My Quarantine Girl

By UnoNimusS

139K 763 139

SPG 🔥 For 18+ only 💦 More

My Quarantine Girl I
My Quarantine Girl II
My Quarantine Girl III
My Quarantine Girl IV
My Quarantine Girl V
My Quarantine Girl VI
My Quarantine Girl VII
My Quarantine Girl IX
My Quarantine Girl X
My Quarantine Girl XI
My Quarantine Girl XII
My Quarantine Girl XIII
My Quarantine Girl XIV
My Quarantine Girl XV
My Quarantine Girl XVI

My Quarantine Girl VIII

3.6K 40 4
By UnoNimusS


Chapter VIII:

LOU'S POV:

Gustong-gusto ko malaman ni Alex ang totoo, dahil gusto ko na mag-bago ang tingin niya sa Papa niya..

Pero sa ngayon sarado pa ang isip niya sa mga bagay na yon..

"San mo nanaman ako dadalhin?" takang usal niya nang sumakay kami ng kotse mula sa bahay ni Lucille

"Sa Papa mo.."

"A---ano???"

"Diba gusto mo malaman yung pinag-usapan namin? Panahon na para malaman mo.."

"Lou pwede ba? Itigil mo na 'tong mga kalokohan na 'to!"

"Kalokohan?? Ito ang gusto mo diba?"

Seryosong usal ko sakanya at tiningnan siya ng diretso..

"Lou..."

"Alex ginagawa ko 'to para sayo, tahimik ang buhay ko noon nang hindi pa kita nakikilala.."

"Bakit? Sinabi ko bang gawin mo lahat ng 'to?! Sinabi ko ba na 'Lou hanapin mo naman anh lugar kung saan ako dinala at kinulong ni Lucille' sinabi ko ba na 'Lou makipag-usap ka kay Papa at alamin ang lahat sakin' hiniling ko ba yon?! Ni-hindi mo nga sinabi sakin na naka-punta ka na sa lugar na 'to! Na nag-uusap kayo ng Ama ko! Tama bang ilihim mo lahat ng yon sakin Lou?!"

"Ayoko lang mapahamak at mawala ka.."

"Lou mas ayoko mawala ka! Naisip mo ba?! Narinig mo ba yung sinabi ng babae kanina?! Gusto niyang mawala ka sa plano niya!!"

"Bakit Alex?! Hahayaan mo ba mang-yari yon?"

Hindi siya sumagot at huminga lang ng malalim..

"Ganon ka ba talaga ka-duwag Alex?" seryosong usal ko

"Umuwi na tayo..."

Hindi ko siya sinagot pa, mabilis kong pina-andar ang kotse niya at dinala siya sa bahay ng Papa niya..

"Tara na.." usal ko nang makarating kami dito

"Ayoko.."

"Bababa ka o kakaladkarin kita?!" pananakot ko sakanya

Tiningnan niya lang ako ng masama ngunit wala siyang magawa, napaka-duwag talaga..

Pag-doorbell namin ay agad kami pina-tuloy ng kasambahay at pina-upo sa sala..

"Tingnan mo? Mas welcome dito sa bahay ng Papa mo.." usal ko sakanya

"Tssss.." pagsu-suplado niya

"Sa Lolo mo kailangan pa mag-hintay sa garden, parang hindi ka Apo.."

"Lou... Iha???" bungad ng Papa ni Alex at agad naman akong tumayo para salubungin ito

"Ahhhh--- Sir pasensya na--"

"Sir? Tito nalang.." tugon ng Papa niya

"Ahhh-- Tito Alex, pasensya na kung gabi na at na-istorbo pa namin kayo.."

"Wala yon, may problema ba?" nag-aalalang usal nito habang naka-tingin kay Alex

😑😑😑😑😑

Samantalang si Alex naka-upo lang sa sofa habang abalang naka-tingin sa malayo at tila walang paki-alam na andon na ang Papa niya..

"Hmmmm Tito, nang-galing kami sa bahay ni Lucille.." nahi-hiyang usal ko

Agad ako nitong tiningnan at halatang-halata ang pagka-gulat niya sa sinabi kong yon..

"A---anong ginawa niyo don?" tila kinabahan na tugon nito

"Dinala ko po si Alex doon para maalala at malaman na niya ang lahat, pero--"

"Pero may dumating na kung sino, isang babae na ang pangalan ay Kers at gusto siyang tapusin.." usal ni Alex dahilan para matigilan ako

Bigla siyang tumayo at nilapitan ang Papa niya, tini-tigan niya ito na para bang ibang tao sakanya..

"At ako? Kasama ka, tayong dalawa.. gusto niyang pag-higantihan.." seryosong usal ni Alex habang nakiki-pagtitigan siya sa Ama niya

"Hindi na tayo ligtas dito.." nag-aalalang tugon ni Tito

"Ano bang sina-sabi mo? Dinamay mo pa talaga si Lou sa kalokohan mo?!"

"Alex!!" suway ko sakanya

"Kailangan na natin umalis, sigurado akong alam na ni Kers na andito kayo.." takot na usal ng Papa niya

"Pero Tito, hindi niya pa alam na kilala na siya ni Alex.." tugon ko

"Lou Iha, nata-takot ako para sa mga Anak ko.."

😞😞😞😞😞

"Ano pong plano niyo?" nanghi-hinang usal ko

"Aalis kami dito, isasama ko kayo ni Alex.."

"Te---teka! Anong isasama? Ako? Si Lou??" takang usal ni Alex

"Delikado ang buhay ni Lou, at ayokong mapahamak ka pa uli Alexander.." tugon ng Papa niya

"Delikado?? Teka lang, baka naka-kalimutan mo na ikaw ang dahilan bakit naging delikado ang buhay ko noon.."

"Alex..." suway ko sakanya

"Lou wag kang maki-alam.." seryosong usal niya sakin

"Ikaw ang dahilan bakit nang-yayari lahat ng 'to, bakit lumaki akong ganito, at kung bakit halos gabi-gabi pina-patay ako ng kabit mo sa panaginip ko!" naiiyak na usal ni Alex sa Papa niya

"Alexander.."

"Yan?! Yang pangalan na yan?! Yan ang pangalan na ayoko marinig noon pa! Dahil pangalan mo yan! At kina-mumuhian kita.."

"Alex!!" suway ko sakanya

"Ano Lou?! Kakampihan mo siya?! Bakit?! Kerida ka rin ba niya?!" galit na galit na usal niya

"Hindi na tama ang sinasabi mo.."

"Anong tama Lou?! Ano bang alam mo!! Ano bang nalalaman mo?! Mag-salita ka!! Sabihin mo ngayon!! Wag niyo na 'ko pag-laruan!!"

"Alex hindi ka namin pinag-lalaruan.."

"Lou sabihin mo na!! Buong buhay ko nagi-gising ako na takot sa nakaraan! Ngayong ikaw ang susi para malaman ko ang mga bagay na hindi ko alam, please... Lou please..." umiiyak na usal niya

"Wag mo na itago.." pagmamaka-awa niya sakin

😳😳😳😳😳

Natigilan kaming tatlo nang marinig namin ang putok ng baril sa labas ng bahay nila!!

"Dapa!!!" malakas na sigaw ni Tito Alex

Agad ako tinulak ni Alex, dumapa siya at pinatungan ako!!

"Shet!" dinig kong usal niya habang naka-protekta ang katawan niya sa akin

"Wag kayong bababa!!" sigaw ni Tito Alex na alam kong ang pinararatingan niya ay ang mag-Iina niya na nasa ikalawang palapag ng bahay

Matagal bago natapos ang pamamaril sa bahay nila Tito alex!!

"Alex!! Okay ka lang??" nag-aalalang usal ko nang hindi ko na maramdaman ang pag-hinga niya

Hindi siya sumagot kaya naman kinabahan ako..

"Alex!! Alex ano ba?!" naiiyak na usal

"Wag ka ngang maingay!" suway niya sakin

Maya-maya pa ay huminto na ang pamamaril, agad na tumayo ang Papa niya at siniguradong ligtas ang Mag-Iina niya na nasa taas..

Tumayo kami ni Alex, tiningnan niya ang buong bahagi ng katawan ko..

"Ayos ka lang? Walang masakit sayo?" nag-aalalang usal niya

"Wa---wala.."

"Okay.." tipid na tugon niya

"Lou! Tara! Sumunod kayo samin!" usal ng Papa niya habang pababa ito ng hagdan

"Ser!! Mga armado sila! Dalawang sasakyan ang huminto sa harap ng bahay at tsaka pinagba-baril tayo!" usal ng gwardiya nila Tito Alex

"Si---sino ba sila?" takang usal ni Alex

"Hindi pa natin alam.." seryosong tugon ko

"Mang Melchor paki-handa na ang sasakyan, luluwas tayo ng Bicol! Yaya Eseng yung mga bata! Mag-impake kayo ng ilang damit lamang!" nag-aalalang usal ng Papa ni Alex

"Umuwi na tayo.." usal ni Alex sakin

"Tingin mo ligtas pa tayo dito?"

"Lou wag na matigas ang ulo mo.."

"Alex ngayon mo pa ba ako iiwan?"

"Kaya nga sabi ko umuwi na tayo, TAYO.."

"Sasama ka Alexander sa ayaw at sa gusto mo.." seryosong usal ng Papa niya

"Hindi ako pwede umalis, may trabaho ako dito, at isa pa hahanapin ako ni Mama.."

"Si Kers at si Gabby ay iisa, at Anak ko siya.." seryosong sinabi ni Tito Alex

Dahilan para matigilan si Alex at maguluhan lalo..

"Paanong---"

"Mahabang kwento, sumama ka sakin, at sasabihin ko ang lahat sayo.." paliwanag ng Papa niya

"Kaya pala kilala ko ang boses na yon.." bulong ni Alex sa sarili niya

"Boses nino?" takang usal ko

"Boses ng babaeng tina-tawag nilang Kers.."

"Boses ni Gabby, hindi ba?"

"Lou..." hindi maka-paniwalang usal niya

"Maniwala ka na kasi sakin Alex, hindi kita ipapahamak.."

"Pero bakit--"

"Bakit ang bait niya sayo? Bakit tinulungan ka niya? Alex lahat yon pakitang tao lang para makuha niya ang loob mo.." paliwanag ko

"Kaya ba gusto niya mag-therapy ako?"

"Yung therapy na yon, mas pina-palala lang ang kalagayan mo.."

Huminga siya ng malalim at halos hindi maka-paniwala sa totoong pagka-tao ni Gabby..

"Yung gamot na bini-bigay niya sayo? Drugs yon, kaya minsan madali mag-init ang ulo mo, bini-bigyan ka niya ng hallucination mula sa nakaraan mo.." paliwanag ko

"Kaya pala nagalit siya nang huminto ako sa therapy na yon.."

"Kasi unti-unti nasisira ang mga plano niya.."

"Lou!! Tara na..." usal samin ng Papa niya

"Halika na.." aya ko kay Alex

"Paano ako? Wala akong dalang kahit na ano.."

"Bibili nalang tayo ng mga damit don, mahalaga malayo muna tayo kay Kers.."

Medyo nalilinawan na si Alex kaya hindi na siya kumontra pa at sumama na kami sa Papa niya..

Iniwan namin ang kotse niya at sumabay nalang sa sasakyan ng Papa niya..

Dalawang Van kami kasama ang mga kasambahay, driver at mga gwardiya..

Mahaba ang biyahe kaya naman naka-tulog si Alex sa balikat ko..

"Lou salamat sa pag-ligtas kay Alex.." usal ng Papa niya sa akin habang nasa biyahe kami

"Wala yon Tito.."

"Daddy kailan tayo uuwi sa bahay?" tanong ng nakaba-batang kapatid ni Alex

"Pag-ayos na ang lahat Paul Anak.." paliwanag ng Papa nila

"Dad, bakit bina-baril nila tayo?" takang tanong ng panganay na kapatid ni Alex sa Step-Mom niya

"Sam, wag na muna maraming tanong, pagod na ang Daddy niyo.." tugon ni Tita Mau na Step-Mom ni Alex

"Hmmmmm.." usal ni Alex sabay yakap sa akin

"Tulog ka ba talaga?" bulong ko sakanya

Hindi siya sumagot, kaya naman tini-tigan ko nalang ang mukha niya..

Napaka-amo ng awra niya habang natu-tulog siya, akala mo ay walang gagawing kalokohan..

Napaka-pula ng mga labi niya, at mahahaba ang pilik-mata niya, ang cute niya pala at ang sarap titigan..

😊😊😊😊😊

"Ate anong pangalan mo?" usal sakin ng kapatid na babae ni Alex

Dahilan para matigilan ako na pagmasdan siya..

"Ahhhh-- Hi.. Ako si Ate Lou.." naka-ngiting tugon ko

"Ang ganda mo naman po Ate Lou.." malambing na usal nito sakin

"Mas maganda ka baby, anong pangalan mo?"

"Maui Winter L. Yrastoroza po.."

"Ang cute mo naman baby Maui.."

"Thank you po.."

"Matulog na muna kayo mga Anak, bukas na tayo mag-usap tulog na ang Kuya Alex niyo.."

"Opo Daddy, sorry po.." malambing na tugon ni Maui

Ang cute ng mga kapatid ni Alex, masayahin sila, madadaldal at mababait, opposite ng ugaling meron si Alex..

😊😊😊😊😊

Pero kahit ganon, gusto ko pa rin siya..

At si Alex lang ang paborito ko sa trilyon-trilyong tao sa mundo..

Naka-tulog na rin ako at hinayaan kong naka-yakap lang si Alex sakin..

😴😴😴😴😴

"Good morning! Gising na kayo, malapit na tayo.."

Masayang bungad ng Papa ni Alex at agad naman akong nagising..

Agad ko tiningnan si Alex dahil tila hindi siya gumalaw at naka-yakap pa rin sakin..

Naka-tingala ang mukha niya sakin, at ang sarap niya talagang titigan..

😊😊😊😊😊

"Lou? Ikaw na ang gumising kay Alex ah?" usal ni Tito Alex sakin

Nagulat ako kaya naman agad ko tinuon ang tingin ko sa paligid...

"O--opo Tito.." nahi-hiyang tugon ko

Nagising na ang mga kapatid niya kaya naman inumpisahan ko na gisingin siya..

"Alex..." bulong ko sakanya

"Huy gumising ka na, malapit na raw tayo.."

"Hmmmmm..." inis na tugon niya

"Ayaw mo iiwan kita dito! Kukunin ka ni Lucille!" pag-bibiro ko

"Lo--u...."

"Gising na kasi..."

"Hmmmmm..."

"Isa, iiwan talaga kita.."

Nagulat ako nang idilat niya ang isang mata niya at tiningnan ako..

"Gagawin mo?" seryosong usal niya

"Ang alin?"

"Iwan ako.."

"Oo, ayaw mo gumising eh.."

"Tsss hindi ako naniniwala.." mayabang na tugon niya at muling pumikit

😑😑😑😑😑

"Isa.... gising na mga kapatid mo ohh.."

"Hindi mo ako iiwan.." naka-ngiting usal niya

"Paano mo naman nasabing hindi?"

Dumilat siya at umupo ng maayos, nag-ayos siya ng buhok at sarili niya..

"Kasi kung iiwan mo ako, sana kagabi pa.."

Natahimik ako sa sinabi niyang yon..

😊😊😊😊😊

Buti naman at alam niya..

"Malay mo iwan na kita ngayon.." pag-bibiro ko

😳😳😳😳😳

Agad na nanlaki ang mga mata ko at halos man-lamig ako nang hawakan niya ang kamay ko na para bang wala kaming ibang kasama..

"Hindi mo ako iiwan, kasi dahil sayo magiging matapang ako.." seryosong usal niya

"A---Alex.."

Tiningnan niya ako ng derecho at mas nawala ako sa sarili ko..

"Kagabi ko napatunayan sa sarili ko na mas nakaka-takot palang mawala ka.."

☺️☺️☺️☺️☺️

Hindi ko alam ang isa-sagot sa sinabi niyang yon...

"At kung ano man ang totoo sa nakaraan ko, hindi na mahalaga sakin ngayon yon Lou.."

"Ahhhhh--- Alex..."

"Yung mahalaga kasama na kita ngayon at sa bawat bukas ko.." seryosong usal niya

Ngayon ko lang nakita na ganito ka-seryoso ang mukha niya habang pinararamdam sakin na mahalaga ako at kailangan niya ako..

"Ta---takot ka nga eh.." pag-iiba ko

"Bukod kay Lord, sayo nalang ako takot, takot akong mawala ka.."

☺️☺️☺️☺️☺️

Aaminin ko, kini-kilig ako sakanya..

"Takot ka kaya kay Lucille.." pigil ngiting usal ko

"Kahit ilang Lucille pa ang makita ko, basta hawak ko ang kamay mo Lou, hindi na ako mata-takot pa.."

😳😳😳😳😳

Alex... Ano bang mga sinasabi mo? Nakaka-hiya sa Papa at mga kapatid mo..

😖😖😖😖😖

Haayyyyy...

Pinag-papawisan ako sakanya, pero gusto ko ang mga naririnig ko mula sa labi niya..

♥️

"Kaya mula ngayon may invisible string na nagta-tali sa kamay nating dalawa, hindi mawawala yon, hindi ka na mawawala sakin.."

Seryosong usal niya, wala talaga akong masabi at mai-sagot sakanya..

"Mag-salita ka naman.." usal niya pa sakin

"Ahhhh---ha??? Si---sige.." wala sa sariling tugon ko

"Yon lang?"

"Ehh anong isa-sagot ko?"

Hindi na siya sumagot pa at parang nainis sakin..

"Huy..." bulong ko sakanya

"Hmmmmm..."

"Wag mo naman ako supladuhan.."

"Sige.."

"Ito naman, ehh kini-kilig kasi ako sa mga sinabi mo, paano ba 'to?" nahi-hiyang bulong ko sakanya

Ngumiti lang siya sa sinabi kong yon..

"Ano? Bakit pangiti-ngiti ka?" nata-tawang usal ko sakanya

"Hmmmmm?" tipid na tugon niya

"Bakit ka nga ngumiti?"

"Masama ba?"

"Masamang? Ano?"

"Kiligin rin.."

🥰🥰🥰🥰🥰

Parang sira talaga 'to.. Nakaka-hiya sa Papa niya..

"Lou, andito na tayo.. Sumunod nalang kayo ni Alex ha?" usal ng Papa niya sa akin

"Sige po Tito.."

"Mga Anak tara na, kanya-kanyang dala ng gamit ha?" paalala ni Tita Mau sa mga kapatid ni Alex

Maya-maya pa ay huminto na ang sasakyan at nauna nang bumaba ang mga kapatid niya..

"Lika na.." pag-aya ko sakanya

Hindi siya suma-sagot at tila nagbi-bingi bingihan..

"Alex ano na?" usal ko uli sakanya

"Ayaw mo talaga?" medyo inis na pag-uulit ko

Kumilos na ako at kinuha ang bag ko, pababa na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kaliwang pulsuhan ko..

"Ano?" inis na usal ko pag-lingon ko sakanya

"Gusto mo ba ako?" seryosong usal niya

"Ahhh---ha? A---Anong pinag-sasabi mo?" nahi-hiyang pag-tanggi ko

"Kasi kung gusto mo ako, liligawan sana kita.."

"Alex.."

"Lou oo o hindi lang.."

"Kung iniisip mo na gusto kita dahil andito ako kasama ka--"

"Oo o hindi lang Lou.."

"Hi--hindi.."

😖😖😖😖😖

Hindi nalang ang naisagot ko..

"Hindi?" takang usal niya

"Hi--hindi.." pag-uulit ko

"Hindi talaga?"

"Hindi nga, andito ako kasi kaibigan mo ako.."

"Kaibigan?"

"Oo, kaibigan.." pagli-linaw ko

"After ng ilang halik? Ilang yakap? Kaibigan?"

"Alex..."

"Lou anong feelings meron ka?" inis na usal niya

"Bakit ikaw mahal mo ba ako?"

Hindi siya naka-sagot..

"Narinig mo ba ang sarili mo? Liligawan mo lang ako kung gusto kita, ibig sabihin walang kasiguraduhan yang nararamdaman mo para sakin.." seryosong usal ko

"Hindi totoo yan Lou.."

"O baka si Gab pa rin ang mahal mo, ako lang kasi ang nandito.."

"Lou.."

"Tara na.." mataray na tugon ko

Hinila ko ang kamay ko at nabitawan niya yon..

Agad akong bumaba ng sasakyan at hindi muna siya kinausap..

😏😏😏😏😏

Totoo naman eh, kung mahal niya ako sana noon pa niya naisipan ligawan ako..

Hindi yung tatanungin niya pa ako kung gusto ko siya tapos tsaka niya lang ako liligawan..

Anong klaseng lalaki siya??

😢😢😢😢😢

Agad ako sumunod sa Papa niya, napaka-lawak ng lupain nila, at napaka-laki ng bahay na naka-tayo sa gitna ng mala-haciendang lupain na 'yon..

"Dito ako lumaki Lou Iha, noong nag-aaral pa ako.." masayang kwento ni Tito Alex sa akin habang papasok kami sa loob ng mansion nila

"Sa mga magulang niyo po ito?" namamanghang tugon ko

"Ilang hectarya oo, pero noong nag-sama kami ng Mama ni Alex tsaka ko binili ang mga lupa na kalapit nito.."

"Ganon po Tito? Sobrang negosyante niyo po pala talaga mag-isip.."

"Nako Lou, hindi naman, pangarap ko kasi na mag-karoon ng sariling palaruan si Alex noon kaya pinilit kong palakihin ang lupain na 'to..

"Napaka-laking palaruan naman po ng balak niyo?" takang usal ko

"Dito ko noon gusto mag-settle, pero hindi natuloy dahil sa Lolo niya, mas gusto kasi ni Papa' Ama ng Mama ni Alex na sa Manila kami manirahan.."

"Bakit po?"

"Para mabantayan, mamanduhan, mapa-ikot.."

"Hindi po ba tumanggi ang Mama ni Alex?"

"Takot rin siya sa Papa' niya, pareho kaming sunod-sunuran.."

Tila nalungkot si Tito Alex sa mga bagay na yon, kaya naman iniba ko agad ang usapan..

FAST FORWARD...

Hinatid muna kami ng mga kasambahay sa kanya-kanya naming kwarto para mag-pahinga at mag-ayos, hindi ko kasama si Alex..

Tanghalian na nang bumaba kami sa sala nila para kumain, tahimik ang lahat at seryoso..

Tini-tingnan ko si Alex pero magka-salubong ang mga kilay niya..

Hayyyy bakit parang siya pa ang galit?

"Hmmmm!" pag-basag ni Tito Alex sa katahimikan

"Mukhang seryoso ata ang lahat ah?" usal uli ng Papa niya

"Eh Dad pagod pa po kami.." tugon ni Sam

"Gusto niyo bang mag ATV?!" masayang pag-aaya ng Daddy nila

"Dad bukas nalang, pagod pa tayo.." tugon ni Tita Mau

"Okay sige, mamayang gabi maaga kayo matulog mga Anak, dahil bukas na bukas mag i-ATV tayo!!"

"Yehey! Dad sama po ako ha?" masayang tugon ni Paul

"Oo naman! Pati si Kuya Alex kasama.." masayang usal ni Tito Alex

Tiningnan ko naman si Alex pero tahimik lang siya at walang imik..

"Kuya kasama ka ah?" pag-aaya ni Sam sakanya

Tumango lang siya at pilit na ngumiti..

Dama kong nahihirapan si Tito Alex i-reach out si Alex dahil sa matigas pa rin ang loob nito, pero naniniwala ako na maaayos din ang lahat..

Alam kong darating ang araw na maiintindihan niya ang Papa niya at malalaman niya ang katotohanan sa likod ng mga pang-yayari..

ALEX/UNO/SHIN's POV:

Gabi na pero hindi pa rin ako ina-antok..

Iniisip ko yung sinabi ni Lou, na kaibigan lang ako sakanya..

Kaibigan? Talaga?

Matapos ko siyang halikan? Matapos niya akong halikan? Matapos ng mga muntik nang may mangyari samin?

Kaibigan lang? Kaibigan lang yon?

😣😣😣😣😣

Ewan pero nasaktan ako nang sabihin niya yon..

Alam kong gising pa siya, nari-rinig ko ang boses niya sa kwarto ko dahil nagka-karaoke sila kasama ang mga kapatid ko at si Tita Mau sa sala, malamang andon rin si Papa..

Nakaka-inggit ang saya nila..

Pero hindi ako nai-inggit! Never!

🙄🙄🙄🙄🙄

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto ko, agad kong binuksan yon at...

"Señorito Alex ito na po ang gatas niyo.."

😴😴😴😴😴

Akala ko naman si Lou na, si Manang lang pala..

Ewan pero umaasa akong aakyat si Lou dito at hihingi ng pasensya sa mga nasabi niya kanina..

Antok na ako, pero gusto ko makita si Lou bago ako tuluyan matulog..

Hindi ako maka-tiis kaya naman binaba ko sa kusina ang baso na pinag-inuman ko ng gatas..

Pa-simple kong tini-tingnan si Lou, pero masaya siyang nakikipag-tawanan sa mga kapatid ko..

Hindi man lang niya ako napansin na dumaan..

Agad ko nilapag ang baso sa kusina, tina-tanaw ko siya pero busy siya mag-hanap ng kanta sa song book..

Ano ba naman siya? Bakit hindi man lang niya ako tingnan kahit saglit??

Pabalik na ako ng kwarto..

Dumaan uli ako sa gilid nila pero wala ni isang bumati sakin..

"Hmmmmm!" pag-papapansin ko

Pero hindi pa rin ako nilingon ni Lou..

😣😣😣😣😣

"Alex..."

😳😳😳😳😳

"Anong oras pala tayo bukas?" usal ni Tita Mau kay Papa

😖😖😖😖😖

Akala ko ako na ang tinawag!

"Maaga kaya mag-pahinga na kayo.." tugon ni Papa

"Oh mga bata hanggang 10pm lang.."

"Opo Mommy!!" tugon ng mga kapatid ko

Hindi na ako nag-tagal pa at umakyat na ako uli sa kwarto ko..

Hindi ako maka-tulog, hindi pa rin maalis sa isip ko si Lou..

😖😖😖😖😖

Hindi ko kaya na hindi siya maka-usap, ayokong matulog na galit siya o masama ang loob niya sakin..

Bumangon ako at balak kong puntahan siya..

😳😳😳😳😳

Agad akong nagulat pag-bukas ko ng pinto ng kwarto ko..

"Pa--Papa?" gulat na usal ko

"Alexander.." naka-ngiting tugon ni Papa

"Ba---bakit po?"

"Wala Anak, titingnan ko lang sana kung tulog ka na.."

"Hmmmm..." tipid na tugon ko

"Pwede ka bang maka-usap?"

"Ngayon na po?"

"Oo sana, mukha namang hindi ka pa ina-antok.."

"Si---sige po.."

Bumaba kami ni Papa at sinama niya ako sa labas ng bahay..

"Kamusta ka? Hindi ka ba natakot kagabi?" bungad niya sakin

"Natakot.."

"Halika, maupo ka sa tabi ko, hindi ba ito ang paborito mong tambayan noong bata ka pa.."

Tini-tingnan ko lang si Papa habang naka-upo siya sa duyan na pang-bata..

Lumapit ako sakanya at umupo sa seesaw na katapat ng duyan..

"Bakit gusto tayo pag-higantihan ni Gabby?" pag-iiba ko

"Isa lang ang alam ko Anak, pero ayokong malaman mo, ayoko sumama ang tingin mo sa Lolo mo.."

"Kay Lolo? Ano namang kinalaman ni Lolo?"

"Si Lucille? Si Gabby? Si Kers? Lahat sila konektado sa buhay ko.." seryosong usal ni Papa

"A---anong ibig mo sabihin?"

"Si Gabby? At si Kers ay iisa.."

"Naguguluhan ako.."

"Siya si Gabrille Kers Escueta.. Escueta dahil inampon siya ni Don Ronaldo Escueta.."

"Si Don Ronaldo? Siya, siya ang Amo ko.." usal ko kay Papa

"Isa siyang mayaman na negosyante, kasabayan ng Lolo mo at matalik na kaibigan nito.."

"Paano naman nangyari na masama sila sa mga nangyayari satin ngayon?" takang tugon ko

"Si Lucille.. Siya ang unang Asawa ko.."

😳😳😳😳😳

Nagulat ako at halos hindi maka-paniwala sa sinabing yon ni Papa..

"A--asawa?" takang usal ko

"Nauna ko siya nakilala bago ang Mama mo Alex.."

"Pe--pero.."

"Dalaga ang Mama mo noon, may nobyo siya nang magka-kilala kami at yon ang Tito Bill mo.."

"Paano--?"

"Alam kong magulo Anak, pero panahon na para malaman mo ang totoo.."

Tumahimik ako at hinayaan kong si Papa lang muna ang mag-salita, binuksan ko ang isipan ko at sisikapin kong unawain ang lahat ng mga sasabihin niya..

"Buntis si Lucille ng mga panahon na yon, kasabay non ang pangangailangan ko ng pera para pang-opera sa Ama ko.." panimula ni Papa

"Nakilala ko ang Lolo mo na si Señor Matteo Guevarra ang Ama ng Mama mo, isa siyang sikat at magaling na Doctor, halos lahat sila sa pamilya nila ay nag-aral ng medisina kaya naman Doktora rin ang Mama mo, bukod don kilala ang Lolo mo dahil isa siyang mayaman at kilalang Negosyante sa Bansa.."

"Nakilala niya ako nang mamasukan ako sakanya, malaki ang tiwala ni Señor Matteo sakin, hanggang sa dumating ang araw na kinailangan ko ng lubos ang tulong niya.."

"Hindi siya nag-dalawang isip na tulungan ako at agad na inoperahan niya ang Magulang ko.."

"Mabait talaga si Lolo.." tugon ko

"Pero hindi ko inaasahan ang kabayaran na hihingiin niya mula sakin.."

"Kabayaran?" takang usal ko

"Oo Alex, at yon ay ang pakasalan ang Mama mo.."

"Te--teka.. sina-sabi mo ba 'to para mawala sa isip ko ang pang-bababae na ginawa mo kaya iniwan mo kami?"

"Anak hindi, hindi ako kailanman nambabae.."

"Pero yon ang dahilan bakit kayo nag-aaway ni Mama, kung bakit kayo nag-hiwalay, at kung bakit ako nag-layas..." usal ko

"Yon ang alam mo, dahil yon ang sinabi nila sayo.."

"Pero naki-kita kitang umaalis at hindi umuuwi ng bahay.."

"Umaalis ako dahil pino-protektahan ko kayo ng Mama mo kay Lucille.."

"Pino-protektahan? Akala ko ba Asawa mo siya? Bakit ang gulo? Ba---"

"Ang pakasalan ang Mama mo ang kabayaran na hiningi ni Señor Matteo sakin bilang kapalit ng buhay ng Ama ko, ako ang napili niya dahil sa sipag ko at loyalty sa trabaho.." paliwanag ni Papa

"Alex, buntis si Lucille nang pilit ako ipakasal ng Lolo mo sa Mama mo, at dahil malaki ang utang na loob ko sa Lolo mo sinunod ko ang kagustuhan niya.."

"Kahit hindi mo talaga mahal si Mama?" naiiyak na tugon ko

"Pinag-tangkaan ng Lolo mo ang buhay ni Lucille at ng magiging Anak ko, ayoko mawala sila kaya sa takot ko pinili kong sundin ang Lolo mo.." malungkot na paliwanag ni Papa

"Pero si Tito Bill? Hindi ba sabi mo nobyo siya ni Mama?"

"Ayaw ng Lolo mo kay Billmore, at wala rin siyang nagawa dahil mayaman at maka-pangyarihan ang Lolo mo, lahat nadadaan niya sa pera, kaya pinilit na ipag-kasundo ako sa Mama mo.."

😣😣😣😣😣

"Nawala na parang bula si Bill noon, at di katagalan nabuo ka namin ng Mama mo.." dagdag pa ni Papa

"Nabuo ng di sina-sadya ganon ba Pa?" nagpi-pigil ng luhang usal ko

"Mahal ko ang Mama mo Alex, mahal ko si Quine, natutunan kong mahalin siya lalo na noong dumating ka Alex sa buhay namin.."

"Kaya ba ganon nalang kadali sayo nang iwan mo kami noon?" umiiyak na tugon ko

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa harap ni Papa..

"Limang taon ka, bumalik si Lucille sa buhay ko, at don nalaman ko na nag-suffer siya ng postpartum depression matapos niyang ipanganak ang Anak namin at yon si Gabby.."

"Mula nang manganak siya hindi na niya ako nakita muli, nilayo ako ng Lolo mo sakanila, binuhay niya si Gabby ng mag-isa, at hindi ko alam na matindi pala ang pinag-dadaanan ng Anak kong si Gabby kay Lucille dahil tuluyan nang nawala ito sa tamang kaisipan.."

"Hindi maga-gawa ni Lolo yon.." di maka-paniwalang usal ko

"Kaya noon tuma-takas ako sa Mama mo para bigyan ng sustento si Lucille at Gabby, pero pilit akong sina-sakal ng Lolo mo, sinisiraan niya ako sayo at sa Mama mo.." naiiyak na paliwanag ni Papa

"Pero mabait si Quine, nang malaman ng Mama mo ang totoo siya na ang kusang nag-padala ng tulong sa Mag-Ina ko.." dagdag pa ni Papa

"Alam ni Mama ang lahat?" takang usal ko

"Bago kami ikasal ng Mama mo sinabi ko ang lahat sakanya, na may Asawa ako at buntis ito, ayoko maging unfair sakanya, tinanggap niya yon, pero alam ko sa sarili ko na si Bill pa rin ang gusto at totoong mahal ng Mama mo.."

😞😞😞😞😞

"Pero tinuloy niyo pa rin ang kasal.."

"Dahil lahat kami, sunod-sunuran lang sa Lolo mo.."

"Hindi totoo yan Pa.." umiiyak na usal ko

"Noong panahon na umalis ako, sinabi nila na pumunta ako sa babae ko, pero pumunta ako kay Lucille non, pinaki-usapan ko siyang wag guluhin ang Mama mo at ikaw Alex.." paliwanag pa ni Papa

"Pabalik na ako sa bahay noon pero nawala si Lucille, hindi ko maiwan si Gabby kaya naman hinintay ko siyang bumalik.."

"Kaya ayos lang kahit mawala ako?" usal ko

"Tinawagan ako ng Mama mo at yon na ang araw na nawawala ka nga.."

"Malaki na si Gabby non?" takang tanong ko

"Oo Alex dalawang taon ang tanda niya sayo.."

"Nagmadali ako umuwi noon, iniwan ko mag-isa si Gabby, hinanap kita, halos mabaliw ako kaka-isip kung san ka na napunta.." naiiyak na kwento ni Papa

"Halos lahat ng sisi sakin tinuon ng Lolo mo, hindi ko na alam ang gagawin ko noon dahil pinag-tangkaan na ng Lolo mo ang buhay ko at buhay ni Gabby.."

"Hanggang sa nalaman namin na si Lucille nga ang kumuha sayo, madali namin siyang hinanap pero huli na ang lahat Anak.." umiiyak na usal ni Papa

"Patawarin mo ako Alex anak, bakit kailangan pa mang-yari sayo ang lahat ng 'yon.."

😣😣😣😣😣

Para bang pinag-sakluban ng langit at lupa ang damdamin ko sa mga nalaman ko..

Ibig sabihin lahat ng kwento at paliwanag ni Lolo at Mama noon ay paninira lamang yon kay Papa..

Nagawa niyang iwan si Lucille para panagutan kami ni Mama kahit pa hindi niya gusto..

😖😖😖😖😖

Napaka-sama ni Lolo!

Hinayaan niyang masira ang pamilya ni Papa para lang matupad ang kagustuhan niyang umangat sa negosyo!

"Hindi ko alam kung paano ipa-paliwanag lahat kay Gabby yon noon.." umiiyak na usal ni Papa

"Paano nang-yari na ma-ampon siya ng iba?" takang tanong ko

"Lahat ay plano ng Lolo mo, nang mamatay si Lucille agad na kinuha niya sa puder ko si Gabby at pina-ampon ito sa isa sa mga maya-yaman niyang kaibigan.."

"Bakit ka pumayag?" takang usal ko

"Ayaw ng Lolo mo na makilala mo si Gabby dahil lalabas na kapatid ka niya at malalaman ang baho na tina-tago ng Lolo mo.."

"Kaya hinayaan mo mawala si Gabby sayo?"

"Natakot ako Anak, natakot akong pareho kayo mawala sa akin.." umiiyak pa ring tugon ni Papa

"Hindi ba't ganon ang nangyari? Nawala kami pareho sayo.."

"Matapos ang aksidente na yon, hindi na ako pinatawad ng Mama mo, at di katagalan naging sila uli ni Bill.." paliwanag ni Papa

"Kaya galit si Gabby sayo? Dahil natatandaan niya lahat ng 'yon?"

"Maaari, at limitado lang ang mga bagay na alam niya.."

😞😞😞😞😞

Parang naka-hinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ngayon alam ko na ang dahilan bakit naga-gawa ni Papa na iwan kami noon..

Tumayo si Papa sa kina-uupuan niya, nag-punas siya ng luha at lumapit sakin..

Tinapik niya ang kanang balikat ko..

"Ako na siguro ang pinaka-duwag na taong nakilala mo Alex, ganon pa man sana dumating ang araw na mapatawad mo pa ako ng buo.." seryosong usal ni Papa

Matapos non ay nag-lakad siya at pumasok na sa loob ng bahay..

😞😞😞😞😞

Ngayon iniisip ko kung paano nagawa ni Lolo ang mga ganon kasa-samang bagay..

Anong utak ang meron siya??

Kaya tuloy pati si Gabby si Papa rin ang sinisisi sa mga nangyaring di maganda sa buhay niya..

Alam kong marami pa akong dapat malaman at malalaman, palagay ko umpisa pa lang ito ng kwento..

PLEASE FOLLOW MY PAGE IF YOU LIKE THE STORY 😊🔥

Continue Reading

You'll Also Like

369K 564 4
Warning:: some scenes of this story is not suitable for minors A/N:: pagpasensyahan niyo po kung may typhos at grammatical errors... And flaws of the...
280K 5K 53
Isang babaeng ubod ng ganda at sexy pero sa isang iglap lang ay mapapaibig ito ng isang lalaking ubod ng manyak..
2.1M 61.8K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
116K 1.9K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...