XI

11 1 5
                                    

Mabilis na bumaba sa hagdan si Kalesi na para bang ay hinahabol kahit wala naman. Ang nagpakaba kay Esraela ay ang natural na pagiging makulit ng binibining binabantayan nito. At sa oras na may mangyari dito ay siya ang mapaparusahan. "Sandali lang, binibini! Magdahan-dahan kayo! Baka mahulog na naman ho kayo! Hindi pa tunay na magaling ang pilay niyo!" ngunit hindi ito pinakinggan ang dalaga at tila nagsasaya pang magpahabol sa dalagita. 

"Natural bang makulit ang binibini sa pang-araw-araw?" napatigil ito nang marinig ang pamilyar na tinig ni Kiandro sa likod. Nakasandal ito sa malaking pinto mula sa sala patungo sa silid-kainan. Nakakrus pa ang mga braso nito at nakangising nakatingin sa kaniya. Napaayos na lamang ito ng tayo sa harap ng binata at binati itong magandang umaga. Ngunit sa kabila no'n, ang nakikita lamang ni Kiandro ay ang ngiting pilit na tinatagong ng dalaga. 

Hindi man niya aminin ay naging masaya na ito sa puntong hindi niya inakalang mararating niya matapos ang pagsapi niya sa samahan. Sa kaalamang hindi na niya poproblemahin pa ang paghahanap sa munting ginoong una siyang umibig noon at sa palaisipan kung tatanggapin ba siyang buo nito sa oras na malaman niyang isa itong tulisan kung tawagin- wala na itong mahihiling pa matapos ang kaniyang layunin. Hindi na nito mapigilang ngumiti.

"Hindi naman po ganiyan kakulit ang binibini noong mga nakaraang araw. Sa tingin ko'y sadyang masaya lamang ngayon ang binibini." humarap si Kalesi sa dalagita at sinenyasan itong tumahimik. Ngumiti na lamang ng bahagya si Esraela rito bago muling bumaling ang tingin ng dalawa sa senorito. "Siguro nga." ngiting-aso nito saka naglahad ng kamay sa binibini.  

"Tara na sa hapag-kainan? Masarap ang almusal ngayon." napatitig na lamang si Kalesi sa binata dahil inaalala nitong baka mahuli sila ni Marcelino kung sakaling tanggapin nito ang kaniyang kamay. Batid din iyon ng binata ngunit hindi ito nagpatalo at kinuha ng sapilitan ang kamay ng dalaga at iginaya papasok ng silid-kainan. Noong una'y sinusubukan pa nitong magpumiglas pero napalitan ng taka nang makarating sa walang laman na hapag-kainan. 

Walang ibang naroroon kundi ang ilang mga tagapagsilbi na kakatapos lamang sa paghahain ng hapag-kainan. "Nasaan si Don Luis? Si Marcelino?" Napansin nito ang pagtahimikk ng binata habang iginagaya siya paupo sa upuan sa tabi ng upuan na pang padre de pamilya, at hindi ito tanga para hindi malaman kung bakit kaya tumingin na lang ito kay Esraela para sagutin ang kaniyang tanong. Buti na lang ay nakuha kaagad ito ng dalagita. 

"Ah, hindi daw ho muna makakauwi ang senorito Marcelino ng ilang araw dahil kinailangan daw po siya sa Maynila. Sumunod po doon si Don Luis kaninang umaga. Hindi na ho siya nakapagpaalam dahil kailangan niya raw hong makahabol." napatango na lamang ito sa tugon ng dalagita bago humarap sa platong nakahain sa harapan nito. Pasimple pa itong sumilip sa binatang patuloy lang sa pagkagat ng pandesal nitong pinalamanan nito at diretso ang ekpresyon. 

Napalunok si Kalesi pero nagpatuloy na lang sa pag-abot ng supot ng pandesal sa gitna nilang dalawa. Hindi pa nito nahahawakan ang supot ay inagaw na ito ng binata at inabot sa kaniya nang hindi na nito kailangan pang abutin. Ngunit walang nag-iba sa ekspresyon nitong diretso pa rin at hindi man lang binigyan ng tingin ang dalaga. Maging si Esraela;y ramdam ang lamig ng atmospera sa pagitan ng dalawa. 

"Ikaw ba? Hindi ka susunod kina Don Luis?" paninimula ni Kalesi sa panibagong paksa, nagbabakasakaling gumaan ang atmospera ngunit hindi pa rin ito binigyan ng tingin ng binata. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita kukulitin sa mga oras na wala ang kuya kong kasintahan mo." kita ang bahid ng pagkakairita nito sa kaniyang tono. Base na rin sa marahas na pagkagat nito sa pandesal na hawak. 

"Hindi naman gano'n ang nais kong iparating. Nais ko lang namang magtano-" naputol ang kaisipan nito nang makarinig ng isang mahinang boses na sumalubong ng pangalan ng binata. "Milandrino!" pumasok sa silid ang isang binibining may nakasabit na tampipi sa kanang braso at nakasuot ng isang kulay rosas na saya. "Binibning Catalina," salubong sa kaniya ni Kiandro na ngayo'y nakangiti na sa harap ng bagong dating na binibini. Napairap na lamang si Kalesi at siya naman ang napakagat ng marahas sa pandesal na hawak.

PrequelaWhere stories live. Discover now