My Quarantine Girl XV

2K 44 36
                                    


Chapter XV:

ALEX'S / SHIN'S POV:

Maaga akong nagising para mag-ayos at bumiyahe papuntang Cavite..

10am kasi ang meeting time nila Miss Aya, pero dahil may sasakyan naman ako hindi na ako sasabay sa service nila..

Dinaanan ko muna si Xian bago tuluyan bumiyahe pa Cavite, araw-araw ko kasi siya pinu-puntahan para ma-check kung okay lang ba siya..

Tulog pa si Xian kaya naman iniwan ko nalang kay Gab ang dala kong breakfast..

"Gab aalis muna ako, pero uuwi rin ako mamayang gabi.. babalik ako dito bukas ipapasyal ko si Xian sa hapon.." paalam ko

"Okay ikaw bahala.." walang ganang tugon niya

Hindi na ako sumagot pa at umalis na..

PHONE CALL WITH MISS AYA

"Sir saan ka na? Nasa Cavite na kami ikaw nalang ang kulang.." masayang usal niya

"Maam on the way na ako, don't worry darating ako medyo late lang.."

"Sige Sir ha? Hindi ako kakain ng lunch hangga't wala ka pa dito!"

"Sige Maam, 15 minutes nandiyan na ako.." natatawang tugon ko

Hayyyy si Miss Aya talaga makulit pa rin tulad ng dati..

😊😊😊😊😊😊

Maya-maya pa ay nakarating na ako sa private resort na sinasabi niya..

Agad akong pumasok sa reception pagtapos ko mag-park ng sasakyan..

"Sir Alex!!!"

Agad ko nilingon ang boses na 'yon at syempre si Miss Aya kasama ang inaanak ko sakanya..

"Hi Maam..." masayang usal ko

Nilapitan ko sila at agad naman nag-mano sakin ang anak niya..

"Wow ang pogi naman, anong pangalan mo?" naka-ngiting usal ko kay baby

"Joaquin po.." nahihiyang tugon nito

"Hi Joaquin! Ilang taon ka na?"

"Five na po ngayon.."

"Wow! Big boy na, happy birthday ha?"

"Thank you po Ninong..."

"Ahhh Maam! Nako naiwan ko sa kotse yung regalo para kay baby, babalikan ko lang.." usal ko kay Miss Aya

"Nako mamaya na! Gutom na kami! Hindi pa kami lahat kumakain kasi hinihintay ka.."

😳😳😳😳😳😳

Seryoso ba siya? Nakakahiya naman sa mga bisita..

"Ahhh ganon ba? O sige, sige mamaya nalang.." nahihiyang tugon ko

"Tara na..."

Hinawakan ni Miss Aya ang kanang kamay ko at sinama ako sa event hall ng resort kung saan nandon ang mga bisita ni Joaquin..

"Grabe noh? Isang taon lang pala ang agwat ni Joaquin kay Xian.." usal ni Miss Aya habang naglalakad kami

"Oo nga eh, may kalaro na si Xian soon.."

Ngumiti lang si Miss Aya at hindi na sumagot..

Malaki ang resort at malawak ang event hall..

Laking gulat ko pagpasok namin sa loob..

😳😳😳😳😳😳

Konti lang ang bisita na andito, wala pa halos sa bente na tao!

"Maam? Bakit konti lang ang bisita mo?" bulong ko kay Miss Aya

My Quarantine GirlWhere stories live. Discover now