XV (Ikalawang Parte)

14 0 0
                                    


"Lising! Darating ka pala!"

"Sana nagsabi ka't nakapaghanda kami—"

"Ano'ng problema no'n?"

"Kailan pa tayo hindi nagkaproblema, Ando? Hayaan mo na. Baka pagbuntungan tayo,"

"Lising? May problema ba?"

Dire-diretsong nagmartsa si Kalesi sa kampo, walang kinikilala, walang binabati. Nakatuon lamang ng isip nito sa engkwentro nila ng binatang minsan nitong ikinalambot at ang tudla lamang nitong paroroonan na yilda ng pinuno ng kampo.

Ilang hakbang papasok ng yilda ng pinuno, "Lising," isa ang naglakas-loob na pumigil sa kay Kalesi. Hindi nagbago ang tingin ng dalaga nang makilala ang humablot sa kanyang siko. Isang mapamatay at matalim na tingin ang katapat ng mukhang nangungusap at nagpapahiwatig ng awa't lungkot.

"Hindi ko kailangan ng awa mo, Nikong." sinubukan nitong kumalas sa kapit ng binata. Sa halip na pakawalan ay inihila nito sa isang mahigpit na yakap ang dalaga, ulo sa dibdib at maingat na kamay sa dalaga.

"Alam kong nagkakagulo na lahat kung kaya't nais kong sabihin na mag-ingat ka. Kahit anong mangyari... sundin mo ang puso mo. Susuportahan kita kahit pa piliin mong umalis ng hukbo. 'Wag ka na magpapadala sa salita ng iba, Lising, maniwala ka na sa puso mo, pakiusap." sandaling natahimik ang dalaga. Nanatili sila sa ganoong posisyon.

Sa hindi kapani-paniwalang pagkakataon, hinalikan ni Nikong ang bunbunan ng binibini. Isang signo ng respeto sa isang binibini bilang binibini.

"Mag-ingat ka sa sasabihin mo sa kanya. Kailangan mong malaman ang buong istorya sa kanya kung saan makakasiguro kang hindi ka niya pagbubuhatan ng kamay." Saka lamang nito pinakawalan and dalaga at naglakad papalayo ng walang pasabi, iniiwan si Kalesi. 

Tulalang inilapat ni Kalesi ang kamay sa sariling bunbunan at saka lamang bumaon sa kanya ang ginawa't naging senaryo sa kababata. Hindi malabong mamula itong kamatis sa mga matang nakatutok dito. Sa kabila ng lahat ng titig, hindi maipinta ang tingin ni Manang Delia. Hindi mawari kung mapangungutya ba ang tingin ito o nag-aalala. 

Sa huli'y tinakpan na lamang ng dalaga ang mukha't nagmamadaling humakbang papasok ng yilda. Nagpakawala ito ng hininga dahil sa kahihiyahan at pag-init ng mukha, tila ba nakakalimutan ang idinayo sa kampo. Napasapo ito sa magkabilang pisngi.

"Namumula ka?" bungad sa kanya ang isang napakapamilyar na boses. Dumiretso ang tindig ng dalaga ngunit nanatiling tahimik.

"Maupo ka, Lising." ani Ca Kirong sabay unang naupo sa tapat ng isang mababaw na kawayang mesa.  "Sa ika-anim na araw na ang libing ng iyong—" naputol ang sasabihin nito nang walang pakundangang nag-demanda ang dalaga.

"Nais kong makita ang ama." Natahimik saglit ang pinuno, nakikipagtitigan lamang sa dalaga. Determindo ito at mukhang may patutunguhan sa kanyang mga salita; alam iyon ni Kirong. ''Wag kang bibigay, Kirong. May hukbo kang dapat ipanatiling buo.'

"Hindi maaari iyon sa ngayon, Lising,"

"Bakit? Nararapat lamang na masilayan ng isang anak ang binabanggit ninyong "yumaong" magulang sa papel na ito." Ibinagsak ng dalaga sa lamesita ang papel na hindi pa matutukoy na liham dahil sa kawalang-ingat na istruktura't pagpasa nito. Hindi ito binigyan ng tingin ni Ca Kirong at diretso lamang ang tingin sa alas nito. Huminga itong malalim.

'Hindi niya maaaring makita si Delirio.'

"Kasalukuyang—" bubuka pa lamang sana ang bibig ng pinuno upang magbato ng palusot sa dalaga ngunit naputol kaagad ito nang daganan ni Kalesi ang kanyang boses.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PrequelaWhere stories live. Discover now