My Quarantine Girl VIII

3.6K 40 4
                                    


Chapter VIII:

LOU'S POV:

Gustong-gusto ko malaman ni Alex ang totoo, dahil gusto ko na mag-bago ang tingin niya sa Papa niya..

Pero sa ngayon sarado pa ang isip niya sa mga bagay na yon..

"San mo nanaman ako dadalhin?" takang usal niya nang sumakay kami ng kotse mula sa bahay ni Lucille

"Sa Papa mo.."

"A---ano???"

"Diba gusto mo malaman yung pinag-usapan namin? Panahon na para malaman mo.."

"Lou pwede ba? Itigil mo na 'tong mga kalokohan na 'to!"

"Kalokohan?? Ito ang gusto mo diba?"

Seryosong usal ko sakanya at tiningnan siya ng diretso..

"Lou..."

"Alex ginagawa ko 'to para sayo, tahimik ang buhay ko noon nang hindi pa kita nakikilala.."

"Bakit? Sinabi ko bang gawin mo lahat ng 'to?! Sinabi ko ba na 'Lou hanapin mo naman anh lugar kung saan ako dinala at kinulong ni Lucille' sinabi ko ba na 'Lou makipag-usap ka kay Papa at alamin ang lahat sakin' hiniling ko ba yon?! Ni-hindi mo nga sinabi sakin na naka-punta ka na sa lugar na 'to! Na nag-uusap kayo ng Ama ko! Tama bang ilihim mo lahat ng yon sakin Lou?!"

"Ayoko lang mapahamak at mawala ka.."

"Lou mas ayoko mawala ka! Naisip mo ba?! Narinig mo ba yung sinabi ng babae kanina?! Gusto niyang mawala ka sa plano niya!!"

"Bakit Alex?! Hahayaan mo ba mang-yari yon?"

Hindi siya sumagot at huminga lang ng malalim..

"Ganon ka ba talaga ka-duwag Alex?" seryosong usal ko

"Umuwi na tayo..."

Hindi ko siya sinagot pa, mabilis kong pina-andar ang kotse niya at dinala siya sa bahay ng Papa niya..

"Tara na.." usal ko nang makarating kami dito

"Ayoko.."

"Bababa ka o kakaladkarin kita?!" pananakot ko sakanya

Tiningnan niya lang ako ng masama ngunit wala siyang magawa, napaka-duwag talaga..

Pag-doorbell namin ay agad kami pina-tuloy ng kasambahay at pina-upo sa sala..

"Tingnan mo? Mas welcome dito sa bahay ng Papa mo.." usal ko sakanya

"Tssss.." pagsu-suplado niya

"Sa Lolo mo kailangan pa mag-hintay sa garden, parang hindi ka Apo.."

"Lou... Iha???" bungad ng Papa ni Alex at agad naman akong tumayo para salubungin ito

"Ahhhh--- Sir pasensya na--"

"Sir? Tito nalang.." tugon ng Papa niya

"Ahhh-- Tito Alex, pasensya na kung gabi na at na-istorbo pa namin kayo.."

"Wala yon, may problema ba?" nag-aalalang usal nito habang naka-tingin kay Alex

😑😑😑😑😑

Samantalang si Alex naka-upo lang sa sofa habang abalang naka-tingin sa malayo at tila walang paki-alam na andon na ang Papa niya..

"Hmmmm Tito, nang-galing kami sa bahay ni Lucille.." nahi-hiyang usal ko

Agad ako nitong tiningnan at halatang-halata ang pagka-gulat niya sa sinabi kong yon..

"A---anong ginawa niyo don?" tila kinabahan na tugon nito

My Quarantine GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon