. "Makakasama natin si ama. Ihahatid niya tayo sa porte." Lumipat naman ang tingin nito sa Don Luis na nakatayo pala sa tabi ng binata. Nagpaskil ito ng hiyang ngiti, tila nagdadalawang-isip pang batiin ang Don dahil baka hindi pa nito . Ngunit hindi pa nito tuluyang nababati ay tinalikuran na siya kaagad nito. 

'Galit pa rin siya.'

Tinanggap na nito ang alay na kamay ng isa sa mga guardia civil bilang alalay paakyat ng kalesa ngunit bahagyang napatigil nang marinig ang pamilyar na pangalan.

"May balita na ba kay Kapitan Floresco?"

"Wala pa ho kaming natatanggap mula pa kagabi,"

Hindi na narinig pa ang mga susunod na sinabi ng dalawa 'pagkat nakapasok na ang dalaga sa loob ng kalesa ngunit malinaw ang paksa nito.
'Nawawala si Nikong?'

Noong isang araw lamang ay nasa loob pa siya ng hacienda kahit na hindi na rin sila nagkaroon ng kahit anupang interaksyon dahil na rin sa pag-iwas sa kaniya ng binata noong ianunsyo nito ang desisyon niyang sumama pa-Maynila kasama ang isang Anastasia. Marahil ay may sama ng loob ang kababata niya sa kaniya. 'Nagsumbong ba siya sa kampo?'

"Abante!"

"Tabi!"

"Indio, indio! llega ahi! Rapido! Rapido!"

Napabangon sa pagkakasandal ang dalaga nang tila nanlabo ang mga ingay na likha ng paligid; mga sumisigaw na mga guardia civil at mahihinang daing ng mga kargador. Isang matinis na tunog ang sandaling nagpangiwi dito ngunit parang siya lamang nakakarinig nito sapagkat tuloy pa rin sa pagtatrabaho ang mga nasa paligid ng kalesa. 

Bumalik na lamang sa dati ang kaniyang pandinig nang maramdaman ang pagsakay ng binata sa kalesa. Sumalubong sa kaniya ang matamis nitong ngiti na pilit nalang niyang sinuklian. nang maitago ang pag-aalala nito.

"Handa ka na?" muling tanong nito na ikinahagikhik na lamang ng dalaga.

"Pang-ilang ulit mo na iyan." tuso pa nito, pilit na kinakalimutan ag maliit na pangyayari kanina. Hindi naman nawala ang ngiti ni Marcelino hanggang sa tumabi na ito sa dalaga. "Nais ko lang na makasigurong hindi ka nagdadalawang-isip sa iyong desisyon." panatag na ngiti nito saka tumabi sa dalaga, pinapanatili ang kahit kaunting distansya na maiipon sa pagitan nilang dalawa. 

Saka narinig ang paghataw sa kabayo ng kalesa at ang pag-andar nito. Saka na naging malinaw ang paninindigan niya.

"'Yung plano, 'yung kampo, sina Ca Kirong... aalis ako at hahanap ako ng paraan sa buhay na nais ko bilang binibini."

***

"Handa na ba ang lahat?!"

"Handa na!"

Inayos ni Ca Kirong ang bolong nakatali sa baywang nito saka bumalik sa yildang pagmamay-ari. Sa paglulusob ngayon, iba ang plano.

"Sigurado ka bang magiging ayos ka lamang na sumama?" banggit nito pagsulyap sa kaibigang nakaharap sa sariling bolo.

"Kailangan kong makita muli ang anak ko, Kirong. Kahit na saglit, kahit na sa gitna ng digmaan. Masigurado ko lamang na ayos at ligtas siya." buntong-hininga ni Ca Delirio, isinasabit ang bolo sa kanyang baywang. Humarap siya sa kaibigan.

"Hindi ako magiging pabigat dito. Pangako, tutulong ako sa pagsasauli sa kanya. Kailangan niya tayo ngayong napapalibutan siya ng mga hinayupak na 'yon," hindi na napigilan pang magmura. Tinitigan lamang ito ni Ca Kirong. Humahabol na sa kanya ang bagabag ng budhi sa pagtatago kay Ca Delirio, ang matalik niyang kaibigan, ng sarili nitong anak.

"Halina na? Kailangan tayo ni Kalesi. Baka hindi na natin sila maabutan. O baka maunahan pa tayo ng mga saling-kitkit," linagpasan na ni Ca Delirio ang matalik na kaibigan. Saglit na nanatiling nakatayo doon si Kirong, nagdadalawang-isip sa kanyang kinikimkim sa kaibigan.

"Delirio, may kailangan akong sabihin sa iyo. Dapat mong malaman," sa huli, pinili niyang bigkasin.

"O? Ano iyon?" harap sa kanya nito na may kunot sa mukha.

"Tungkol kay Lis—"

"Ca," biglang pasok ni Nikong sa yildang kinaroroonan. "Nikong!" saway sa kanya ng pinuno na ikinayuko lamang nito.

"Paumanhin po ngunit sa tingin ko po'y kailangan na nating lumisan. Nakapatanggap po kami ng balita na lumisan na papuntang pantalan ang mga Anastasia." balita nito kung kaya't wala nang nagawa si Kirong.

"Kung gano'y ipakalat mo na ang balita, lilisan na tayo ngayon din." nauna itong lumabas ng yilda, nilalagpasan si Delirio at Nikong. Binibigyan nito ng huling tingin ang binata. Batid niyang hindi nagkataon ang biglaang pagpasok nito sa yilda.

Sa gitna ng magubat na daang puno ng kawayan, humakbang ang halos anim na batalyon na sundalo ng kinikilalang pinakamatatag at pinakamabangis na rebelyong nanatili sa bundok ng Boasa, Inabanga, Bohol.

"Hindi pa ho ba sapat na gagamitin niyo ang Ca Delirio sa— paano ko ba sasabihin— makasarili ninyong plano?" panimula ni Nikong sa tabi ng kanilang pinuno. Umigting ang panga nito sa palaisipan ng plano ngunit pinanatili ang postura't nagtimpi.

Ngunti tila hindi naapektuhan ang pinagsasaaran nito at nagpatuloy lamang sa pangunguna sa hukbo sa paglalakad.

"Hindi makasarili ang isang bagay na ginagawa ko para sa bayan ko." madiing paninindigan nito. "Kailangan kong magsakripisyo ng tiwala ng isa, ano naman? Kung kinakailangan kong magsasakripisyo pa ng isang daang buhay na mahalaga sa akin..." saglit itong huminto, tila ba nagdadalawang-isip sa sasabihin, ngunit sa huli'y bumigay ito.

"... para sa bayan."

***

Nanatili ang tahimik na atmospera sa loob ng kalesang kinaroroonan ng 'magkasintahan.' Walang may balak umusap.

"Tungkol sa iyong ama," sa wakas ay nailabas ng binata ang ilang kataga. Hindi nito talaga nais na maging paksa ang ama ng dalaga ngunit hindi na nito maatim ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.

Pumihit naman ang ulo sa kanya ng dalaga, bagay na hindi niya naisip at inakalang aapekto sa kanya ng ganoon na lamang. Ramdam nito ang paghinto ng sistema't pag-iinit ngunit ngapatuloy sa pagsasalita.

"Wala pa kaming balita..." nabanggit na lamang nito. Iyon ang katotohanan. Hindi man niya nais na aminin, wala itong mahanap na butil na ebidensya sa buhay ng ama ng dalaga. Matagal na rin naglalaro sa isipan niya na baka wala na ito, permanente. Ngunit hindi niya maaaring sabihin iyon kay Kalesi. Bukod sa natatakot ito sa magiging epekto sa kanya ng dalaga, binalot rin siya ng takot na baka maisipan na ng dalaga na humiwalay sa kanya at tapusin ang kasunduan. 'Hindi maaari.'

Bubuka pa sana ang bibig nito upang magsimula muli ng panibagong paksa nang pinalibutan ng putok ng baril ng paligid saka sinundan ng malakas na sigawan.

Kaagad na tinakluban ni Marcelino ang dalaga gamit ang sarili nitong katawan. Taranta itong sumigaw.

"Anong nangyayari?! Kapitan Santos!"

"Heneral! Mga tulisan! Napapaligiran tayo!"

"Tangina. Palibutan niyo muna ang kalesa, tangina naman, o!" Sumaludo ang kapitan rito saka nagsapwesto ng ilang guardia sa paligid nila ng dalaga. Rinig pang bumulong ng ilan pang mura ang binata habang naghahandang sumabak.

"Dito ka lang, naiintindihan mo? Pinapaligiran ko ang kalesa, mas ligtas ka rito. Babalikan kita, 'wag kang mag-alala." pagkasa nito sa rebolber na laging bitbit. Bago pa makasagot si Kalesi, natigilan ito sa sunod na ginawa ng binata.

Isang halik sa noo nito bago ito tuluyang lumabas ng kalesa. Naestatwa ito. 'Napaka...pusok'

Ngunit mabilis din niya itong iwinaksi sa isipan. May mas malaki siyang problema ngayon. Bumaling ito sa bintana ng sinasakyang kalesa kung saan kita ang gyerang kasalukuyabg nagaganap; ilang sibilyang nagsisilikas, iba'y nakahandusay, at dalawang panig na naglalaban.

Lingid sa kaalaman niya ang paglulusob na ito. Walang plano o walang pasabi. Hangga't sa bumalik sa kanya ang hindi malinaw na paghingi niya ng tulong kay Kiandro noong isang araw. 'May kinalaman ba rito si Kiandro? Tulong? Sa akin? Sa kagabi?'

Napabalik ito sa realidad nang kumuha sa atensyon nito ang isang pamilyar na mukha.

"Itay?" Napako ang tingin nito sa mukhang namimilipit ni Ca Delirio. Tumumba ito dahil sa sipa ng guardia civil na hawak ang isang bolo. "Itay..."

Nagpatuloy ito sa pagbanggit sa katagang iyon habang lumalabas ng karwahe. Hindi nito inalis ang tingin sa mukha ng ama kahit sa paglalakad nito sa gitna ng nag-iinit na gyera.

Napamura na lamang si Marcelino sa pagkawindang ng dalaga. "Santos!" sigaw nito para ipasa rito ang kasalukuyang katungga. Nang makalaya sa rebeldeng kalaban, maingat nitong nilapitan ang dalaga ngunit napatigil rin nang tumigil ito sa yapak niya.

Dahan-dahan niya itong sinundan ang titig ng dalaga. Nakahandusay at duguang sundalo nito sa harap ng isa pang nakahandusay na sibilyan— isang rebelde.

Sa isang malayong panig, napansin din nito ang isa pang sibilyang may hawak na baril ngunit marahil hindi ito napansin ng dalaga dahil nakapako lamang ang tingin nito sa dalawang taong nakahandusay. Nagsimulang tumakbo't naglaho sa nagkakagulong kumpol ang sibilyang iyon kung kaya't minadali na ni Marcelino ang kinaroroonan ng dalaga.

"Kalesi!" hinuli nito ang katawan ng dalaga sa mga braso. Estatwa pa rin ito't hindi pa rin naaalis ang titig mga nakahandusay na mga katawan. "Kailangan mong magtago, naririto ang pinuno ng hukbo," praning na banggit nito.

Sinubukan nitong hilain ang dalaga papalayo ngunit hindi ito kumibo. Nanlumo ang mukha ng binata. "Kalesi, pakiusap." Sapilitan nitong pinaharap sa kanya ang dalaga. Hawak ang mukha ng dalaga, tinititigan ito ng binatang heneral ng nangungusap na mga mata. "Pakiusap, kailangan mong maging ligtas."

Nagpatuloy sa pagpuslit ng kamay nito sa kamay ng dalaga saka hinila patungo sa pinakaligtas na lugar na mahagilap nito.

***

Lumipas ang ilang oras, tumahimik na ang lupalop at talipapa ng Inabanga kung saan naganap ang paglusob. Magulo't makalat pa rin ito ngunti halos wala nang makikitang tao. Nagsitaguan na ang lahat, naging nga paninda ng karamihan. Nailigpit na rin ang mga natirang katawan sa nangyaring kaguluhan.

Ngunit kabaligtaran ang nangyayari sa hacienda Anastasia. Nagkakagulo ang mga doktor, nars maging mga tagapagsilbi.

Rinig mula sa silid ng binibining Kalesi ang mga bulalas ng mga tauhan sa labas ngunit tila hindi ito nakakarating sa binibini mismo.

"Binibini, kailangan niyo pong kumain kahit kaunti. Bilin po ng heneral na hindi ko po kayo maaaring iwan hangga't hindi ninyo nauubos ang laman ng palayok na ito," tila nagmamakaawang banggit na ni Esraela ngunit hindi pa rin ito kinibo ni Kalesi. Ilang oras na rin matapos ang tanghalian, wala pang kinakain o iniinom ang dalaga.

Napinta, tumatak at paulit-ulit bumabalik sa kanya ang imahe ng kanyang ama: nakahandusay, walang malay at nagsisimulang dumugo sa kanyang braso.

"Kailangan kong bumalik doon..." bulong nito sa makailang pagkakataon na ikinabuntong-hininga na lamang ng dalagitang tagapagsilbi.

Hindi nagtagal ay nakarinig sila ng katok sa pinto. Binuksan ito ni Esraela saka inilatad ang mukha ng amo nito.

"Ginoong Milandrino," nagbigay-galang ito.

"Esraela," dumako ang tingin nito sa dalaga. "Kamusta?" Sinundan rin ng baling ng tingin ni Esraela ang binibining tulala. Batid niyang siya ang tinutukoy ng amo.

"Hindi niya pa rin po ako pinapansin. Kahit isang subo, wala po."

Hindi natanggal ang tingin ng binata sa dalaga ngunit nanatili ito sa labas ng kanyang silid. Isang malungkot sa tingin ang binigay niya sa dalaga. Mgaing siya'y naguguluhan na.

Tumigil na ang kaingayan sa labas ng silid, naging kalmado na rin ang atmospera kahit papaano ngunit nag-iwan ito ng ulap ng halo-halong kaisipan lalo na sa susunod na gobernadorcillo ng lalawigan.

"Nais niyo po ba siyang kausapin?" Sa pagkakataong iyon, lumingon sa kanya ang dalaga. Hindi nakapagsalita si Kiandro at tila naestatwa sa ibinigay na tingin ng binibini.

Kumunot ang noo nito nang makita ng mukha niya. Hindi ito kunot ng pagtataka, galit ang lumitaw sa kanyang mukha. 'Alam niya na ba? Nais kong magpaliwanag ngunit...'

Madiin itong umiling. "Hindi na. Hindi rin magandang tingnan kapag nahuli akong nasa silid ng binibining hindi ko kasintahan..." alangan nitong tugon. "Balitaan mo na lamang ako..." huling banggit nito saka isinara ang pinto ng silid.

Saglit pa itong nanatili sa harap ng pintuan ng silid ng dalaga,najatitig lamang dito. Nagpakawala ito ng buntong-hininga saka isinandal ang noo rito.

"Anong ginagawa mo sa harap ng silid ni binibining Kalesi?" hinarap nito ang boses ng kapatid. Masama ang tingin nito sa kanya, at sinuklian niya ito. "Nanggaling ka ba sa loob?" pabahol pang tanong ni Marcelino kay Kiandro.

Diretso pa rin ang tindig nito't pinili na ipirmi ang tingin kahit na sa kaloob-looban nito'y wasak na wasak na.

"Kahit na may nararamdaman ako para kay binibining Kalesi, hindi ako balahurang ginoo." mariin nitong saad. Ngunit sa panig ni Marcelino, tila isa itong biro. Sumilip ang isang ngisi aa kanyang labi habang nakatingin sa nakakabatang kapatid.

"Hindi ka magaling magtago ng damdamin, Milandrino. Marahil na nakalimutan mo rin iyon ngunit halatang ika'y binabagabag ng iyong responsibilidad bilang bagong gobernadorcillo ng lalawigan," lumapit ito ng ilang hakbang. Halos magkasingtangkad lamang ang magkapatid kung kaya't hindi prominente kung sino ang mas nakakataas sa tensyong nagliliyab sa pagitan ng dalawa.

"... at ng iyong responsibilidad sa pamilya Diaz." Tuluyang umigting ang panga ng binata.


Kinuyog ang kalesa kung saan sakay ang Don Luis. Tumumba ito'y pinagdiskitahan ng mga tulisan kung kaya't matagal rin bago tuluyang masekrado ng mga guardia civil ang kinaroroonan ng gobernadorcillo. Napuruhan na ito ng galos at saksak sa binti, braso't ilan pa sa tagiliran. Sa kabutihang palad ay naisalba ng mga manggagamot ang Don mula sa pagpagkawala ng dugo ngunit kritikal pa rin ang lagay nito.

Ang huling nakausap nito ay ang susunod na tagapagmana ng pamilya Anastasia bago pa man ito nangamusta sa silid ng dalaga.

Batid niyang kasama ng responsibilidad nito sa pagiging gobernadorcillo ay ang responsibilidad nito sa pagpapatibay ng kapit ng pamilya sa posisyong ito. At ang pagtupad sa kasunduan sa isa sa pinakamaimpluwensyang pamilyang Español ang isang pinakapangunahing hakbang nito. Ito ang magiging bagong mukha ng pamilyang Anastasia.
 
"Aasahan ko na ang paglayo mo sa binibining hindi mo na maaaring pakasalan, Milandrino. Gaya ng sinabi mo: hindi ka balahurang ginoo."

Isang palugit. Hindi man sabihing direkta, nagsisilbi itong palugit sa nakababatang kapatid.

Saglit pang nagtagal ang tensyon sa titigan ng dalawa hanggang sa lumayong kusa si Marcelino saka inayos ang barong nitong madungis. Hindi pa ito nakakapagpalit mula sa pagkikipagbakbakan kanina. Prayoridad niya ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Inabanga.

"Pupunta ang pamilyang Diaz sa hapunan para kay ama, at kung papalarin ako, maging para sa kasal ninyo ng binibining Catalina." ngisi nitong nangangasar na ikinakuyom ng kamao ni Kiandro.

"Iyon lamang ang nais kong iparating sa iyo. Kung wala ka nang balak pang sabihin sa akin, magpapaalam akong mauna na't kailangan kong maging presentable't walang bahid ng kahit anong maaaaring ikawindang ng aking binibini." saka nito iniwang mag-isa ang binatilyo.

'Isang napakamakasariling asungot.' Hindi man lang niya binanggit ang kalagayan ng ama— pabor pa nga ata sa kanya ang pagkawala nito kung sakali.

Namuo ang kamao nito. 'Hindi ako balahurang ginoo ngunit lalong hindi ako ang tipo ng ginoong sumusuko sa kahit anong dapat ay sa akin.'

***

Sa harap ng nanghihinang katawan ng Don Luis, nakaupong-dekwatro ang Don Alvaro sa harap nito tila ba kumportable. Samantalang nakatayo ang dalawang anak na Anastasia sa gilid nito. Wala pa ring malay ang Don Luis kung kaya't minabuti nina Don Alvaro na dumalaw.

"Kamusta na ang iyong pagbalik sa Maynila, Marcelino? Kailan ka muli aalis?" panimulang tanong ng Don Diaz ngunit tila walang interes sa paksang binuksan. Marahil para lamang hindi maipakita ang pagkaignorante nitong mas pabor sa kanya ang pagpapabilis ng pagiging gobernadorcillo ng magiging bayaw.

"Hindi na po muna ako tutuloy, Don Alvaro. Nagpadala na rin po ako ng sulat sa Malacañang na mauudlot ito. Kailangan ko po munang ayusin ang kalagayan ng Inabanga," magalang pa rin na tugon nito. Ikinatango-tango lamang ito ng Don saka bumaling sa bunsong Anastasia.

"Milandrino, handa ka na ba sa posisyong ito?" sa pagkakataong ito, bumahid ang isang maliliit na ngisi sa mukha ng Don. Ngunit hindi iyon minabuti ng binata.

"Mawalang galang lamang ho ngunit tingin ko ho'y hindi pa magandang paksa iyan sa ngayon na tila ba pinapaburan ninyo ang pagkawalay sa amin ng aming ama ngunit oo, kung iyon ang nais ninyong marinig— handa na po ako." naniningkit ang matda nitong tugon sa Don Alvaro. Sandaling nawala ang ngisi nitong nakapaskil sa mukha ngunit bumalik rin kaagad.

Nahahalata na nito ang bahid ng pagtutol ng binata sa kung anuman na nay kinalaman siya. Maaaring ang pag-iisa ng dalawang pamilya ngunit batid niyang gagawin ito ng binata— sa paraang isa lamang sa kanila ang masusunod.

"Mabuti," pinili nitong saad. "Sa gayo'y ako na ang mag-aasikaso sa kasal ninyo ni Catalina nang mabawasan man lang sa iyong isipin," ngisi nito na nakatitig pa rin sa mukha ng binata. Gumapang ang inis sa sistema ng binata ngunit ipinanatili nito ang kanyang tindig at postura.

"Aking pinapasalamatan, Don Alvaro." bahagya nitong yuko bilang paggalang.

"Sa susunod na linggo na ito gaganapin." dagdag ng Don na pumukaw ng tingin ng dalawang Anastasia. "H-Hindi po ba masyadong mabilis? Hindi pa po sigurado na kukunin ko na kaagad ang pwesto," pagtutol ni Kiandro ngunit ikinawisik lang ito ni Don Alvaro. "Nonsense. Mas magandang tingnan na kasal at pamilyadong tao na ang magiging bagong gobernadorcillo ng lalawigan. Kung sakali mang hindi pa sa susunod na linggo o sa makalawa ang iyong pagsasapuwesto, wala ka namang pagtutol sa kasal, hindi ba? Mas magandang maaga nang bawas isipin. Tingin mo, Marcelino?" bumaling ang tingin nito sa panganay.

Hindi naman ito kaagad na nakasagot dahil sa kapwa rin itong nagtataka. Bumaling na rin ang tingin ni Kiandro sa kuya at naningkit nang makitang tumango-tango na lamang ito. "Siya nga, siya nga..."

'Oportunistang bastardo', mura nito.

"Paniguradong hindi rin tututol si Luis kung sakali, at lalo na si Catali—" napatigil ito nang makarinig ng tila ba nagkakagulo sa baba.

"Binibini! Tama na ho—binibini!"

***

Mabilis ang yapak ni Kalesi pababa ng kahoy na hagdan ng mansyon. Nakasunod sa kanya ay ang hapo na si Esraela. "Binibini! Kalma lamang ho! Dahan-dahan, binibini, baka kayo'y mapatid!"

Ngunit tila hindi iyon nakarating sa dalaga at patuloy lamang ang pagmamadali. Kailangan nitong makatakas at pumuntang kampo dahil sa hindi maipaliwanag na gumagapang na inis at galit sa sulat na ipinadala ni Ca Kirong sa kanya.

"Pasensya na, Lising, at hindi namin sa iyo naibalita kaagad ang paglusob ngunit ito'y para sa kapakanan mo." Wala man lang pasensya o banggit sa ama nito. Batid niyang batid ni Ca Kironh na nawawala si Ca Delirio sa hukbo. Imposibleng hindi niya iyon mapansin ngunit bakit hindi man niya lang ito nabanggit sa sulat?

"O, Binibining Kalesi, makinig ka naman sa iyong kawawang tagapagsilbi. Tingnan mo, oh, mas matanda na iyan tingnan kung hindi lang ito isang bibwit." Sa wakas, natigil na rin sa yapak si Kalesi ngunit binigyan nito ng natalim na tingin ang pinanggalingan ng boses.

"Binibining Catalina," hindi masyadong mainit na pagbati nito. "Anong ginagawa mo rito?"

"Bakit? Masama bang bisitahin ang magiging bahay ko?" lumawak ang ngisi nito. Intensyon nitong mainis ang binibini ngunit mukhang hindi ito pagbibigyan ni Kalesi. Inalis nito ang tingin kay Catalina saka astang hahayo na nang magsalita muli ang binibining kinaiinisan.

"Balita ko'y mauudlot ang paghayo ninyo pa-Maynila ng Heneral Marcelino. Naudlot rin ba ang pangarap mong makatakas, binibining Kalesi?" Naestatwa si Kalesi, sa pagkakataong ito, hindi niya maatim na humarap sa dalaga. Narinig niya pang

"O? Tama nga? Nagbibiro lamang ako, binibini. Ikaw talaga. Subalit..." sandali itong tumigil. "... nais kong malaman mong hindi ka kailanman makakaangat mula sa putik na kung ano ka," bumagsak ang kurba ng labi nito at nanlumanay ang mga mata saka inisang hakbang ang pagitan nila ni Kalesi. "H'wag kang umasa kay Marcelino para makatakas sa buhay mong pipitsugin."

Sandali pa nitong pinanatili ang pakikipagtitigan sa dalaga bago lumayo. Nakaramdam man ng kaunting relief si Kalesi dahil hindi bunyag ang kanyang sikretong intensyon na tumakas, nabawi rin iyon ng susunod na kataga ng binibining Diaz.

"Te deseo lo mejor (I wish you all the best.) Nawa'y mahanap mo ang ama mong... wala na." saka tumalikod. Parang may pumitik sa ugat na pinanghahawakan ni Kalesi at siya itong naputol at nakawala ang paghahasik ng dilim.

"Binibining Kalesi!" pag-awat ni Esraela sa binibining pinagsisilbihan. "Binibini, tama na ho!"

Mabilis ang naging pangyayari. Nasa sahig, palad ay lapat sa sahig at nag-iinda ng sakit sa tuhod ang binibining Catalina. Ngunit hindi tumigil si Kalesi.

Kumuha ito ng isang dakot ng buhok ng dalaga kung saan humantong ito sa pagsasabunutan ng dalawa.

"Binibini! Tama na ho— binibini!" nakiawat na rin ang ilang tagapagsilbi na saksi ng kaguluhan maging ang dalawang guardia civil na nakatoka sa trangkahan ng mansyon.

"Anong kaguluhan ito?!" sabay na bumitaw nang biglaan ang dalawang dalaga. Sinubukang tumayong tuwid ni Catalina at humarap ng hagdan habang si Kalesi'y gumawa sa gawi nito.

Tatlong ginoo ang nakatayo sa pinakatuktok ng kahoy na hagdan kung saan nasa gitna ang Don Alvaro. Masama ang tingin nito habang bumababa sa hagdan kasunod ang dalawang Anastasia.

Lumapit ito sa kanyang anak. "Ayusin mo ang itsura mo! Nakakahiya ka!" bulyaw nito sa dalaga na animo'y aalang ginawang tama. Samantala, masamang tingin lamang ang binigay nito sa dalagang ipinuslit.

"Kalesi..." bulong ni Marcelino ngunit kalauna'y ibinalik ang tindig. "Anong nangyari?" ngunit walang umimik.

"Anong. Nangyari?" matigas na tanong ni Don Alvaro kung saan ilang segundo ng katahimikan ang namuo bago nagsalita sa wakas ang isa.

"Ako po ang nanguna," humarap si Kalesi sa Don. "At wala akong pinagsisisihan sa pagpuntirya sa lahi ninyong walang-modo." madiing saad nito saka linampasan ang dalawang Anastasiang nasa daanan ng hagdan. Dumako ang tingin nito panandalian sa bunsong Anastasia. Isang matalim na tingin ang ibinigay ng dalaga bago tuluyang umakyat.

Ibinalibag nito pasara ang pinto ng nakaatas na silid, iniiwang hindi makapaniwala ang mga tauhan sa labas.

"Saan mo ba napulot ang babaeng iyon, Marcelino? Napakawalang-modo!" hindi umimik ang binata 'pagkat nakadikit ang paningin nito sa pinto ng dalaga. Hindi niya mawari ang pinanggagalingan ng dalaga.

"Esraela, sumunod ka," saad nito bago tuloy-tuloy na pumanhik sa silid ng dalaga, hindi pinapansin ang tanong ng Don Alvaro. Sinundan ng tingin ni Kinadro ang kuya hanggang sa makapasok ito sa silid kasama si Esraela.

Ramdam nito ang gumagapang mula sa mata nito hanggang sa mga kamao. Subalit pinilit nitong harapin ang mga Diaz. "Paumanhin sa nangyaring kaguluhan, Don Alvaro, binibining Catalina..." humakbang ito papalapit sa binibini. "Ayos ka lamang ba?" pinilit nitong magkaroon ng kahit kaunting bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha.

Marahan na tango lamang ang tinugon ng dalaga, nananatiling nakatungo dahil sa presensya ng nagliliyab na ama. Bagamat pansin nito ni Kiandro, nasa kabilang binibini ang nasa isip nito. Tila ba galit ang binibini... sa kanya.

***

"Binibining Kalesi?" katok ni Marcelino sa pinto ngunit walang sumagot sa kabilang pinto. "Binibining Kalesi?" ulit pa nito ngunit oarehas ang naging tugon.

"Señorito, kung inyong pahihintulutan..." sumingit si Esraela. Sadya nitong nilakasan ang kanyang boses nang marinig ng binibining pinagsisilbihan. Nakuha naman ni Marcelino ang senyales ng tagapagsilbi at tumabi para ito naman ang sumubok kumuha ng loob ng dalaga

"Binibini?" isang mahimbing na katok ang ginawa nito sa pinto ng silid ngunit, tulad kanina, walang sumagot. "Binibini? Kung naririyan pa ho kayo'y sabihin niyo lamang po kung ayaw ninyo munang maistorbo." sehustiyon ng dalaga ngunit walang nagbago sa tugon ng binibini.

Tumingin ito sa kanyang likod, hindi maipintang mukha ni Marcelino ang kanyang bungad. Tila pinaghalong inis at pag-aalala. "Señorito, sa tingin ko ho'y bigyan muna natin ng oras ang binibini— señorito!" hindi na natuloy ang nararapat nasabihin ni Esraela nang sipain ni Marcelino ang pinto ng silid. Nasira ang pihitan nito kung kaya't tuloy-tuloy na lamang pumasok ang binata.

Rinig rin ang pag-akyat ng ga tauha sa baba dahil sa lakas ng pagsipa ng binata. Hindi naman makasagot si Esraela kahit na tanungin siya kung anong nangyari.

"Esraela!" napunong sigaw ni Kiandro nang masyadong balisa ang dalaga para sumagot. Nawindang naman si Esraela at sinubukang sumagot ngunit naunahan siya ng señorito nito na kakalabas lamang sa kwarto.

"Nawawala si Kalesi." banggit nito na ikinalamig ng katawan ni Kiandro. Maging sina Don Alvaro at Catalina'y natahimik. "Ano'ng ibig mong sabihing 'nawawala'? Wala siya sa silid?" hindi na napigilan ni Kiandro ang sarili at mismong pumasok sa silid. Walang laman ang silid kundi ang mga muwebles na naroroon.

"Floresco, aplibutan niyo ang hacienda, walang makakalabas o makakapasok!" rinig ni Kiandro na utos ng kuya mula sa labas ng silid. Narinig pa nitong minura ang kapitan dahil sa pagkatunganga nito pero nanatili ang dakong tingin nito sa unan ng dalaga na may nakasilip na isang papel. 

Batid niyang galing itong kampo at iyon ang patutunguhan ni Kalesi. Kung kaya't batid na niya kung saan siya maaaring naroroon.

***

"Bwisit, bwisit, bwisit!" bulas ng binibining pilit na hinihila ang sumabit nitong saya sa isang nakauslit na metal na parte ng pader sa likod ng hacienda Anastasia. Nakaupo ito ngayon sa isang sanga ng puno, mababa na upang matakluban ito ng pader at hindi makita ng mga guwardiya sibil sa kabilang panig.

Sinimulan nitong punitin ang saya gamit ang isang piraso ng sanggang kinauupuan nito nang marinig niya ang yapak ng kung sino papalapit. May dala itong gasera.

"Kalesi!" mahina nitong sigaw. Tila ba nandilim ang paningin ng dalaga nang makilala ang boses na iyon. Minadali nito ang pagpunit sa saya ngunit naabutan pa rin siya ng binata. 

"Kalesi? Kalesi! Anong ginagawa mo riyan? Bumaba ka ngayon din!" ngunit hindi niya ito pinansin. Hindi rin nama nagtagal at napansin ng binata ang ginagawa at sitwasyon ngayon ng binibini kung kaya't naisipan nitong tumulong. Sinubukan nitong umakyat ng punong kinauupuan ng binibini ngunit nang dumating ito ng sanggang kinaroooanan ng dalaga'y yumanig ito't kapwa napahawak sa sanga nang hindi mahulog.

"Paumanhin," ngunit wala pa ring tugon mula sa binibini na nagpatuloy lamang sa pagpupunit ng kanyang saya. Napapansin na ng binata ang pag-asta ng dalaga. Muli itng bumaba ng puno at humanap ng matalas na bagay. Ngunit kakapulot pa lamang nito ng isang pirasong bubog ay nakatalon na ang binibini sa likod nito pababa ng sanga saka patuloy na naglakad, hindi pinapansin ang presensya ng binata.

Sinubukan itong tawagi ng paulit-ulit ng binata ngunit walang epekto sa dalaga. 

"Kalesi? Binibini! Binibining Kalesi! Mahal kong Kalesi!" Hindi naman maipagkakait ang epektong natanggap ng binibini sa huling mga katawagang iyon ng binata ngunit hindi ito nagpatinag. Tuloy itong naglakad.

"Kalesi, ano ba?" hangga't sa humarang sa kanyang daan ang binata. Halata ang inis ng dalaga nang ibagsak nito ang kanyang saya at napapikit na ikinakunot ng noo ng binata. "May problema ba? Bakit tila napakalamig ng pakikitungo mo sa akin?" ngunit, hindi sa kauna-unahang beses, hindi ito pinansin ng dalaga at itinabig pa ang balikat ng binata upang umalis sa daanan nito. 

Hindi naman makapaniwalang tingin ang ibinigay ni Kiandro dito kung kaya't, muli, hinarangan niya ang dalaga. "Ano bang problema mo?" nagtitimping saad na nito. "Ikaw." sinuklian ni Kiandor ang matulis na tingin ng binibini. "Ano'ng problema natin at hindi mo ako pinapansin? Bakit bigla ka na lamang uuwi sa kampo nang hindi mo sinasabi sa akin? Nagseselos ka na naman ba kay Catalina—" napuksa ang pilyong nginting nakapaskil sa labi ni Kiandro nang unahan siya ng binibini.

"Pwede ba? Tigilan mo ako sa mga taktikong iyan. Hindi ko na nais pang makita ang pagmumukha mo kahit pa kailan kung kaya't lumayas ka sa harap ko. Magsumbong ka kaila Marcelino, wala akong pake. Tapos na ang kung anong mayroon tayo." saka muling nilagpasan ang binata. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na ito pumayag na mabalewala. Pinigilan na nitong umalis ang dalaga sa pamamagitan ng pagkapit sa siko nito.

"Ano'ng ginawa ko, Kalesi? Kailangan mong sabihin sa akin nang masolusyunan ko, Kalesi. Nais kong malaman ang nasa isip mo. Sabihin mo sa akin at gagawan ko ng paraan." seryosong saad nito na lalo lamang ikinainis ng dalaga. Ibinalibag nito ang kamay na nakakapit sa kanyang siko saka humarap sa binata. 

"Ano'ng nagawa mo? Anong nagawa mo?! Humingi ako ng tulong sa iyo, Kiandro! No'ng gabing iyon para sagipin ako sa alibugha kong desisyon! Na sagipin ako ngunit gyera't panlulusob ang solusyon mo?! Tanungin mo nga sarili mo, ano'ng nadulot niyang solusyon mo? Bukod sa naudlot nga ang pagpunta naming Maynila..." napatigil ang dalaga sa pagbubulalas ng kanyang damdamin nang mapasin ang sobrahang pagbugso nito. Napakagat na lamang ito ng labi para pigilang makapagsalita muli.

"Ituloy mo," isang mapait na ngiti ang lumabas at mabilis ring naglaho sa labi ng binata. Batid niyang tama ang bintang dalaga. Nagsumbong siya  Kinuha nito ang kamay ng dalaga saka inilapit sa labi ang likod ng palad nito. Ramdam niya ang nginig ng dalaga, marahil sa inis. "Tatanggapin ko. Ituloy mo," paghimas nito sa likod ng palad ng binibini.

"Dahil sa katangahan mo, wala na si ama," diretsong saad ng dalaga na ikinatigil ni Kiandro. 'Si Ca Delirio?' Tila tumigil rin ang kanyang mundo, nakaestatwa, nananatili sa posisyon nitong nakatungo, nakatitig sa kamay ng binibini. "Wala na 'kong gustong gawin pa sa presensya mo. Ibunyag mo ang totoo kong pagkatao, wala akong pake. Basta't... 'wag ka nang... magpakita sa akin..." unti-unting humina ang boses ng dalaga, 'di mawari kung sa inis o panghihinayang.

"Kung kaya't pwede ba?" marahas nitong binawi ang kanyang kamay saka sinaad: "Hindi ko na nais pang makita 'yang pagmumukha mo." saka nagpatuloy sa paglalakad. Kaunting sandali pa natulala't na nanatili doon ang bunsong Anastasia

Hindi makapaniwala na ang ginawang akala niya'y makakabuti para sa kanilang dalawa ng binibining pinakamamahal ay ang siya ring dahilan ng tuluyang paglihis ng tadhana.

***

"Kailangan natin siyang mahanap ngayon din... Ano pang inaantay niyo! Rapido!"

***

"Mag-ingat ka sa sasabihin mo sa kanya. Kailangan mong malaman ang buong istorya sa kanya kung saan makakasiguro kang hindi ka niya pagbubuhatan ng kamay."

***

"Kailan mo pa siya kilala? Maging tapat ka. At wari ko'y isa ka sa nakakataas na estudyante sa ilalim ng Padre Campillos."

***

"Napakadamot niyo."

***

"Ngayon na."

***

muwebles - furniture
magbunsod - trigger
panatalan - pier/porte
alibugha - irresponsible

Pasensya na at medyo maikli itong kabanata. Ilang kabanata nalang~

Continue Reading

You'll Also Like

2M 68.5K 53
Woke up in the ancient era frightened the hell out of her. But she has to make a choice : Let the real plot take place or try to change it. ••• His p...
312K 4K 21
This is not the official sequel.
386K 15.6K 137
Fern is the younger sister of a famous author known for 'The Promise Under The Moon.' At just fourteen, she was the first to read her sister's debut...