──────────── ✦ ✾ ✿
ALITAPTAP NG PAG-ASA
✿ ✾✦ ────────────Ating 'ngayon,' puno ng kadiliman
'Di makitang lagim, ating naramdaman
Sarili'y ikinulong sa banta ng kapahamakan
Isinarado ang pinto, para sa kapakananSa apat na sulok ng munting kwarto
Madalas malugmok, bente kwatro
Umaapaw sa isip, pagdurusang puro
Direksyon ng bukas, hindi pa rin maituroMula sa bintana'y, binabantayan
Nasaan na nga ba, liwanag ng bayan?
Itim na araw, patuloy tayong sinusubaybayan
Yakap ng takot, magawa sanang lubayanAnino ng karimlam na ating paksa
Itim na kulay, hiling natin ay mapuksa
Lilipad sa dilim, ating matatamasa
Gamot ng liwanag, alitaptap ng pag-asa'Alitaptap ay lalayag kasabay ng pag-asang lumiwanag'
YOU ARE READING
𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔
Poetry"Sa likod ng bawat tula ay may nakatagong kwento ng mga salita" Collection of MissNDpain's poems (▰◕◡◕▰)