KAIBAHAN

2.3K 12 3
                                    

───────── ✦ ✾ ✿KAIBAHAN✿ ✾✦ ─────────

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

───────── ✦ ✾ ✿
KAIBAHAN
✿ ✾✦ ─────────


Sa dahilan na matatagpuan sa kawalan
Ako ay dinala sa iyong kalawakan
Sa pagmulat ng mga mata, aking nasilayan
Ang kagandahan sa iyong kaibahan


Ang iyong lahat ay iba sa lahat
Pagsama-samahin man ang magkakatulad ay hindi sasapat
Nais kong malaman at maisiwalat
Ang iyong kaibahan na walang katapat


Hanapin ang pareho, hindi maipupuwesto
Sadyang natatangi ka at walang kapareho
Hanapin ang kakaiba, mabubuo ang disenyo
Kaibahan mo ang bubuo at tanging kukumpleto


Sa pagbuo ng sining, ikaw ang kasangkapan
Ikaw na nagpakita sa gitna ng hindi inaasahan
Sa iyong pag-alis, hindi ko malilimutan
Ang iyong kaibahan na depinisyon ng kagandahan



☘ Zev
~THE VLACK KOSMOS~
(Kabanata 6)

𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔Where stories live. Discover now