V

22 1 0
                                    

"Libutin ninyo ang buong hacienda! Hindi maaaring mawala ang binibini! Walang titigil sa paghahanap hangga't hindi siya namamataan ng ninuman!" sigaw ni Marcelino sa pangatlong hukbo ng guardia personal sa hacienda.

Nitong umaga'y inilathala ni Esraela- ang pangunahing tagapagsilbi ni Kalesi- na nawawala ito sa kaniyang silid. Agad namang rumesponde si Marcelino at pinakilos ang lahat ng tauhang narorooon sa hacienda. Maging ang mga kasmabahay rin ay nakilahok na sa paghahanap dahil isang oras na rin ang nagulgol sa paghahanap sa nawawalang binibini.

Nagpalakad-lakad ito sa salas, kamao sa labi habang pinipigilan ang kabang dumadaloy sa kaniyang katawan. Habang tumatagal ay lumalaki ang paniniwala nitong maaaring kumalat na sa buong bayan ang pagkawala ng kapatid nito na sa ang binibini lamang nito pinagsabihan.

"Señorito? Ano ang kaguluhang ito?" Isang mahinhin na boses ang nagpapintig sa kaniyang tainga. Agad siyang lumingon sa silid-kainan kung saan nanggaling ang pamilyar na mahinhing boses na iyon.

Labis ang pagkatuwa nito nang lumabas mula doon ang dalaga. Agad itong nilapitan ng binatang heneral at hinawakan sa magkabilang siko nito. Sinuri nito ang dalaga sa anumang gasgas o sugat na maaaring natamo nito ngunit putik at tuyong dahon sa sayang suot nito lamang ang kaniyang namataan.

Nagpakawala ito ng malalim na hininga nang wala namang nakitang gasgas o kahit ano sa katawan ng dalaga maliban sa bahid ng putik sa pisngi nito. Matagal-tagal rin niya itong pinagmasdan, nag-da-dalawang-isip kung ito ba'y papahidan niya. Bago pa man ito makapagdesisyon ay napansin na ng dalaga ang pagtitig nito sa kaniyang pisngi kung kaya't nagkusa na itong punasan ang sariling mukha gamit ang kamay.

"Saan ka ba nanggaling, Kalesi? Nag-alala ang buong hacienda!"

"H-Hindi ko naman sinasadya. Naisipan ko lamang na libutin ang hacienda noong naalimpungatan ako kaninang madaling-araw. Marahil ay napapikit ako sa likod ng lawa. P-Pasensiya na." Wala naman nang nagawa ang binaatang heneral kundi titigan ang dalaga. Halos atakihin na ito noong maging malinaw sa kaniya ang nailathala ni Esraela na nawawala ang binibini dahil sa oras na mawala ito sa larawan, lalaki ang problema hindi lamang ng pamilya kundi siya mismo. Mapipilitan siyang maipakasal sa binibining Diaz kung hindi lamang sa palabas na ito.

"Mabuti pa'y mag-ayos ka na bago pa makita ni ama ang suot mong maduming saya ni ina. Esraela!" mula sa labas ng mansyon, dali-daling tumakbo paloob ang dalagitang tagapagsilbi. Hingal itong huminto sa tapat ng dalawa.

"Naku, binibini! Akala ko ho'y kung saan na kayo nagpunta! Saan ho ba kayo naroon?" Sa halip na tumugon sa sagot ng dalagita ay hiyang napangiti na lamang si Kalesi. "Esraela, gabayan mo na ang binibini para sa aming patutunguhan ngayong araw." seryosong utos nito sa tagapagsilbi. Kita rito ang matalim na tingin na binibigay sa dalagita. Nang tumingin naman si Kalesi kay Esraela ay kita rin ang kaba sa ekspresyon nito habang nagbibigay-galang ito sa señorito.

Iginaya siya nito paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon ngunit lumingon ito muli sa binata. "Ano iyon, binibini? Mayroon ka bang nais?" Nag-dalawang-isip pa ang dalaga sa pagsambit ng nais nitong ipakiusap sa señorito ngunit kalauna'y linakasan rin ang tinig. "Nawa'y huwag mong parusahan si Esraela sa pagkakamali ko. Hindi naman niya kasalanang hindi ako nagpaalam na maglibot sa hacienda," lumambot ang ekspresyon ng binata sa pakiusap ng dalagang nagmadaling tumalikod matapos sabihin ang nais iparating.

"Kalesi," natigilan ito nang marinig ang pangalan mula sa labi ng binata. Napapikit ito ng mariin, bahagyang nagsisisi sa sinambit. Ngunit ano'ng magagawa niya? Sigurado itong mapaparusadahan si Esraela dahil ito ang pangunahing tagapagsilbi nito, at hindi naman niya nais na mayroong managot sa kagagawan niya mismo kaya lamang niya iyon naisaboses kay Marcelino.

PrequelaWhere stories live. Discover now