𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔

By MissNDpain

51.8K 458 104

"Sa likod ng bawat tula ay may nakatagong kwento ng mga salita" Collection of MissNDpain's poems (▰◕◡◕▰) More

MGA TULA
MGA TULA
[ 𝗧𝗮𝗴𝗮𝗹𝗼𝗴 ]
ARAW AT BUWAN
SARILI'Y MAHALIN
KASAYSAYAN
KADENA NG PANGAKO
KAIBAHAN
KALSADA NG DISTANSYA
DAPIT-HAPON
ALITAPTAP NG PAG-ASA
KALABIT NG KAMATAYAN
HILING SA BULALAKAW
ROSAS NG KASIGURADUHAN
SARILING SAPOT
TALI NG MANIKA
PINTOR NG BAHAGHARI
ANG PANGHABANG-BUHAY NA PAKSA NG SAWING MAY-AKDA
LIHAM NG TAGLAGAS
KWENTO NG MANLALAKBAY
ANG HULING PAKIUSAP SA AKING UNANG PANGUNGUSAP
ANG BULONG NG SIMOY NG PAG-IBIG
LIHIM NG TAGSIBOL
GINOONG BERDE NG SETYEMBRE
SI UNA, ANG PANGHULI
ANG NAPUNDING ILAW NG ALITAPTAP
[ 𝗘𝗻𝗴𝗹𝗶𝘀𝗵 ]
'YOU' ROSE
PICK A STAR
AT LAST
REALITY-LIKE NIGHTMARE
FLAWED MOON
4 MYSELF X MYSELF

SAPLOT NG HAPLOS

1.2K 15 4
By MissNDpain




──────────── ✦ ✾ ✿
SAPLOT NG HAPLOS
✿ ✾✦ ────────────


Sa huni ng lagim, ako'y napalingon
Ngisi sa dilim, nakakakilabot na reaksyon
Iniwas ang tingin, inilipat ang atensyon
Sa daang tinahak, ako'y binalot ng tensyon


Sa bawat pagliko, siya'y nakabuntot
Naririnig ang yabag, anino ng kilabot
Puso'y kinabahan, dumagundong sa takot
Kinatatakutang paglapit, 'di na naudlot


Patalim ng pananakot, kaniyang dinukot
Itinutok sa akin, kamay ko'y hinablot
Hindi nakagalaw, damit ay nilukot
Yakap ng kayamuan, sa akin ay isinuot


Ako'y kinaladkad, hinila sa buhok
Dinala sa tago, isang sikretong sulok
Imahe ng dahas, mata'y sa'kin nakatutok
'Di makaalpas, anuman ang gawing subok


Makasalanang kamay, ako'y iginapos
Bawat parte ko'y pinasadahan ng haplos
Impit na sigaw, boses ko'y napapaos
Sa bawat galaw, mainit na luha'y bumubuhos


"Tama na!", sigaw ng pagmamakaawa
Umiiyak na tinig, tenga'y 'di handang umunawa
Kasabika'y nag-uumapaw, mata'y walang pagsasawa
Pag-asa'y naubos, tuluyan nang walang nagawa


Sa aking paggising, nakamit ang katapusan
Isang panaginip, alaala ng karimlan
Sugat sa pagkatao, peklat ng nakaraan
Habang-buhay na dala, araw-araw kong nararanasan


Maayos na pananamit ay hindi sagot
Maiksi, mahaba, anuman ang 'yong suot
Kasamaan, nariyan, patuloy na bumabalot
Nagbabadyang karahasan, nasa tao ang gusot


'Ako'y habang-buhay na nakagapos suot ang saplot ng haplos'

Continue Reading

You'll Also Like

20 8 11
naliligaw Kaba? Tila Mukha Kang malungkot... halika at pumasok ka sa aking tahanan ... dahil dito ay magiging Masaya, Malaya at payapa ka❤️
35.2K 569 47
Poem about random things.
266 71 22
Hindi ko alam kung saan at paano, ngunit tanging papel at ballpen na lamang ang hawak ng makalyo at pasmado kong mga kamay. Tila ba dinadaluyan na 'r...
4.8K 148 109
The pain of today will be the strength of tomorrow. ❤️ "At Least We Met" written by: adfinemfidelis Date Started: 04-16-20 Date Ended: 04-29-20