My Quarantine Girl VI

5.7K 45 5
                                    


Chapter VI:

UNO/SHIN'S POV:

Umasa lang ako nang gabing yon kay Lou..

Hindi siya dumating, nag-hintay ako nang mahigit isang oras pero hindi siya sumipot sa usapan naming dalawa..

Kinabukasan ay malungkot akong umalis sa hotel at wala sa mood buong oras ng biyahe hanggang sa makarating ako ng Cebu..

"Mr. Yrastoroza, Its good to work with you hope you'll be able to work in Manila branch office.." usal ni Miss Gabby sakin na anak ni Big Boss

Ngumiti lang ako sakanya at tuluyan na nag-paalam..

Hindi nag-tagal naka-balik ako ng Manila, tuluyan akong na-assign dito dahil sabi ni Big Boss kailangan ni Miss Gabby ng tulad ko sa Management nila..

Ilang Linggo ang lumipas pero hindi ako naka-tanggap ng kahit na anong paramdam mula kay Lou..

Hinayaan ko yon, baka nga gusto na niya akong kalimutan, ayoko na ipilit pa ang sarili ko sakanya bilang isang kaibigan..

"Mr. Yrastoroza, good for lunch?" masayang usal ni Gabby sa akin

Naging malapit kami sa isat-isa dahil maraming mga bagay ang napag-kakasunduan naming dalawa..

Akala ko noong una ay mahirap siya pakisamahan dahil Anak siya ni Big Boss, at nababali-balita na papalitan ko siya sa position niya..

Though nai-offer sakin ni Big Boss na palitan si Gabby sa position niya, hindi ko tinanggap yon..

Ayoko ng gulo sa trabaho at mas ayoko ng ka-kumpetensya, masaya ka-trabaho si Gabby at walang problema sakanya maliban lang sa hindi siya marunong humawak ng oras niya at expenses ng kumpanya..

Kaya mababa ang sales ng Manila Branch dahil sa mga meetings na hindi niya napu-puntahan, nagba-back out ang mga Investors dahil sakanya, kung hindi siya late madalas nawawala sa isip niya ang mga meetings na pini-pirmahan niya..

Kaya naman yon ang una kong inayos kay Gabby, ang matutunan niyang hati-hatiin ang oras niya at pahalagahan ang bawat segundo nito, mula non naging responsable na siya..

Fast learner si Gabby kaya mabilis din siyang nag-bago, kulang lang talaga siya sa guidance regarding sa business na pina-pasok niya..

"Sure! Sa favorite natin?" masayang tugon ko

"As usual!"

Madalas kami mag-kasama, ahead si Gabby sakin ng Limang taon kaya naman pakiramdam ko nag-karoon ako ng kapatid na babae sakanya..

"Oyy Lex, okay na ba yung sales last month? Tingin mo magiging proud si Dad sakin?"

"Oo naman noh! Mas mataas compare last quarters na wala ako.." nata-tawang tugon ko

"Oo na! Ikaw na ang magaling.."

"Maliit na bagay.."

"Kamusta pala yung treatment mo? Kailan ka dadaan uli sa Doctor?"

Alam na ni Gabby ang trauma na pinag-daanan ko noon sa kamay ng Babaeng Baliw na kumuha sakin, na-kwento ko yon sakanya noong gabing malasing ako dahil sa sama ng loob ko kay Lou..

Magaan ang loob ko kay Gabby, hindi ko alam kung bakit.. Ang dali lang para sakin ang mag-sabi sakanya ng mga bagay na noo'y hindi ko magawa sabihin sa kahit na sinong tao..

Nakita rin kasi niya ang peklat sa kaliwang balikat ko kaya di ko na naiwasan hindi ikwento sakanya ang totoo..

"Next week pa uli.."

My Quarantine GirlWhere stories live. Discover now