Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
──────────────────── ✦ ✾ ✿ ANG BULONG NG SIMOY NG PAG-IBIG ✿ ✾✦ ────────────────────
Sa aking bokabularyo, pag-ibig ay 'di numero uno Siguro, sa isang punto, oo, ngunit karugtong nito'y maraming 'pero' Ito'y 'di bago, 'di natamasa ang salitang 'sigurado' Damdaming peke at totoo, pinaglalaruan ang mga tao
"Mahal kita," maaari mo 'yong marinig 'pag ika'y inibig Pagmartsa ng kakaibang pintig, gumagawa ng isang himig Mga paru-parong nagkakagulo, dulot ng nakakakiliting pahiwatig Ganito raw ang pakiramdam 'pag sumibol ang tinatawag nilang pag-ibig
Ako'y 'di naghahanap sapagkat kuntento sa paghihintay Sa bangka ng tadhana ako'y sasakay, sa anod ako'y sasabay Lunurin man ng panahon, daliri ng bituin ma'y sumablay Malabong imahe ng taong 'yon, patuloy kong isasabuhay
Kung sa huli'y walang naghihintay sa dulo ng pulang sinulid Marahil ito'y sadyang patid kaya walang sinuman ang nakakatawid Ngayo'y makinig sa hangin at dinggin ang nais nitong ipabatid Pag-ibig na aking sambit, isang mensahe ang ihahatid
"Hayaan ang pusong lumihis sa kaibig-ibig na landas ng daigdig, hindi man nito matagpuan ang katugmang pintig," ito ang bulong ng simoy ng pag-ibig.