Savage Sandiwa

By paraiso_neo

9.6K 657 34

(Completed) TCPAA - New Generation: In a world filled with deception and hidden truths, a story unfolds. One... More

Prologue
The Birth
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55 (Last Chapter)
Epilogue
Farewell
Special Chapter #1
Special Chapter #2
Special Chapter #3

Kabanata 11

180 17 0
By paraiso_neo

Kyline

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil may pasok kami, at wala na rin akong balak sa kung anong nangyari kagabi.

Bahala sila diyan, di ako interesado talaga. Tsaka tama bang pagbintangan nila ang mg sirena agad? Tapos walang sapat na ebidensya.

Kasalukuyan na kong palabas ng dorm ko, iniwan ko na muna si Krystal sa dorm dahil napagtanto ko na medyo di rin maganda na laging may dala akong pusa.

At dahil panay ako tingin sa paligid ay may nakabangga ako..

At sa pag-angat ko ay di na rin ako nagulat kung sino siya, dahil pabango palang niya alam ko na siya yun eh.

"Ky?" mahina at nahihiyang saad niya, ni hindi man lang makatingin sakin.

Aba dapat lang mahiya siya, like duh! Sa ginawa niyang katangahan sa harap ko nung isang araw di ko nalang alam kung di ka pa mahihiya.

"Oh, Clyde? Ganyan ka na ba katanga na di mo man lang sinubukang tingnan kung sino makakasalubong mo?" sarkastikong saad ko sakanya, kaya napayuko siya.

"Patawad Ky! Nagmamadali kasi ako eh pasensya na talaga." nahihiyang saad niya sakin.

Di ko na siya sinagot at tinalikuran na siya, di ako natutuwa sa presensya niya kaya ayoko siya makausap. Pero bago ako tuluyang tumalikod ay nagsalita ako.

"And also just fucking stop calling me "Ky" di na ako yun. Kyline is my name not Ky. And also ang alak sa tiyan nilalagay hindi sa utak." nakatalikod na saad ko sakanya at tsaka tuluyang naglakad ng di man lang siya nililingon.

Sabi nga nila wag na wag na tayong lilingon sa nakaraan, dahil isa nalang silang nakaraan na di na dapat balikan at lingunin pa.

Pagdating ko sa garden dahil naisipan ko munang tumambay dahil maaga pa naman.

Tiyak naman ako na di agad papasok yung first subject namin.

Umupo ako sa pwesto ko dun at tumingala sa langit hanggang sa maalala ko si Brylle. Nasaan na kaya yung stupid na yun?

Nakauwi kaya yun. Aba ayaw magpahatid, at tsaka nababadtrip pa ko sakanya dahil sa ginawa niya.

Dahil ayoko sa lahat ng niyayakap.

Akmang patulog ako dahil nakaramdam ako ng antok, kasalukuyan kasi akong nakahiga sa damo ng biglang..

"Ina, ipangako mong babalik ka.." mahina at puno ng pag-asa na rinig kong boses ng isang lalaki.

Kaya napamulat ako at napairap sa ere. Ano na namang drama tong maririnig? Hindi ba mauubusan ng madrama dito sa campus?

"..dahil marami akong gustong itanong sa inyo, lahat ng tungkol sayo at bakit ang dami-dami mong di sinasabi sakin Ina." saad niya pa at tsaka ko narinig ko ang hikbi niya.

Kingina! Kalalakeng tao oh, umiiyak. Buti pa to umiiyak, kaysa kay Clyde na sobrang kapal ng mukha ni hindi man lang umiyak nung makipagbreak siya dahil sinayang niya ang ilang taon na pinagsamahan namin. Sabagay ano nga ba naman niyang karapatan niyang umiyak? Eh siya naman yung nagloko.

Sila ni Cheska, kingina nila. Isama na natin yung mga kusintidor na mga akala kong tunay na kaibigan.

Sinubukan pa nilang magpaliwanag sakin noon ah? Ang kakapal ng mukha, anong karapatan nila para magpaliwanag. Harap-harapan na nila akong ginagago.

At dahil naalala ko na naman yun, eto na naman yung luha ko at nagbagsakan ng di ko namalayan.

"Mga gago sila.." mahinang bulong ko at tsaka pinunasan ang mga luha ko at bumangon para tingnan kung sino yung umiiyak.

At pagtingin ko di na rin ako nagulat kung sino siya. Eh nung una kaming magkita nito, kadramahan na niya narinig ko.

Sa lahat ng lalaki siya lang yung nakilala kong madrama mas madrama sa babae ang depungal.

Lumapit ako sa kanya at sinapakan ng panyo sa mukha.

"Alam mo bang kalalake mong tao napakaiyakin mo." umiirap na saad ko sakanya, at gulat naman siyang napatingin sakin at sa panyo na sinapak ko sakanya.

"Bakit porket ba lalake ako? Bawal na ako umiyak or kami? Alam mo ba Sandiwa Kyline, na karamihan sa mg lalaki umiiyak sila ng walang kahit sinong nakakakita. Dahil mas pinipili nilang sarilihin para lang ipakita sa lahat na wala lang sakanila, kahit ang totoo nadurog din sila." paliwanag niya sakin at pinunasan ang luha niya.

Tama rin naman siya at medyo natauhan ako, pero wala pa din makakatalo sa pagiging iyakin niya.

Umupo ako sa tabi niya at inakbayan siya, at tumingin sa bundok na kitang-kita rito.

"Alam mo, Brylle! Pag di mo tinigil iyang pagiging iyakin mo. Baka maturn-off sayo mga babae at wala ng magkagusto sayo. Sige ka tatanda kang binata." pang-aasar ko sakanya kaya medyo natawa rin siya. Tinanggal ko ang pagkakaakbay sakanya.

"Akalain mo yun Sandiwa Kyline, marunong ka pala magbiro?" out of nowhere na sabi niya.

"Aba bakit anong tingin mo sakin? Di marunong magbiro, di naman ako ganto dati. May mga bumago lang sakin." sabi ko sakanya at medyo nalungkot ako pero agad ding nakabawi para di niya mapansin.

"Alam kong privacy mo na yan kaya di na ko magtatanong kung bakit. Alam mo Sandiwa Kyline, masarap ka pala kasama. Nakakatakot ka kasi tingnan sa malayo." sabi niya sakin, kaya napalingon ako sakanya.

Infairness dito kay Brylle gwapo siya at talagang pwedeng gustuhin ng kahit sinong babae kaso nga lang yung status sa buhay niya tinitingnan ng mga echoserang mga bruhang estudyante rito.

Pinagmasdan ko siya na nakatingin lang sa mga bundok at doon ko lang napansin yung uniform niya. Katulad na siya nung akin? Hindi na ba siyang scholar?

Kulay violet na to eh ganun din yung ID niya, kaya di mo na akalain na scholar siya.

"Di naman talaga ako nakakatakot, sila lang nag-iisip nun dahil sa ugali ko pero mabait naman ako wag mo lang bwibwisitin. Maiba tayo, bakit pala violet na damit mo? Parang kahapon lang blue yan ah?" sabi at tanong ko sakanya. Napatango siya at tsaka sinagot yung tanong ko.

"Ah, kahit ako nagulat sa Headmistress Mika. Inaaccept ko na kasi yung inooffer nilang dorm para sa mga scholars? At eto yung benefit, di na kami scholar isa nalang din kami katulad niyo. Bakit hindi ba bagay sakin?" paliwanag niya at sabay lingon sakin na siyang kinagulat ko.

Nagkatinginan kami at parehas napatigil at di namin alam kung sino unang iiwas. At tsaka ko naramdaman ang mabibilis na kalabog ng dibdib ko. Kaya ako na ang umiwas. At tsaka siya umiwas nung umiwas ako.

"H-hindi ah, bagay kaya sayo. Mas nagmukha kang Mafians at estudyante rito. Isipin mo yun from Stupid, stupid pa din.." nakangising saad ko, kaya ayun sinamaan niya ko ng tingin. "..hindi biro lang. Tara na kaya baka naroon na prof natin." saad ko at tumayo.

Wala na kong narinig sakanya at tumayo na rin siya.

"Eto na pala yung panyo mo." sabi niya at akmang iaabot na sakin yung panyo pero..

"Wag na sayo na yan, madami naman akong ganyan. Tara na at baka mapagalitan ka." pigil ko sakanya ng akmang ibibigay niya sakin yung panyo at tsaka niyaya siya at tsaka nauna na, naramdaman ko namang sumunod.

Pagdating namin sa room.

At nagkakagulo sila at wala pa yung prof namin, ni hindi nga yata nila ako napansin dahil sa sobrang taranta nila. Humiwalay na sakin si Brylle at umupo sa upuan niya.

Anong nangyayari sa mga to?

"Sigurado ba kayong di niyo siya makita?" rinig kong tanong ni Allyson sa mga kasama niya.

"Oo Sandiwa Ally, we never see him sa kahit anong sulok ng Academy." sagot naman ni John.

Him? Sinong nawawala sakanila? Taeng yan ang lalaki na na nila para mawala pa. At isa pa may mga kapangyarihan kami para proteksyunan ang sarili namin.

At nasa ganun kaming sitwasyon ng humahangos na dumating si Mia, umiiyak siya at agad yumakap sa mga kasama niya.

"Anong nangyari, Mia?" nag-aalalang tanong ni Cheska ahas kay Mia.

"Si Clyde.." humihikbi na paniwala ni Mia, dahilan para mapalingon ako sakanila at makaagaw ito ng atensyon ko. "..napakabilis ng pangyayari, magkasama lang kami nun then isang napakabilis na nakaitim ang tumangay sakanya. Nawawala ang pinsan ko." umiiyak na sabi ni Mia.

"Ano? Nawawala si Clyde?" out of nowhere na sigaw ko. Nakita ko ang gulat sakanila at napatingin sakin. Lalo na ng mga dati kong kaibigan.

"Sandiwa Ky?" nagtatakang saad ni Jaryl pero di ko siya pinansin.

At tsaka walang pasabing lumabas ako ng room, wala na kong pake sa iisipin nila. Di naman porket galit ako kay Clyde ay gugustuhin ko ng mawala siya.

Myghad Clyde! Nasaan kang gago ka?











Continue Reading

You'll Also Like

27.2K 848 43
In this world you have to be brave enough to accept that not everybody who fights with you survives the battle. Because in the end, it takes more tha...
519K 13.6K 85
(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave of unfamiliarity engulfs her. "Why am I h...
10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
630K 16.6K 70
Old title: Dream Academy Dream Saga #1 Sienna Seréna was born to become like them- a mage- although she holds nothing but herself. She lives in a wor...