GINOONG BERDE NG SETYEMBRE

50 2 3
                                    

────────────────── ✦ ✾ ✿GINOONG BERDE NG SETYEMBRE✿ ✾✦ ──────────────────

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

────────────────── ✦ ✾ ✿
GINOONG BERDE NG SETYEMBRE
✿ ✾✦ ──────────────────


Setyembre ang buwan noong ika'y aking nakita
Sa saradong puso, ika'y kumatok at nag-anyong bisita
Ako'y nabighani sa taglay na kislap ng 'yong mga mata
Mistulang gimik ng mahika ang una nating pagkikita


Suot mo'y berdeng kasuotan, salungat sa pulang mansanas
Walang bakas ng pagdududa, nahumaling sa ngiting ipinamalas
Mahigit sa madalas ang naging pagtatagpo ng dalawang landas
Tadhana'y gumawa ng kumpas upang ako'y maniwala sa senyas


Batid ko ang pahiwatig ng mabilis ngunit madalas na sandali
Sa kasamaang palad, sumang-ayon sa atin ang oras ng pagkakamali
Ikaw man ang taong napili, ika'y nakatakdang magmadali
Ako'y iyo lamang nilagpasan para sa iba manatili


Ginoong Berde, marahil ika'y bituin, 'di kayang sungkitin,
Pagtingin ay may agwat, espasyo sa pagitan ng damdamin
Kung gayon, sa pwestong 'to, ika'y aabutin na lamang ng tingin
Pintig na sumibol ngayong buwan, ang kulay ng nabuong damdamin


"Sa buwan ng Setyembre, ika'y aking nadiskubre, Ginoong Berde."

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔Where stories live. Discover now